[Answered] Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang - Brainly.ph
answered • expert verified

Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa kultura. -Henry gleason Sang-ayon ka ba sa pagpapakahulugan ni Herny Gleason sa wika? Bakit oo, bakit hindi?

Advertisement
Advertisement

Ang Wika

       Ito ay isang medium na ginagamit ng mga tao para makipag- ugnayan sa isat-isa. Ang wika ay pinagsama-samang tunog ,signo at lipon ng mga salita na nais sabihin ng mga bawat  tao.  

        Ang mga Pilipino ay may ibat-ibang dayalekto na kung saan ito ang ginagamit nila sa kanilang pamayanan upang makipag-usap , magkaintindihan at maipadama ang damdamin sa isat-isa. Ngunit iisa lang ang Pambansang Wika at ito ang Wikang Filipino batay sa Tagalog.

         Sabi nga  ni Henry Gleason, nagagamit ang wika ng tao sa pakikipagtalastasan bilang isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na kung saan isinaayos sa raraang arbitraryo. Hinuhubog tayo ng ating wika upang malaman ang ibat-ibang karanasan at paniniwala na ginagamit sa lipunan.  

          Ito rin ay  sumasalamin  sa kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang malayang pagsasama-sama at sa pagkakaisa ng layunin at damdamin. Ito ay paghahatid ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas.

           Sumasang-ayon ako sa ibinigay na kahulugan ni Gleason dahil ang wika ay isa sa may mahalagang parte sa ating sambayanan sapagkat ito ay bunga ng pagbabalangkas at mga piniling tunog at isinaayos upang maging instrumento sa pakikipag-ugnayan upang higit na maunawaan ng tao ang bawat isa.

Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa link:

brainly.ph/question/629088

brainly.ph/question/868824

#BetterWithBrainly

Advertisement
Advertisement