Diether, ipinagmalaki ang kanyang mini-me | Pilipino Star Ngayon
^

PSN Showbiz

Diether, ipinagmalaki ang kanyang mini-me

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Proud na proud ang former matinee idol na si Diether Ocampo nang ibahagi niya ang kanyang 19 na taong gulang na anak sa dating non-showbiz girlfriend na si Dream.

Ibinida niya ang husay ng anak sa school na nag-e-excel daw sa eskuwelahan.

Kuwento ni Diet, interesado raw ito sa business, finance at management.

Hindi lang ito matalino kundi namana rin niya ang kaguwapuhan ng ama at mukhang heartthrob in the making daw ito.

Talagang mini-me raw ito ng aktor kaya lutang ang pagka-proud nito sa binata niya, at gym buddies din sila.

Kaya naman bukod sa pagiging kapitan sa Philippine Coast Guard Auxiliary ay abala sa paggabay sa kanyang anak si Diet.

Papasukin din kaya nito ang showbiz? Siguradong inaabangan ito ng mga tagahanga ng dating matinee idol.

Bongga.

Bong, inalam ang puno’t dulo ng fake news

Parang nakakatawa na ang nangyaring issue kay Bong Revilla.

Binibiro ko na lang siya na at least hindi siya kailangang gumasta sa publicity dahil nasa news siya araw-araw.

Hindi nga lang napigilang mapikon dahil nga sa kababawan ng issue na ginawa laban sa kanya. Siguro naman kung sinumang nagplano nito nagsisi na dahil hindi niya akalain ang magi­ging backlash nito.

Talagang hindi tumigil si Bong  habang hindi nakikita ang dulo ng ginawang issue sa kanya. Naawa nga ako na pati mga driver na siguro sumunod lang sa utos ng kanilang boss nasali pa sa investigation.

Pero para makita nila na you cannot mess with innocent people like Bong at gamitin ang pangalan niya. Now at least magiging maingat na ang mga mahilig mag-name drop.

Naku, nakaka-trauma na tuloy dumaan ng EDSA, hah hah, joke joke. Konting lamig ng ulo dahil Pasko na. Baka kung anu-ano pa maganap bago matapos ang taon, pero sana iwasan na nilang gamitin si Bong dahil ‘pag inosente ito, sure na bubuwelta at ilalaban ang sarili.

vuukle comment

DREAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with