Maine Mendoza, hindi natatakot malaos! | NewsKo

Maine Mendoza, hindi natatakot malaos!

Two years pa lang sa showbiz ang phenomenal star na si Maine Mendoza, pero hindi na maitatanggi na siya ang isa sa pinaka-biggest stars sa bansa.

Two years pa lang sa showbiz ang phenomenal star na si Maine Mendoza, pero hindi na maitatanggi na siya ang isa sa pinaka-biggest stars sa bansa.

Maging si Maine ay hindi pa rin minsan makapaniwala na nangyayari ngang lahat sa kanya ito.
“Parang hindi ko pa rin ma-fathom kung ano ba ang meron. Bakit ako?,” pakli niya na tila nahihiya..
Hanggang ngayon hindi batid ni Maine kung anong meron siya kaya minahal, inidolo at pinagkatiwalaan siya ng mga tao. “Honestly, hindi ko po alam. Parang isang question sa akin yun na hindi ko po masasagot,” tugon niya.

Pero lahat ng tagumpay na tinatamasa niya ay ipinagpapasalamat ni Maine sa AlDub nation.
“Siguro po, dahil na rin ito sa mga sumusuporta sa amin ni Alden (Richards) na very supportive sa mga ine-endorse namin. Kapag may nakita na may bago akong endorserments, talagang sinusuportahan nila.”

And as a proof, her partnership with CDO Funtastyk Young Pork Tocino.
“Nakakatuwa po kasi patuloy pa rin silang nagtitiwala sa akin. Parang isa siya sa mga unang endorsements ko at nagtiwala sa akin. And sobrang happy naman po ako na maging part ng pagiging top-selling tocino na ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino. Quality alone lang po kasi, sobrang okey talaga,” deklara niya.

Sey pa ni Maine na nag-renew ng kontrata bilang endorser, “Before po kasi, hindi ko alam kung anong brand ng tocino ang kinakain namin sa bahay. Pero pansin ko na matigas and mahirap lutuin. Yun ang napansin kong difference. Ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino, very soft and perfect yung sweetness. Sobrang daling lutuin pa kasi no need to boil. Imagine kung sobrang busy mo, no need to worry kung ano ang kakainin mo,” sambit pa niya dahil gawa ito sa 100% young pork at hindi sa inahing baboy.
Sa bagong campaign ni Maine para sa paborito niyang tocino, marami ang napaisip at naintriga tungkol sa sinabi niyang “iba talaga pag forever young.”

Sa pamamagitan ng mga billboards at bago niyang TVC ay ni-reveal na nga ni Maine ang kanyang “forever young.” Ang mga ganitong campaign ng CDO ang isa rin sa dahilan kung bakit ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino at si Maine ay nananatiling on TOP and yes, they intend to stay there forever.
Pero alam din ni Maine na hindi forever ang showbiz, katulad ng anumang kasikatan.

“Parang sa lahat naman po ng bagay, ‘di ba, once na na reach mo ang top, siyempre po, mas gusto mo na i-maintain ang ranking. Isa po ito sa mga bagay na hindi ka dapat malunod. Kasi, pana-panahon lang din naman po ‘yan.

“Ang sa akin na lang, habang nasa ‘yo, enjoy mo. Pero sa tocino po, yun po, may forever talaga kasi, CDO Funtastyk Young Pork Tocino. Forever young lang talaga,” nakangiting sabi niya.

Kung ang ibang artista ay nalulunod sa kasikatan at natatakot na maglaho ito, para kay Maine, masaya na siya sa lahat ng mga nangyari at nangyayari sa career niya.
“Honestly po, fulfilled na po ako sa mga na-achieve ko po. Sa mga na-experience ko rito sa showbiz. Hindi na po ako natatakot na mawala sa akin. Kasi yung dream ko po, na-achieve ko na at sobra-sobra pa po siya sa akin.

“Thankful po ako kung bibigyan pa ako ng blessing. Thankful ,lang po ako sa lahat, lalo na po sa patuloy na nagtitiwala sa akin,’” sambit pa niya.
At para matuklasan pa ang sikreto ng forever young, stay updated with CDO Funtastyk Young Pork Tocino Facebook page.
(ROLDAN CASTRO)