Coleen Garcia informs Billy Crawford about her daring scenes | PEP.ph

Coleen Garcia, ipinapaalam kay Billy Crawford ang daring scenes

Coleen Garcia, nagdalawang-isip bago tanggapin ang Isang Gabi.
by Jojo Gabinete
Published Apr 25, 2024
coleen garcia isang gabi presscon
Coleen Garcia on telling husband Billy Crawford about her intimate scenes in Isang Gabi: "Without giving away the story to him, kasi gusto ko rin na makuha yung organic reaction niya sa buong kuwento, sinabi ko sa kanya kung ano yung mga klaseng scenes yung sinu-shoot ko. Kung how far I went and everything. I would say pa nga na mas uncomfortable ako kesa sa kanya."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

Nag-atubili si Coleen Garcia na tanggapin ang pelikulang Isang Gabi dahil sa dalawang dahilan.

Una, masyadong seksi ang proyekto.

Pangalawa, kaibigan ng kanilang pamilya ang leading man niya sa pelikula na si Diego Loyzaga.

Ang Isang Gabi ay mula sa direksiyon ni McArthur Alejandre, at ang sumulat ng kuwento ay ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.

“At first, medyo nagdalawang-isip kami. Two reasons, one reason was because the material’s really very difficult.

“Originally, yung script na ito was sexier, it was for Vivamax. Pero siyempre, marami silang binago and heavy drama kasi yung pelikula.

“Nagdalawang-isip ako sa sarili ko kung kaya ko ba, kung mabibigyan ko ba ng justice.

"And then, another reason pa, si Diego ang kasama ko kasi para kaming magkapatid. Para ko siyang little brother. 'Kaya ko bang gawin ito?'

"It was a big factor pero nagawa naman namin nang maayos," saad ni Coleen nang humarap sila ni Diego sa entertainment press nitong Miyerkules, Abril 24, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Diego Loyzaga, panay ang tanggap ng raket para sa 1st birthday party ng anak

isang gabi poster starring Coleen Garcia and Diego Loyzaga

COLEEN GARCIA TELLS EVERYTHING TO HUSBAND BILLY CRAWFORD

Walang inilihim si Coleen kay Billy Crawford tungkol sa mga mapangahas na eksena nila ni Diego sa Isang Gabi.

Nagpapasalamat siya sa pagkakaroon ng isang maunawaing asawa na suportado ang kanyang acting career.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Coleen: “Actually, ito yung first script in a long time na hindi niya [Billy] nabasa. So, hindi niya alam kung ano ang magiging istorya sa mismong pelikula.

“But I do tell him about the scenes that I’m shooting kasi ayoko naman ng gulatan. Parang hindi naman tama yon na biglang magugulat na lang siya na may mga ganoong eksena ako.

“So, without giving away the story to him, kasi gusto ko rin na makuha yung organic reaction niya sa buong kuwento, sinabi ko sa kanya kung ano yung mga klaseng scenes yung sinu-shoot ko. Kung how far I went and everything.

“I would say pa nga na mas uncomfortable ako kesa sa kanya.

“Sinasabi niya, 'Ano ba, Love, okay lang yan. Kailangan yan for the movie.’

“I would say na mas nakaramdam pa nga ako ng discomfort, si Billy wala.”

Read: Coleen Garcia, ibinuko ang pinakamatinding away nila ng mister na si Billy Crawford

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

COLEEN GARCIA IN HER UNDERWEAR

Pinatotohanan ni Direk Mac Alejandre ang mga pahayag ni Coleen na mahirap gawin ang Isang Gabi dahil bra at panty lamang ang suot ng aktres sa kabuuan ng mga eksena nito sa pelikula.

“Mahirap gawin yung pelikula. Naintindihan ko kung bakit sila umatras noong una,” sabi ni Direk Mac.

“Hindi lang dahil sa mga sexy scene, half of the film, halos naka-panty at bra lang si Coleen tapos naka-brief lang si Diego.

“We pitched this para sa Vivamax.

"Nung narinig ni Boss Vic [del Rosario, Viva Films executive producer] yung kuwento, sabi niya, ‘Hindi ito pang-Vivamax. Pang-cinema release ito. Mag-antay tayo ng tiyempo. Gagawin natin para sa cinema.'

“Pagkatapos kong i-edit yung pelikula, so nag-picture lock na yung pelikula, ipinapanood ko kay Ricky [Lee].

"Ang sabi ni Ricky, 'Mac, sulit na nag-antay tayo.' Kasi ang feeling niya, sina Diego at Coleen, perfect casting.

"So, tuwang-tuwa si Ricky nang makita niya yung performances nung dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Coleen Garcia on telling husband Billy Crawford about her intimate scenes in Isang Gabi: "Without giving away the story to him, kasi gusto ko rin na makuha yung organic reaction niya sa buong kuwento, sinabi ko sa kanya kung ano yung mga klaseng scenes yung sinu-shoot ko. Kung how far I went and everything. I would say pa nga na mas uncomfortable ako kesa sa kanya."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

  • 50%