Diether Ocampo says relationship with Kristine Hermosa is now "part of the past" | PEP.ph

Diether Ocampo says relationship with Kristine Hermosa is now "part of the past"

Diether is also happy that they are given the chance to move on with their lives.
by Melba R. Llanera
Published Mar 8, 2009
"Sa dami ng mga naririnig ko, parang hinihintay ng mga tao na parang medyo mabigat ang loob ko. Hindi, e, I'm very okay. Masaya ako dahil siyempre ito yung pagkakataon na ibinigay uli sa amin ng tao, ng Diyos, dahil mayroon kaming mga maling desisyon sa buhay namin. Pero ang magandang parte dun, nabigyan pa uli kami ng isang pagkakataon para makapagsimula uli," says Diether Ocampo about the nullification of his marriage with Kristine Hermosa.

Bago pa man naibaba ng korte ang desisyon sa nullification ng kasal nina Diether Ocampo at Kristine Hermosa, madalas nang napagkikita si Kristine kasama si Oyo Sotto. Aminado na rin si Diether na may bago siyang girlfriend, si Rema Ostwani.

Sa kaganapang ito, mukhang ang anumang pinagsamahan nina Diet at Kristine ay maituturing na isa na lamang kabanata sa kanilang buhay.

"When you end up something, tapos na yun, you move on, do your own thing. May saril na akong buhay, may sarili na siyang buhay. Lahat naman ng naging parte ng buhay ko, may pitak sa puso ko. Pero at this point, bigyan ko naman siyempre ng panahon ang sarili ko, marami din naman akong napabayaan and I'm sure ganun din siya.

"I don't have any regrets, parte ng buhay 'yan, 'yan ang huhubog sa pagkatao mo. May mga pagkakamali kang magagawa, ang importante, bangon uli, may natutuhan ka sa mga pagkakamaling nagawa mo. Yun naman ang nangyari, kasi nabigyan naman kami ng pagkakataon kaya masaya kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Saka ang dami kong natutuhan dito, like yung huwag kayong magmamadali. Hindi 'yan parang kaning isusubo mo na pag ayaw mo na, iluluwa mo lang. Makinig kayo sa mga nakakatanda, yung mga may alam na.

"Kaya ako ngayon, nakakapagbigay na ako ng mga payo kasi galing na ako dun. Kung bago ka lang at wala kang kaalaman pagdating sa ganyang mga bagay, mahirap lalo na kung may kasamang malalaking responsiblidad," malaman na pahayag ni Diether sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

INVALID MARRIAGE. Marami ang nag-akala na annulment ang isinampang kaso nina Diet at Kristine, ngunit nilinaw ng aktor na nullification ito ng kasal nila at hindi annulment.

"Yes, it's nullification," sabi ni Diether. "Ibig sabihin niyan, hindi siya naging valid to begin with. So, inakala nila na ikinasal ako. Hindi, kasi walang bisa yung kasal. We're single all along.

"Pero hindi ko alam pagdating sa mga technical na bagay, hindi ko masasagot. Mga maseselan na tanong na only a lawyer can give you the right right answers."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa kay Diet, masaya siya na tapos na ang nullification ng kasal nila ni Kristine at nabigyan sila ng pagkakataon to move on with their lives.

"I'm doing okay," sambit niya. "Sa dami ng mga naririnig ko, parang hinihintay ng mga tao na parang medyo mabigat ang loob ko. Hindi, e, I'm very okay. Masaya ako dahil siyempre ito yung pagkakataon na ibinigay uli sa amin ng tao, ng Diyos, dahil mayroon kaming mga maling desisyon sa buhay namin. Pero ang magandang parte dun, nabigyan pa uli kami ng isang pagkakataon para makapagsimula uli."

Isang pagssisimula kung saan nakahanap na sila ng ibang pag-ibig. Si Diet kay Rema at si Kristine naman kay Oyo.

"Regarding Oyo and Kristine, tinuldukan ko na nga, tapos na," diin ni Diether. "I'm moving on, I'm moving forward. So, hindi na ako parte nun. That's part of the past. Para sa akin, kung anuman ang sa kanila, hindi na ako makikialam diyan. So, wala akong komento tungkol diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"All I can say is that I'm happy and contented. Pag humiling ka sa Diyos, be careful. Kasi kung ano ang ibibigay sa iyo, darating at darating 'yan, e. Yung hiniling ko, sobra-sobra ang ibinigay Niya, so what more can I ask for?

"Si Rema kasi, she's a very private person. Hindi naman sa nagmamaramot ako, pero naiintindihan naman siguro ng tao na hindi siya taga-showbiz. Basta ako, balanced ang buhay ko ngayon kaya wala akong problema."

Hindi nama sumang-ayon si Diet sa obserbasyon ng marami na malaki ang pagkakahawig ng present girlfriend niya kay Kristine.

"Ang layo! Wala akong nakikitang pagkakapareho nila. Siguro lang dahil pareho silang mestiza-looking, pero yun lang."


STILL KAPAMILYA. Pumirma si Diet ng panibagong kontrata sa ABS-CBN noong March 4, Wednesday, kasabay sina Piolo Pascual at Sam Milby. Ang pagpirmang ito ng aktor ay hudyat na matutuldukan na rin ang dating isyu na paglipat niya sa kabilang istasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ito na yung panimula ko para sa taong ito na gagawa ako ng maraming proyekto sa ABS. I'll be doing remake of Only You along with Sam and Angel [Locsin], tapos marami pang nakalinya akong gagawin this year," pagtatapos ni Diether.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

"Sa dami ng mga naririnig ko, parang hinihintay ng mga tao na parang medyo mabigat ang loob ko. Hindi, e, I'm very okay. Masaya ako dahil siyempre ito yung pagkakataon na ibinigay uli sa amin ng tao, ng Diyos, dahil mayroon kaming mga maling desisyon sa buhay namin. Pero ang magandang parte dun, nabigyan pa uli kami ng isang pagkakataon para makapagsimula uli," says Diether Ocampo about the nullification of his marriage with Kristine Hermosa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

  • 50%