Hesus, Anak ng Tao Ka
1
|
Hesus, Anak ng Tao Ka, Taglay Mo ang pagka-tao, Isinilang ng dalaga, May katawan—laman, dugo. |
2
|
Naging abang alipin Ka, Lumakad sa mundong api, Tiniis lahat ng dusa, Di-mabigkas na pighati. |
3
|
Ika'y sanggol sa sabsaban, Dukhang sa ilang tumubo, Anluwaging nanungkulan, Tila salarin, napako. |
4
|
Binuhay Ka muli ng Diyos, Pagka-tao taglay pa rin. May anyo Ka ng pagka-Diyos, Sa langit, Tao Ka pa rin. |
5
|
Sa luklukan naghari Ka, Tao Ka pa rin sa glorya. Tao Kang kasama ng Diyos, At kasiyahan Niyang lubos. |
6
|
Sa l'walhati babalik Ka, Tao pa ring mapakita, Hari ng mga hari Ka Na may pantaong esensiya. |
7
|
Sa langit at lupang bago, Sa lahat Ikaw ang sentro; Magpakailanma'y dibino, At umiiral na Tao. |