Unang Pahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Karagatang Pasipiko

Ang Karagatang Pasipiko (mula sa salitang Latin na Mare Pacificum, na ang ibig sabihin ay payapang laot, na iginawad ni Fernando Magallanes eksplorador na Portugues sa korona ng Espanya) ay ang pinakamalaking karagatan sa daigdig. Kinabibilangan ito ng isang katlo ng buong kalatagan ng Lupa at may sukat na 179.7 milyon km² (69.4 milyon milya kwadrado). Ito ay umaabot ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula sa Dagat Bering sa Karagatang Artiko hanggang sa mayelong lugar ng Dagat Ross ng Antartika sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong H latitud, ito ay nakalatag mga 19,800 km (12,300 mi) mula Indonesia hanggang sa baybayin ng Colombia. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay ang Kipot ng Malaka. Matatagpuan ang pinaka-mababang dako sa mundo sa Bambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko. Ang Bambang ng Marianas ay nasa 10,911 metro (35,797 ft) mababa sa pantay laot (sea level).

Nürnberg St. Lorenz Dreikönigsaltar Geburt 01.jpg

Ang natibidad ni Jesus, natibidad ni Cristo, kapanganakan ni Cristo o kapanganakan ni Jesus ay nilalarawan sa mga ebanghelyo ng Bibliya na Lucas at Mateo. Sumasang-ayon ang dalawang salaysay na ipinanganak si Jesus sa Bethlehem sa Judea, na tinakdang ikasal ang kanyang inang si Maria sa isang lalaki na nagngangalang Jose, na nagmula sa lahi ni Haring David at hindi amang pambiyolohiya ni Jesus, at dulot ng dibinong pamamagitan ang kanyang kapanganakan. Batayan ang natibidad para sa pistang Kristiyano ng Pasko tuwing Disyembre 25, at gumaganap ito ng isang pangunahing papel sa panliturhiyang Kristiyanong taon. Maraming mga Kristiyano ang tradisyunal na pinapakita ang mga maliliit na mga belen sa kanilang mga tahanan na isinasalarawan ang eksena sa natibidad, o dumadalo sa mga Palabas ng Natibidad o mga Paskong pagtatanghal na nakatuon sa siklo ng natibidad sa Bibliya. Ang pinainam na mga pinapakitang natibidad na tinatawag na "mga eksenang creche", na tinatampukan ng mga estatwang kasing-laki ng tao, ay isang tradisyon sa panlupalop na mga bansang Europeo tuwing Kapaskuhan.

May-akda ng larawan: Uoaei1

Prince Philip in Berlin 2015 (cropped).JPG
  • Pumanaw si Prinsipe Philip ng Edinburgh (nakalarawan) ng Reyno Unido sa edad na 99, dalawang buwan bago ang kanyang ika-100 kaarawan sa Hunyo 10. Siya ang pinakamatagal na naglingkod bilang konsorte ng monarkiya sa Reyno Unido at kabiyak ni Elizabeth II. Matapos nito, sinimulan na ang Operation Forth Bridge bilang pag-aksyon sa kanyang pagbuburol.
  • Ipinabatid ng pamahalaan ang enhanced community quarantine (pinag-ibayong kuwarentenang pampamayanan) sa Maynila at apat na mga karatig bayan nito bilang tugon sa tumataas na bilang ng COVID-19 sa Pilipinas. Kabilang dito ang curfew mula 6:00 p.m. hanggang 5:00 a.m sa loob ng isang linggo, mula Marso 29 hanggang sa Abril 4.
  • Mga protesta sa Myanmar ng 2021: Napatay ng militar ang higit sa 114 kontra-kudeta habang nagdiwang ang pinuno ng junta na si Min Aung Hlaing ng Araw ng Hukbong Sandatahan at ipinangako na "ipagsanggalang ang mga tao upang magpunyagi para sa demokrasya." Simiklab ang mga protesta sa buong bansa sa kabila ng isang babala ng estadong telebisyon na ang mga nagproprotesta ay maaring "barilin sa ulo at likuran."
  • Naharang ang Kanal ng Suez sa parehong direksyon pagkatapos sumadsad sa hilaga ng Daungan ng Suez sa Ehipto ang kargamentong barko na Ever Given na nakarehistro sa Panama.
  • 8,019 mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Kagawaran ng Kalusugan sa Pilipinas na umabot sa kabuuang kaso na 671,792. Ito ang pinakaunang bugso na lumagpas mula sa dating pinakamataas noong Agosto 10, 2020 na 6,958 at may kabuuang bilang na 136,638.
  • Bagong imbestigasyon tungkol sa Bloody Sunday (Madugong Linggo) ang ikinasa ng Korte Suprema ng Pilipinas sa pangunguna ni Diosdado Peralta. Dahil dito, napaigting ang pagtatalakay at pagsusuri tungkol sa pagkamatay ng mga abogado at aktibista matapos ang COPLAN ASVAL, na ikinasawi ng 9 na mga aktibista noong Marso 7.

Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Os d'Ishango IRSNB.JPG

Abril 10

Mga huling araw: Abril 7Abril 8Abril 9

Ngayon ay Abril 10, 2021 (UTC) – Sariwain ang pahina
Newar / Nepal Bhasa
(नेपाल भाषा)
Arumano
(Armãneashce)
Occitan
(Occittan)
Tagalog
(Wikang Tagalog)
Haytian
(Krèyol ayisyen)
Piedmontese
(Piemontèis)
Telugu
(తెలుగు)