(DOC) MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGPILI NG KURSONG ABM NG MGA MAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG OUR LADY OF FATIMA | Erika Santos - Academia.edu
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGPILI NG KURSONG ABM NG MGA MAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG OUR LADY OF FATIMA Isang Pamanahong Papel na iniharap sa Kagawaran Ng Filipino Our Lady of Fatima University Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Pagbasa at Pagsuri Tungo sa Pananaliksik (Fil2) Ipinasa nina: Duque, Sharlyn Mendez, Christian John Pederio, Laizel Pomasin, Janine Marie Reyes, Jessa Pangkat Blg. 5 BE ABM 11-11 Ipinasa kay: G. John Vincent Conde, LPT Tagapayo Marso 2017 PINAGTIBAY Ang pamanahong Papel ay “Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng Kursong ABM ng mga Mag-aaral sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima” na inihanda ng Pangkat blg.5 na mula sa seksyon BE ABM 11-11 na binubuo nina: Duque, Sharlyn Mendez, Christian John Pederio, Laizel Pomasin, Janine Marie Reyes, Jessa Bilang Partial Requirement sa Filipino 2, Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, ay dumaan sa pamamagitan ng Oral Defense at inirekomenda para tanggapin at pagtibayin. G. John Vincent Conde, LPT Tagapayo Panel ng Evalwaytor Pinagtibay ng Komitee ng Oral Defense na may markang 85 Bb. Regine E. Vidal, LPT Chair ng Depensa Bb. Shelan Joyce Evangelista Miyembro Marso 2017 i DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang Pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2A, Pagbasa at Pagsuri Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel “MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGPILI NG KURSONG ABM NG MGA MAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG OUR LADY OF FATIMA” na inihanda ng Pangkat Blg. 5 na mula sa seksyon BE ABM 11-11 na binubuo nina: Duque, Sharlyn Mendez, Christian John Pederio, Laizel Pomasin, Janine Marie Reyes, Jessa Tinanggap ang Pamanahong Papel na ito sa ngalan ng Departamento ng Filipino at ng Our Lady of Fatima University, bilang isa sa pangangailangan sa asignaturang Filipino 2A, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik G. John Vincent Conde, LPT Tagapayo ii PAGHAHANDOG Nagpapasalamat ang pang limang grupo, pangkat ABM 11-11 sa mga naging inspirasyon at bahagi ngpananaliksik na ito. Lubos kaming nagpapasalamat sa ating Panginoong Diyos na siyang nanguna saaminsa pagsasagawa at pagpapatuloy n gaming pananaliksik. Karapatdapat siyang bigyan ng papuri sapagbibigay sa aming mga mananaliksik ng lakas, tatag, at tibay ng loob at isipan, pati sa mapagpala Niyang Kamay. Hindi din matutuwaran ang malaking nagging bahagi ng aming mga magulang sa pagsuporta at paggabay sa aming mga paglakad. Nagpapasalamat kami sa kanila sa tulong moral, pinansyal at pisikal na ibinigay nila sa amin. sa aming mga kaibigan na naging katuwang namin sa pagsasagawa ng pananaliksik. sa taong mga nagbigay ng kanilang suporta at tulong sa amin sa pagpapalawak at pagpapaganda Ng aming pananaliksik. Higit sa lahat, sa aming pinaka-mamahal at kagalang-galang na tagapayo na si G. John Vincent Conde, LPT sa kaniyang pagtatyaga, pag-uunawa, at paggabay sa amin sa buong proseso ng pananaliksik. Paghuli ay sa bawat kasapi n gaming pangkat na siyang naglaan ng oras at pagod upang maisakatapuran Ang aming pananaliksik. iii PASASALAMAT/PAGLALAAN Ang pananaliksik na ito ay hindi mabubuo kung hindi dahil sa mga taong nagbigay tulong at kontribusyon, mga sumusuporta, nagbigay inspirasyon, at lakas ng loob sa mga mananaliksik upang maisakatuparan ang minimithing kaganapan. Ang mga mananaliksik sa paksang “MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGPILI NG KURSONG ABM NG MGA MAG AARAL SA UNIBERSIDAD NG OUR LADY OF FATIMA” ay ipinapaabot ang aming lubos at taos pusong pasasalamat sa mga sumusunod: Una sa lahat, nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng tatag at lakas sa lahat. Sa kanyang pag-iingat at pag-gabay sa mga gawain sa araw-araw. Sa mga magulang ng mga mananaliksik na walang sawa sa pagsuporta sa pag-aaral at pagbibigay sa lahat ng suporta at maging sa pinansyal, upang makapanaliksik ng maayos at para maipagpatuloy ang pag-aaral. At higit sa lahat, sa kagalang-galang na guro ng mga mananaliksik, G. John Vinvent Conde, na walang sawang gumabay sa mga manunuri sa pag-aaral sa asignaturang Filipino. Gayundin sa bawat kasapi ng pangkat na nagbigay at nagbuhos ng oras at pagod upang ang pananaliksik na ito ay maisakatuparan. Malugod din na nagpapasalamat ang mga manunuri sa lahat ng mga naging daan upang makamit nito ang pangunahing layunin . iv ABSTRAK Pangalan ng mga Mananaliksik: Duque, Sharlyn Mendez, Christian John Pederio. Laizel Pomasin, Janine Marie Reyes, Jessa Pamagat: “Mga Salik na Nakaaapekto sa pagpili ng kursong ABM ng mga Mag-aaral sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima” Tagapayo: Ginoong John Vinvent Conde, LPT I. LAYUNIN NG PAG-AARAL Pangkalahatang Layunin Ang pangkalahatang layunin ng isinasagawang pag-aaral ay ang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang ng Unibersidad sa Our Lady Of Fatima University patungkol sa Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng Kursong ABM sa mga Mag-aaral sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima. Tiyal ng mga layunin: 1. Mabatid ang pananaw ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Our Lady Of Fatima University ukol sa Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng v Kursong ABM ng mga Mag-aaral sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima. 2. Matukoy kung paano tinanggap ng mga mag-aaral ng ika-labing isang baitang sa Our Lady Of Fatima Univerity 3. Malalaman ang mga positibo at negatibong epekto nito sa pag-aaral ng mga estudyante sa Our Lady Of Fatima University sa ika-labing isang baitang 4. Magabayan ang mga mag-aaral ng Our Lady Of Fatima University II. METODOLOHIYA Disenyo ng pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Deskriptibong sarbey, Ito ay isang paraan na may kinalaman sa taktika na ginagamit upang makakuha ng impormasyon na siyang gagamitin ng mga mananaliksik upang makakuha ng tiyak na impormasyon ukol sa pananaw ng mga respondent. Lokal na pananaliksik Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay binubuo ng 50 na mag-aaral na nasa ika-labing isang baitang na nasa kursong ABM ng paaralang Our Lady Of Fatima University na sumasailalim sa programang k to 12. Instrumento ng pananaliksik Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Sarbey-kwestyuner na maglalaman ng mga katanungan na maaaring pagkunan ng sagot at pananaw ng mga respondente patungkol sa Mga Salik na Nakaaapekto sa pagpili ng kursong vi ABM sa mga mag-aaral ng Our Lady Of Fatima University. Ito ang sasagot sa katanungan ng mga mananaliksik ukol sa desisyon ng mga mag-aaral sa pagpasok sa kolehiyo. Mga Hakbang sa Pag-aaral Ang mga mananaliksik ay unang pumili ng mga respondente na maaaring tumugon sa paksang napili. Tinalakay ng mga mananaliksik kung saan manggagaling ang mga ito, at napagpasyahan na sa rural na probinsya manggagaling ang mga sasagot ng sarbey-kwestyuner. Sa Our Lady Of Fatima University, Quezon City ang paaralan na napiling pagdausan ng sarbey. Sa paggawa ng sarbey-kwestyuner, sinangguni ng mga mananaliksik ang mga memorandumat order ng kagawaran ng edukasyon ng Ating bansa Hinggil sa pagbabago na maaaring magdulot ng positibo o negatibong pananaw sa mga mag-aaral. Ang bawat katanungan nakapaloob sa sarbey-kwestyuner ay masusing pinag-isipan at dumaan sa mapanuring pag-aaral upang masiguraado na ito ay makakapagbigay ng mga tamang impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral vii III. PRESENTASYON NG MGA DATOS TALAHANAYAN BLG.1 – Maraming respondante ang may pananaw na lubos na sumasang ayon na sariling kagustuhan nila nakaapekto sa pagpili nila ng kanilang kurso na may bilang na 30 katao o 60 % . may mga respondante naman na hindi sumasang ayon na nakaaapekto ang kanilang mga kaibigan sa kanilang pagpili nila ng kanilang kurso mayroon itong bilang na 25 katao o 50 %. May 28 katao o 56% naman ang sumasang ayon na ang kanilang magulang ang nakaapekto sa pagpili nila ng kanilang kurso. May lubos na sumasang ayon na nakaapekto sa kanilang pagpili ng kurso dahil dito nakapaloob ang nais na kuning kurso mayroon itong bilang na 30 katao o 60%. TALAHANAYAN BLG.2 - Malaking bilang ng mga respondente ang nagsabi na mas napalawak ang kanilang mga kaalaman dahil sa pagpili ng kursong ABM mayroong bilang na 38 na katao o 76%. May bilang na 33 katao o 66% na respondent ang nagsabing mas nadagdagan ang kanilang kaalaman sa paghawak ng negosyo dahil sa pagkuha nila ng kursong ABM. May 25 katao o 50 % na mas nagging palakaibigan sila dahil sa pag pili ng kursong ABM. May 41 na katao o 82% na hindi sumang ayon na nawalan sila ng kompyansa sa sarili dahil sa pagpili ng kursong ABM.mayroongnaming 36 katao o 72 % na respondent ang hindi sumangayon na nawalan sila ng interes sa kursong AMB dahil sa kanilang piniling kurso. TALAHANAYAN BLG.3 - Maraming respondante ang may pananaw na lubos na sumasang ayon na sariling kagustuhan nila nakaapekto sa pagpili nila ng kanilang kurso na may bilang na 30 katao o viii 60 % . May mga respondante naman na hindi sumasang ayon na nakaaapekto ang kanilang mga kaibigan sa kanilang pagpili nila ng kanilang kurso mayroon itong bilang na 25 katao o 50 %. May 28 katao o 56% naman ang sumasang ayon na ang kanilang magulang ang nakaapekto sa pagpili nila ng kanilang kurso. May lubos na sumasang ayon na nakaapekto sa kanilang pagpili ng kurso dahil dito nakapaloob ang nais na kuning kurso mayroon itong bilang na 30 katao o 60%. TALAHANAYAN BLG.4 - Ang mga respondent ay sumangayon na ang kadahilanan ng pag pili ng kanilang kurso ay dahil ito ang gusto ng kanilang magulang nagtamo ito ng bilang na 22 katao o 44%.hindi naman sumangayon ang mga respoindente na ang dahilang ng kanilang pag pili ng kurso ay bang kanilang mga kaibigan nagtamo ito ng bilang 30 kato o 60 %.lubos naman silang sumangayon na sariling interes ang dahilang sa kanilang pagpili ng kurso nagtamo ito ng 38 katao o 76%.may sumang ayon naman na may bilang 26 katao o 52 % na dahil sa papasakan nilang paaralan ang kanilang pinagbasehan sa pag pili ng kurso. Sangayon din ang mga respondente na dahilan din ang pinansyal na panganagailangan sa pagpili nilla ng kursong ABM. TALAHANAYAN BLG.4 - Ang mga respondent ay sumangayon na ang kadahilanan ng pag pili ng kanilang kurso ay dahil ito ang gusto ng kanilang magulang nagtamo ito ng bilang na 22 katao o 44%.hindi naman sumangayon ang mga respoindente na ang dahilang ng kanilang pag pili ng kurso ay bang kanilang mga kaibigan nagtamo ito ng bilang 30 kato o 60 %.lubos naman silang sumangayon na sariling interes ang dahilang sa kanilang pagpili ng kurso nagtamo ito ng 38 katao o 76%.may sumang ayon naman na may bilang 26 katao o 52 %. ix TALAHANAYAN BLG.5 - Maramaming respondent ang lubos na sumasang ayon na mas dumami ang kanilang kaalam dahil sa napiling kurso nag tamo ito ng bilang na 32 katao o 64 %. May mga respondent. may mga lubos na sumangayon naman na lumaki ang kompyansya nila sa kanilang mga sarili dahil sa kanilang napiling kurso nag tamo ito ng bilang na 27 katao o 54’%. May mga respondent din na lubos na sumasangayon na mas napalawak ang kanilang pagiisip dahil sa napili nilang kurso nagtamo ito ng bilang 34 katao o 68 %. Lubos na sumasang ayon din ang mga respondent na mas lumawak ang kanilang kakayahan base sa napiling kurso nagtamo ito ng bilang na 33 katao o 66%. Lubos pa din na sumasangayon ang mga respondente na mas lumawak ang kanilang kaalaman sa pagpapalawak ng negosyo nag tamo ito ng bilang 33 katao o 66% IV. KONKLUSYON Mula sa mga nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pag sarbey, ito ang mga nabuong konklusyon. 1. Ang kadalasang edad ng mga mag-aaral sa ikaling-isang baitang sa Our Lady of Fatima university ay may gulang na 17 taon. Karamihan sa mga ito ay kababaihan. At ang madalas na nakaaapekto sa kanilang pagpili ng kurso ay ang kanilang sariling interes. 2. Ang karamihan sa mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang ay may opinion na ang pagpili ng kurso gamit ang sariling interes ay mas nakabubuti. May ilan ding mas nagpaapekto sa kagustuhan ng kanilang magulang at kaibigan. Kakaunti lamang ang nagsabi na sila ay nagpaapekto sa kagustuhan ng kanilang kaibigan. x 3. Karamihan sa mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang ay mas sinunod ang kanilang sariling interes sa pagpili ng kursong ABM. Ang kanilang kadahilanan ay pagkuha ng kurso sa sariling interes. 4. Ang karamihan sa pananaw ng mga mag-aaral bilang positibong epekto ng pagpili ng kurso ay mas maraming nakuhang kaalaman na magagamit sa hinaharap. 5. Ang kadalasan naming opinion ng mga mag-aaral hinggil sa negatibong epekto nito ay ang pagkawala ng interes sa pag-aaral dahil sa maling pagpili ng kurso. V. REKOMENDASYON Base sa mga kasagutan at konklusyon nahinuha, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga rekomendasyon. 1. Para sa mga magulang, labis na nirerekomenda ng mga mananaliksik na sana aysuportahan nyo ang inyong mga anak sa pagpili nila ng nais nilang kuning kurso, bigyan sila ng labis na atensyon upang magabayan sila at hindi magpa dalos dalos sa pagpili ng kurso. 2. Para sa mga kaibigan, labis na nirerekomenda ng mga mananaliksik n asana ay tulungan nyo ang inyong kaibigan sa pagpili nila ng naaayong kurso para sa kanila at wag magpa impluwensya kung kani-kanino lamang. 3. Para sa mag-aaral, pagbutihin at pag isipang mabuti ang inyong kukuning kurso, wag basta basta magpa dalos dalos at kung kani-kanino. Sundin mo ang gusto mo at ang makakabuti para sa iyo. xi TALAAN NG NILALAMAN PRELIMINARYONG PAHINA Pinagtibay………………………………………………………………………. i Dahon ng pagpapatibay………………………………………………………… ii Paghahandog…………………………………………………………………… iii Pasasalamat/Paglalaan…………………………………………………………. iv Abstrak…………………………………………………………………………. v – x TALAAN NG NILALAMAN………………………………………………... ix-xi KABANATA 1: Ang Suliranin at ang Sanligan ng Pag-aaral Panimula………………………………………………………………… 1-3 Paglalahad ng Suliranin ……………………………………………… …3 Layunin ng pag-aaral…………………………………………………… 4 Kahalagahan ng Pananaliksik…………………………………………… 4 Paradimo………………………………………………………………… 5 Saklaw at Delimitasyon…………………………………………………..6 Depinisyon o kahulugan ng mga terminong ginamit…………………… 6-7 KABANATA II: Mga kaugnay na Literatura Dayuhanng Literatura……………………………………….……… 8-10 Lokal na Literatura……………………………………………….… 10-11 KANANATA III: Metodolohiya Disenyo ng Pananaliksik………………………………....….. 12 Lokal ng pananaliksik…………………………………….… 12 Taktika sa pagkuha ng Datos………………………….….… 13 Hakbang sa Paglikom ng mga Datos…………………….…. 13 Instrumento ng Pananaliksik…………………………...…… 13-14 Istatistikong Pamamaraan……………………………...…… 14 TALAAN NG TALAHANAYAN AT GRAP KABANATA IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Talahanayan ng Propayl ng mga Respondente…………..… 15 Grap Blg. 1-6………………………………………………. 15-21 KABANATA V: Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon Lagom……………………………………………………… 22 Konklusyon………………………………………………… 23 Rekomendasyon……………………………………………. 24 TALAAN NG SANGGUNIAN ……………………...…….…………....25 APENDIKS Apendiks A – Liham ng Paghingi ng Pahintulot Apendiks B – Sarbey-Kwestyuner Apendiks C – Curriculum Vitae Apendiks D – Mga Dokyumenton Apendiks E - Rubriks TALAAN NG MGA TALAHANAYAN Talahanayan Talahanayan Blg. 1 Edad ng mga Respondente………………………………………………….15 - 16 Talahanayan Blg. 2 Kasarian ng mga Respondente..........................................................................16 Talahanayan Blg. 3 “Ano-ano ang mga salik na nakaapekto sa mpagpili ng kursong ABM?”.…17-18 Talahanayan Blg. 4 “Paano Nakaaapekto sa Mag-aaral ang Pagpili ng Kursong ABM?’’…..….18-19 Talahanayan Blg. 5 “Gaano Nakimpluwensya Sayo ang Pagpili ng Kursong ABM?.”..………..19 - 20 Talahanayan Blg. 6 “?Mga Dahilan kung Bakit ito ang Kursong Napili”……………………….20 - 21 Kabanata I Ang Suliranin at ang Sanligan ng Pag-aaral Panimula Karamihan sa mga mag-aaral ay sinisigurado na kung anong kurso ang kanilang kukunin kapag tumungtong sa sila ng Senior High School ngunit mayroong mga maaaring maging hadlang at makaapekto sa desisyon na ito. Una ay ang kanilang pinansyal na katayuan, kung ang kukuning kursong ABM ng isang mag-aaral ay kayang, masuportahan ng magulang at kayang tustusan ang mga gastusin ng kurso. Isa ring nakaaapektosa pagpili ng kusong ABM ay ang pamilya na malaking epekto sa ginagawang desisyon ng mga mag-aaral. At isa rin sa nakaaapekto ay ang mga kaibigan na madalas kasama ng mag-aaral kung kaya naman ang mga desisyon na dapat nilang gawin ay naiimpluwensyahan ng mga ito. Iniisip rin ng mag-aaral ang kasiguraduhan ng magiging trabaho nito sa hinaharap. Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili, dahil ito ang tutulong sa inyo na makita ang kabuuan at iba't ibang anggulo ng sitwasyon. Mas maraming kaalaman sa mga bagay at sitwasyon, mas malinaw itong makikita. Mas malaki ang panahon at oras sa pag-iisip ng solusyon, mas malaki rin ang pagkakataon na maging tugma at angkop ito sa mga bagay na pinili o ninais. Malaya kang lumapit sa mga taong pinagkakatiwalaan at makapagbibigay sa iyo ng mabuting payo. Hindi ito maiaalis sa iyo dahil sila ang mga taong matatakbuhan natin sa oras na kailangan natin ng tulong. Sila ang may malaking impluwensya sa ating pagkatao. Bagaman ikaw ay may malayanh isip at kilos loob, hindi pa rin ito sa lahat ng oras ay maaring pagbatayan. Kailangan natin ang mga taong nakapaligid sa atin upang matulungan tayong magtimbang, magsuri ng mga bagay-bagay at maggabay tungo sa tamang pagpasya. Gamit ang kilos loob, nakapipili tayo sa mga pagpipilian, mabuti man ito o masama, kaya nga, ang kalayaan ay hindi lamang para gawin ang sariling gusto dahil nagiging daan ito upang ikaw ay magkamali sa pasya o pagpili. Maipapayo na suriing mabuti ang mga plano sa buhay upang maging batayan sa maayos na tatahaking karera. ang isang kabataan na nais ng kalayaan at nais na maging malaya ay kailangan na maikintal sa isip ang kaniyang kapangyarihan na gamitin sa tama at mabuti ang kanyang pagpili. Ang mga kaibigan na madalas kasama ng mga kabataan kung kaya naman ang mga desisyon na dapat nilang gawin ay naiimpluwensyahan ng mga ito. Karaniwan na ating naririnig sa ating mga magulang na ang edukasyon ang tanging yaman na mabibigay nila sa atin at hindi ito makukuha ng sino man. Bukod sa pagpapaunlad ng ating sarili, tayo din ay may tungkulin sa ating kapwa. Kung bawat estudyante ay pagbubutihin ang kanyang pag-aaral at tapusin ang anumang kursong nais, makakatulong ito ng malaki sa kanyang kapwa pagsapit ng takdang panahon. Layunin ng mga mananaliksik ang maisapubliko ang mga saloobin ng mga estudyante na maaapektuhan sa kanilang pipiliing kurso, na kung saan madalas ay hindi napapakinggan dahil ang kanilang dinirinig ay ang mga saloobin ng mga magulang na nag-papaaral sa mga estudyante. Ito ay paglilinaw lamang sa nasaisip ng mga mananaliksik na hindi lamang ang magulang ang apektado bagkus lalong apektado nito 2 ang mga mag-aaral sa haharap sa pagpili ng kursong ABM. Malaki ang maitutulong ng pag-alam sa kung papaano ito tinanggap ng mga mag-aaral. Importante ding alamin ang positibo at negatibo dala nito sa pag-aaral. Sa yugtong kinalalagyan mo ngayon, mainam na matutuhan mo na ang buhay ay binubuo ng maraming pagpipilian. Lahat ng bagay sa mundo ay dapat na pag-isipang mabuti. Lahat ang taong ayaw pumili o magpasya o makialam sa isang bagay o sitwasyon ay pumipili pa rin sa isang aksyon o kilos: ang hindi pagpili o hindi pakikialam. Dahil ang tao ay malaya at may kakayahang pumili. Paglalahad ng Suliranin Ang pag-aaral na ito ay para malaman namin kung ano ang mga salik na nakaiimpluwensya sa pagpili ng kursong ABM ng mga mag-aaral na nasa antas ng paaralan sa baitang ikalabing isa. At upang malaman ang mga tiyak na mga sagot sa mga sumusunod na katanungan. Ano-ano ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral ayon sa: Kasarian Edad Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong ABM? Paano nakaaapekto sayo ang pagpili ng kursong ABM? Gaano nakaimpluwensya sayo ang pagpili ng kursong ABM? Rekomendasyon: Sa pagpili ng kurso, nararapat lamang na ang iyong sariling kagustuhan, hilig at nais na kurso ang iyong piliin. 3 Layunin ng Pag-aaral Ang layunin ng pag-aaral na ito ay magkaroon ng ideya o kaisipan na makakatulong sa pagpili ng kurso at malaman o matukoy namin kung paano ba ang proseso sa tamang pagpili ng kursong ABM at kung saan ito nakadepende. At ang isa pang layunin dito sa pag-aaral na ito ay makapagbigay ng bagong impormasyon at mga bagong ideya na tatatak sa ating isipan at hahamon sa mga tinatanggap at ipinapalagay na totoong ideya. Kahalagahan ng Pag-aaral Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na isinagawa ay makakapaghatid ng impormasyon na makakatulong sa mga taong nasasaklaw ng pag-aaral na ito. Mahalaga ito para sa mga mag-aaral na pipili ng kursong ABM, dahil malalaman natin kung ano ang mga salik na ito.Sapag-aaral na ito malalaman natin kung ano ang tumulak sa mga mag-aaral para kumuha ng kursong ABM. Malalaman natin kung sila ba ay nakumbinsi ng kanilang mga magulang o kaibigan sa pagpili ng kurso. Malalaman natin kung sariling interes ba ang pagpili nila ng kursong ABM. Malalaman din natin kung ang taas ng sahod sa mga magiging trabaho nila ang tumulak sa kanila sa pagpili ng kursong ABM at kung masaya ba rito 4 Paradimo Sa pag-aaral na ito, ipinapakita ng figura 1 ang kadahilanan ng pagkakaroon ng magkakaibang pananaw ng mga mag-aaral na apektado sa pagpili na kursong ABM at ang importansyang naidudulot nito. AWTPUT Inaasahang ang kalalabasan ng pag-aaral ay ang makapagbigay ng impormasyon at kalinawan ukol sa pananaw ng mga pipili ng kursong ABM ng mga mag-aaral na papasok sa ika-labing isang baitang sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima. PROSESO •Pagsasagawa ng sarbey •Pagkonsulta sa mga naunang pag-aaral o thesis • Pagpunta sa mga SilidAklatan • Pagsangguni sa mga media • Paggamit ng internet INPUT •Anu-ano ang mga isina alang-alang ng mga mag-aaral sa pagpili ng kursong ABM? •Anu-ano ang pangunahing batayan na nakaimpluwensya sa mga mag-aaral para sa pagpili ng kursong ABM? •Ano ang nagiging epekto ng napiling batayan sa kanilang pag-aaral? •Anong mga paraan upang mas mapabuti ang batayan sa pagpili ng kursong ABM? Figura 1 : Paradimo ng Pag-aaral 5 Saklaw at Delimitasyon Ang pag-aaral ng pagbuo ng pamanahunang papel na ito ay sumasaklaw na ilang mga indibidual na siyang magiging taga-tugon ng sarbey kwestyuner, sa pamamagitan ng purposive sampling. Kumuha ang mga mananaliksik ng 50 repondente mula sa ika-labing isang baitang ng Our Lady of Fatima University. Ang unang mga respondente ay magmumula sa lupon na mga mag-aaral sa ABM na seksyon. Pinili ang mga kalahok dahil sila ay may kinalaman sa nasabing pananaliksik. Depinisyon o Kahulugan ng mga Terminong Ginamit Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit ditto sa pag-aaral. Benepisyo – mga bagay na mapapakinabangan o suporta Bokasyon – pag-aalay ng iyong sarili/ serbisyo ng walang gaanong kabayaran habambuhay na gawain Edukasyon – kursong kinukuha ng mga taong nais maging guro/ tumutukoy sa pang-akademikong pag-aaral Extrinsic – pisikal na benepisyo o konkretong benipisyo tulad ng sahod at impluwensya Guro – taong nagtuturo o taong ang propesyon ay magturo Impluwensya – mga bagay o pangyayari na nakaka-apekto sa isang pasya o gawi Intrinsic– pansariling kasiyahan o personal na pagkakuntento Kabataan– mga taong 17 taong gulang pa 6 Senior High School – huling dalawang taon sa sekondarya Respondente –tao na siyang tutugon sa katanungan ng sarbey, at siyang sentro ng pananaliksik Demograpikong Propayl – personal na impormasyon ng mga respondente Istatistikong Ulat – pagbibigay ng tamang impormasyon sa paraang istatistiko. Sarbey kwestyuner – tala ng mga katanungan sa pasasagutan sa mga respondente. Purposive Sampling – paraan ng pangangalap ng mga natatanging kalahok na may kinalaman sa pananaliksik 7 Kabanata II Mga Kaugnay na Literatura Dayuhang Literatura Ang pagpili ng kursong ABM ay malaking desisyong nangangailangan ng matinding pagmumuni-muni dahil nakaaapekto ito sa hinaharap ng isang mag-aaral. Nakasaad dito ang mahalagang impormasyong binuo pa ng iba pang mananaliksik at dalubhasa hinggil sa paksang may kaugnay sa isinasagawang pag-aaral. Ayon kay George-Jackson (2012), pumapangalawa ang mga magulang kasunod ng pansariling kagustuhan na nakakaimpluwensya sa mag-aaral sa kanyang pipiliing kurso. Marami sa atin ang nahihirapan sa pipiliin nating kurso sa kolehiyo. Maraming bagay ang ating isinasaalang-alang o binibigyang katuturan at kahulugan kaya tayo hindi makapamili nang maayos. Mayroon din namang ilang mga gabay na lubusang makakatulong sa atin sa pagpili ng kurso.Madalas na binabase ng mag-aaral ang kanyang pinipiling kurso sa personal na interes. Una na sa mga dahilan ang pera. Ang pera kadalasan ang pinakaimportanteng bagay na ating isinasaalang-alang sa pagpili ng kurso. Hindi natin makuha ang ating gustong kurso dahil hindi ito kayang bayaran ng ating mga magulang dahil na rin sa kagipitan ng buhay ngayon. Mas uunahin na muna ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, bayad sa bahay at kuryente bago ang pag-aaral. Ito na rin marahil ang dahilan kung bakit maraming kabataan ngayon ang hindi 8 nakakapag-aral. Pangalawang dahilan ay ang ating mga magulang. Hindi nagkakapareho ang ating gustong kurso sa gusto ng ating mga magulang. Nalilito tuloy tayo kung susundin ba natin ang ating gusto o susundin natin ang ating mga magulang. Hindi pa naman huli ang lahat.Mayroon pa namang mga paraan upang makapamili tayo nang maayos. Heto ang ilang mga gabay sa pagpili ng kurso. Una, kung di natin talaga kaya ang mahal na kurso, meron pa namang magagandang kurso na mura lang ang kailangang bayaran tulad ng Information Technology. Mura na, in-demand pa. Pangalawa, subukang pumasok sa scholarship na meron ang paaralan. Kung susuwertihin, baka makalibre ka pa kung makapasa ka sa pagsusulit. Pangatlo, mag-usap kayo ng iyong magulang kung ano ba talaga ang makakabuti sa iyong kurso. At huli, pumili ng kursong kaya mong intindihin ng mabuti o hindi ka mahihirapan. Ilan lang yan sa mga gabay sa pagpili ng mabuting kurso. Ang kolehiyo na ang huling yugto ng ating pag-aaral. Pagkatapos nito ay magtatrabaho na tayo. Lagi lang nating tandaan na kailangan nating mag-aral nang mabuti para sa ating magandang kinabukasan. Ayon namansa artikulo ni Berbano (2014) isa sa maraming problema na kinakaharap ng mga estudyante sa kolehiyo ay ang kanilang mga propesor. Pangalawa, ang pinanggalingang paaralan ng mga estudyanteng papasok sa kursong inhinyeriya. Ikatlong maaaring maging suliranin ay ang pagkuha ng hindi nais na kurso ng isang estudyante. Ayon pa sa kanya, minsan ay napipilitan lamang kunin ng mga estudyante 9 ang kursong ito dahil sa kagustuhan ng magulang o kaya naman ay naiimpluwensyahan ng mga kaibigan o kapwa kamag-aral. Ito ay nagdudulot naman sa ikaapat na problem ang kawalan ng estudyante ng interes sa kanyang kurso. Ang pagpili ng kurso ay napakaimportante sa buhay ng isang taong papasok ng kolehiyo dahil ito ang magsasaad ng landas na tatahakin hanggang sa pagtanda. Ayon kay Patricia Vizarra (2015), may mga mag-aaral din na humahantong sa puntong hindi nila matukoy kung ano ba talaga ang kanilang gustong kuning kurso kung kaya naman nagkakaroon ng problema dahil hindi sigurado ang mga mag-aaral sa ginawang desisyon. Lokal na Literatura Ayon sa ulat ni Sagani Ccruz (2014), na dapat tandaan na ang mga asignaturang ito ay may ibat ibang nilalaman, na malalaman depende sa mga sirkumstansya ng mga mag aaral ng paaralan at ng sirkumtansiya ng mga mag aaral , ng paaralan at ng higher edukasyon institustion na kung saan ang mga mag aaral ay maaring mag enrol. Ang ideya na ang "isang sukat akma sa lahat" ay nai-inabandunang sa pamamagitan ng Department of Education (DepEd). Ang isang pulutong ng pasobra ay ibinibigay sa Senior High Schools, dahil ang pangunahing tanging dahilan na dalawang taon ay idinagdag sa basic education ay upang ihanda ang mga estudyante para sa kanilang buhay sa hinaharap. Ito ay hindi gumagawa ng kahulugan sa lakas ng isang mag-aaral upang sundin ang isang paunang natukoy na kurikulum kung siya ay may isang bagay sino pa ang paririto sa isip para sa kanyang sarili o ang kanyang sarili. 10 Ang mga asignatura na may kaugnayan sa ang mga kurso na ang mga mag-aaral ay magdadala sa kolehiyo? Sa University of the Cordilleras, isang unang-taong mag-aaral sa kolehiyo ay kumuha ng kursong Accounting 101 (Accounting Oryentasyon), isang –unit ng kurso na ito ay isang pangkalahatang pagpapakilala sa accounting. Pagkatapos ng isang mag-aaral na kumuha ng dalawang Fundamentals of Accountancy, Business, and Management pagdadalubhasa paksa sa SHS, ay kahit hindi na kumuha pag dating ng kolehiyo ng kursong Accounting 1/2 (Fundamentals of Accounting, Part I). Dahil ang General Education Curriculum (GEC) ay nag karoon ng pagbabago, kailangan ng mga mag-aaral na kumuha ng iba pang mga paksa na nakalista sa unang-taong kurikulum, tulad ng Ingles 01 (Communication Skills Part I), English 02 (Communication Skills Part 2), Filipino 1 (Komunikasyon ay isang Akademikong Filipino), Filipino 2 (Pagbasa sa Pagsulat Tungo ay isang Pananaliksik), Mathematics 1 (College algebra), History 1 (History Philippine sa Gobyerno at Constitution). 11 Kabanata III Disenyo at Metodo ng Pananaliksik Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit para sa pag-aaral. Ito ay naglululan ng disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawa ang pag-aaral, mga halimbawang teknik na ginamit ng mga mananaliksik, intrumentasyon, at pangangalap ng datos pati istatistikong ulat. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng mga mananaliksik ng deskriptibong sarbey upang malaman ang mga pananaw at opinyon ng mga respondante tungkol sa mga nabanggit na layunin, suliranin at pokus ng pananaliksik na ito. Sa pag-aaral ng mga mananaliksik, ang paggamit ng talatanungan ay isang produktibo at mas magandang paraan upang makalap ang mga impormasyon, komento at saloobin na kailangan mula sa mga respondante.Sa ganitong pamamaraan ay makakakuha sila ng impormasyon mula sa iba’t ibang indibidwal. Ang kanilang mga sagot ay manggagaling sa kanilang sinagutang kwestyuner at istatistikal surveys o istatistikong sarbey Lokal ng Pananaliksik Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay binubuo ng 50 na mag-aaral na nasa ika-labing isang baitang na nasa kursong ABM ng paaralang Our Lady Of Fatima University na sumasailalim sa programang K to 12. 12 Taktika sa Pagkuha ng Datos Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling technique sa pangangalap ng mga respondante na kung saan ang mga kalahok ay pinipili base sa natatanging grupo na kanilang kinabibilangan. kinakailangan na ang respondante ay nasa ika-sampung baitang sa bagong programang pang-edukasyon na k to 12. Hakbang sa paglikom ng mga datos. Naghanda ang mga mananaliksik ng mga kwestyuner na sasagutan ng mga respondente. Pagkatapos ito sagutan sa mga respondente, Pag-aaralan ito at ililikom sa isang grap kung saan pagsasamasamahin ang mga magkakatulad na sagot. Kukuhanin ng mga mananaliksik ang bahagdan o porsyento ng mga magkakaparehong sagot ng mga respondente sa bawat tanong sa kwestyuner. Masusing pag-aralan at gagawan ng pagbubuod at konklusyon ng mga mananaliksik ng mga magiging kasagutan ng mga respondente.Sa paraang ito ay makukuha ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga respondente ukol sa pagdaragdag ng taon sa elementarya at High School kung makakaapekto ito sa kanilang pagdedesisyon. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK Kwestyuner: Ito ay isang pangunahing instrumento na ginagamit sa mga pananaliksik. Ang kwestyuner ay naglalaman ng mga katanungan na maaaring pagkunan ng sagot at pananaw ng mga respondante patungkol sa mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng 13 kursong ABM ng mga Mag-aaral sa paaralang Our lady of Fatima University. Ito ang sasagot sa katanungan ng mga mananaliksik ukol sa desisyon ng mga mag aaral sa pagpasok sa Senior High School. Istatistikong Pamamaraan Ginamit bilang istatistikong pamamaraan sa pagtimbang at pagsukat ng mga datosang percentage technique upang makita ang kinalabasan ng gagawing pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondente. Ginagamit din ito upang makuha ang pangkalahatang bahagdan ng bilang ng magkakamukang mga sagot sa isang particular na tanong. Ang ginamit na pormula ay ang: P= f/n x 100 Kung saan: P = porsyento o bahagdan f = bilang ng kasagutan n = bilang ng respondente 14 KABANATA IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Ang kabanatang ito ay ang paglalahad ng pananaliksik, pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga nakalap na datos. Para sa pagpapatuloy ng layunin, lahat ng mga datos ay inilahad ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga espesipikong suliranin na nakatala sa Kabanata 1. Sa kabuuan ng pananaliksik, ang kabanatang ito ay sumagot sa bawat espesipikong tanong ng pag-aaral, ang paglalahad ng mga datos ay susuriin at bibigyang pakahulugan base sa nalalaman at interpretasyong nakapaloob. Demograpiko ng Profayl TALAHANAYAN BLG. 1 Prekwensi at Bahagdan ng Distribusyon ng Respondente Ayon sa Edad Edad Prekwensi Bahagdan 15 2 4% 16 8 16% 17 33 66% 18 7 14% 19 0 0% Kabuuan 50 100% Sa talahanayan blg. 1.1, ang mga respondenteng nasa ika labing-limang taong gulang 15 (15) ay may bilang na 2 o 4%. Ang respondenteng nasa ika labing-anim na taong gulang (16) ay may bilang 8 o 16%. Ang nasa ika labing-pitong taong gulang (17) ay may bilang na 33 o 66%. Samantalang ang mga respondenteng nasa ika labing-walong taong gulang (18) ay may bilang na 7 o 14%. May kabuuang 50 o 100% na respondente. Samakatuwid ang may pinakamalaking bilang ng edad ay ang mga respondenteng nasa ika labing-pito (17) na may bilang na 33 o 66%, labing anim taong gulang (16) na may bilang 8 o 16%, at labing walong taong gulang (18) na may bilang 7 o 14% mula sa kabuuan. Sapagkat ang edad ng respondente ay nagbibigay impormasyon kung angkop ang kanilang kaalaman sa kanilang edad. Talahanayan Blg. 2 Prekwensi at Bahagdan ng Distribusyon ng Respondente Ayon sa Kasarian kasarian Prekwensi Bahagdan Lalaki 17 34% Babae 33 66% Kabuuan 50 100% Ang Talahanayang blg. 2 ay naglalaman ng kasarian ng 50 respondent. Nakasaad dito ang bilang at bahagdan ng respondentasyon sa kanilang kasarian. Ipinipakita sa nakalap na datos na mas marami ang mga respondenteng babae na may bilang na 33 katao na may bahagdan 66℅. At ang pinaka kaunting ay ang lalaki na may bilang na 17 katao na may 33℅. 16 TALAHANAYAN BLG. 3 Ano-ano ang mga salik na nakaapekto sa mpagpili ng kursong ABM Ano-ano ang mga salik na nakaapekto sa mpagpili ng kursong ABM? Lubos na sumasang ayon Sumasang ayon Hindi sumasang ayon Kabuuan Qualitative reasoning P % P % P % P % Sariling kagustuhan 30 60 19 38 1 2 50 100 Lubos na sumasang ayon Impluwensya ng kaibigan 5 10 20 40 25 50 50 100 Hindi sumasang ayon Impluwensya ng magulang 7 14 28 56 15 30 50 100 Sumasang ayon Pinansyal na pangangailangan 10 20 29 58 11 22 50 100 Sumasang ayon Dito nakapaloob ang kursong nais 30 60 16 32 4 8 50 100 Lubos na sumasang ayon Kabuuan 82 174 112 224 56 112 250 100 Sumasang ayon Maraming respondante ang may pananaw na lubos na sumasang ayon na sariling kagustuhan nila nakaapekto sa pagpili nila ng kanilang kurso na may bilang na 30 katao o 60 % . may mga respondante naman na hindi sumasang ayon na nakaaapekto ang kanilang mga kaibigan sa kanilang pagpili nila ng kanilang kurso mayroon itong bilang na 25 katao o 50 %. May 28 katao o 56% naman ang sumasang ayon na ang kanilang magulang ang nakaapekto sa pagpili nila ng kanilang kurso. May lubos na sumasang 17 ayon na nakaapekto sa kanilang pagpili ng kurso dahil dito nakapaloob ang nais na 25 katao o 50 %. May 28 Katao o 56% naman ang sumasang ayon na ang kanilang magulang ang nakaapekto sa pagpili nila ng kanilang kurso. May lubos na sumasang ayon na nakaapekto sa kanilang pagpili ng kurso dahil dito nakapaloob ang nais na kuning kurso mayroon itong bilang na 30 katao o 60%. na sumasang ayon na nakaapekto sa kanilang pagpili ng kurso dahil dito nakapaloob ang nais na kuning kurso mayroon itong bilang na 30 katao o 60%. TALAHANAYAN BLG.4 Paano Nakaaapekto sa Mag-aaral ang Pagpili ng Kursong ABM Paano nakaapekto sayo ang pagkuha ng kursong ABM? Lubos na sumasang ayon Sumasang ayon Hindi sumasang ayon Kabuuan Qualitative reasoning P % P % P % P % Mas lumawak ang kaalaman 38 76 12 24 _ _ 50 100 Lubos na sumasang ayon Mas dumami ang kaalaman sa paghawak ng negosyo 33 66 12 24 2 4 50 100 Lubos na sumasang ayon Mas naging palakaibigan 21 42 25 50 4 8 50 100 Sumasang ayon Nawalan ng kompansya sa sarili 6 12 3 6 41 82 50 100 Hindi sumasang ayon Nawalan ng interes sa kurso 3 6 11 22 36 72 50 100 Hindi sumasang ayon Kabuuan 101 202 66 132 83 172 250 100 Lubos na sumasang ayon 18 Malaking bilang ng mga respondente ang nagsabi na mas napalawak ang kanilang mga kaalaman dahil sa pagpili ng kursong ABM mayroong bilang na 38 na katao o 76%. May bilang na 33 katao o 66% na respondent ang nagsabing mas nadagdagan ang kanilang kaalaman sa paghawak ng negosyo dahil sa pagkuha nila ng kursong ABM. May 25 katao o 50 % na mas nagging palakaibigan sila dahil sa pagpili ng kursong ABM. TALAHANAYAN BLG. 5 Gaano Nakimpluwensya Sayo ang Pagpili ng Kursong ABM Gaano nakaimpluwensya sayo ang pagpili ng kursong ABM? Lubos na sumasang ayon Sumasang ayon Hindi sumasang ayon Kabuuan Qualitative reasoning P % P % P % P % Mas dumami ang kaalaman 32 64 17 34 1 2 50 100 Lubos na sumasang ayon Mas lumaki ang kompansa sa sarili 27 54 22 44 1 2 50 100 Lubos na sumasang ayon Mas lumawak ang pag iisip 34 68 15 30 1 2 50 100 Lubos na sumasang ayon Mas lumawak ang kakayahan 33 66 16 32 1 2 50 100 Lubos na sumasang ayon Mas lumawak ang kaalaman sa negosyo 33 66 15 30 2 4 50 100 Lubos na sumasang ayon Kabuuan 159 318 85 170 6 12 250 100 Lubos na sumasang ayon Maramaming respondent ang lubos na sumasang ayon na mas dumami ang kanilang kaalam dahil sa napiling kurso nag tamo ito ng bilang na 32 katao o 64 %. May l 19 mga respondente may mga lubos na sumangayon naman na lumaki ang kompyansya nila sa kanilang mga sarili dahil sa kanilang napiling kurso nag tamo ito ng bilang na 27 katao o 54’%. May mga respondent din na lubos na sumasangayon na mas napalawak ang kanilang pagiisip dahil sa napili nilang kurso nagtamo ito ng bilang 34 katao o 68 %. Lubos na sumasang ayon din ang mga respondent na mas lumawak ang kanilang kakayahan base sa napiling kurso nagtamo ito ng bilang na 33 katao o 66%. Lubos pa din na sumasangayon ang mga respondente na mas lumawak ang kanilang kaalaman sa pagpapalawak ng negosyo nag tamo ito ng bilang 33 katao o 66% TALAHANAYAN BLG.6 Mga Dahilan kung Bakit ito ang Kursong Napili Mga dahilan kung bakit ito ang napiling kurso Lubos na sumasang ayon Sumasang ayon Hindi sumasang ayon Kabuuan Qualitative reasoning P % P % P % P % Dahil ito ang gusto ng aking magulang 11 22 22 44 17 34 50 100 Sumasang ayon Dahil sa impluwensya ng aking kaibigan 8 16 12 24 30 60 50 100 Hindi sumasang ayon Dahil sa sariling interes 38 76 12 24 _ _ 50 100 Lubos na sumasang ayon Dahil sa paaralang papasukan 14 28 26 52 10 20 50 100 Sumasang ayon Dahil sa pinansyal na pangangailangan 15 30 20 40 15 30 50 100 Sumasang ayon Kabuuan 86 172 92 184 72 144 250 100 Sumasang ayon 20 Ang mga respondent ay sumangayon na ang kadahilanan ng pag pili ng kanilang kurso ay dahil ito ang gusto ng kanilang magulang nagtamo ito ng bilang na 22 katao o 44%. Hindi naman sumang ayon ang mga respondente na ang dahilang ng kanilang pagpili ng kurso ay ang kanilang mga kaibigan nagtamo ito ng bilang 30 kato o 60 %. Lubos naman silang sumangayon na sariling interes ang dahlia ng kanilang pagpili ng kurso nagtamo ito ng 38 katao o 76%. May sumang ayon naman na may bilang 26 katao o 52 % na dahil sa papasukan nilang paaralan ang kanilang pinagbasehan sa pagpili ng kurso. Sangayon din ang mga respondente na dahilan din ang pinansyal na panganagailangan sa pagpili nilla ng kursong ABM. 21 Kabanata V Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon Ang kabanatang ito ay naglalaman ng binalangkas na lagom, konklusyon mula sa datos na nakuha sa sarbey at ang rekomendasyon ng mga mananaliksik ukol sa suliranin base sa impormasyon na nakuha. Lagom Ang layunin ng pag-aaral na ito ay para matukoy kung ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong ABM. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong sarbey, upang makalakap ng mga datos na hahanguan ng interpretasyon upang makamit ang layunin ng pananaliksik. Pumunta ang mga mananaliksik sa iba't-ibang seksyon ng ABM upang kumuha ng mga impormasyong magagamit sa pag-aanalisa ng mga pananaw ng mga respondente. Batay sa sarbey na isinagawa, mayroong 50 na mga mag-aaral sa ika-labing isang ng Our Lady of Fatima University ang naging respondente na sumagot sa sarbey-kwestyuner. Buhat sa mga naging kasagutan ng mga respondente, nakagawa ng interpretasyon ang mga mananaliksik ukol sa paksang napili. Natuklasan dito na sariling kagustuhan nila ang pagpili ng kursong ABM, na kung saan tatlumpu (30) ang rumesponde at ang impluwensya ng kaibigan, na kung saan labing-isa (11) lamang ang rumesponde. 22 Konklusyon Mula sa mga nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pagsarbey, ito ang mga nabuong konklusyon. 1. Ang kadalasang edad ng mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang sa Our Lady of Fatima University ay may gulang na 17 taon. Karamihan sa mga ito ay kababaihan. At ang madalas na nakaaapekto sa kanilang pagpili ng kurso ay ang kanilang sariling interes. 2. Ang karamihan sa mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang ay may opinyon na ang pagpili ng kurso gamit ang sariling interes ay mas nakabubuti. May ilan ding mas nagpaapekto sa kagustuhan ng kanilang magulang at kaibigan. Kakaunti lamang ang nagsabi na sila ay nagpaapekto sa kagustuhan ng kanilang kaibigan. 3. Karamihan sa mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang ay mas sinunod ang kanilang sariling interes sa pagpili ng kursong ABM. Ang kanilang kadahilanan ay ang pagkuha ng kurso na sariling interes. 4. Ang karamihan sa pananaw ng mga mag-aaral bilang positibong epekto ng pagpili ng kursong ay mas maraming nakuhang kaalaman na magagamit sa hinaharap. 5. Ang kadalasan namang opinyon ng mga mag-aaral hinggil sa negatibong epekto nito ay ang pagkawala ng interes sa pag-aaral dahil sa maling pagpili ng kurso. 6. Natuklasan naming mga mananaliksik na sariling kagustuhan nila ang dahilan ng kanilang pagpili ng kurso at hindi ang impluwensya ng magulang o kaibigan. May mga sumagot rin na sariling kakayahan nila ang pagpili ng kursong ABM. 23 Rekomendasyon Base sa mga kasagutan at konklusyon nahinuha, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga rekomendasyon. 1. Para sa mga magulang, labis na nirerekomenda ng mga mananaliksik na sana ay suportahan nyo ang inyong mga anak sa pagpili nila ng nais nilang kuning kurso, bigyan sila ng labis na atensyon upang magabayan sila at hindi magpa dalos dalos sa pagpili ng kurso. 2. Para sa mga kaibigan, labis na nirerekomenda ng mga mananaliksik na sana ay tulungan nyo ang inyong kaibigan sa pagpili nila ng naayong kurso para sa kanila at wag magpa impluwensiya. 3. Para sa mag-aaral, pagbutihin at pag isipang mabuti ang kukuning kurso , wag basta basta mag pa dalos dalos at magpaapekto kung kani-kanino. Sundin mo ang gusto mo at ang makabubuti para sa iyo. 24 BIBLIYOGRAPI Internet George Jackson (2012); Professor of Chemical Physics, Imperial College London; https://prezi.com/sa7eohlkdoje/pagtukoy-sa-batayan-sa-pagpili-ng-kurso-ng-mga-piling-kolehi/ Berbano;Murata Electronics North America, Inc.;https://prezi.com/a89vt7zfek_j/isang-pananaliksik-hinggil-sa-karaniwang-suliranin-na-narara/ Patricia Vizarra (2015);is using Prezi to create and share presentations online; https://prezi.com/user/asdfghjklmn/ Apendiks A Our Lady of Fatima University #1 Esperanza St., Hilltop Mansion Heights, Lagro, Quezon City March 10, 2017 Sa kinauukulan, Magandang araw po! Kami ay mga mag-aaral na nasa ika-labing isa na mula sa Our Lady of Fatima University. Kasalukuyan po kaming gumagawa ng isang pananaliksik hinggil sa paksang Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagpili ng Kursong ABM ng mga Mag-aaral sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima. Kaugnay po nito, nais naming hingin ang inyong pahintulot upang magsagawa ng sarbey sa inyong paaralan. Ang inyo pong pagpapahintulot ay aming pinasasalamatan. Lubos na gumagalang: Duque,Sharlyn Mendez, Christian john Pederio, Laizel Pomasin, Janine Reyes, Jessa MgaMananaliksik Binigyang pansin ni: G. John Vincent V. Conde, LPT GurongTagapayo Filipino 2 OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY #1 Esperanza St. Hilltop Mansion Heights, Lagro Quezon City. MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGPILI NG KURSONG ABM NG MGA MAG- ARAL SA UNIBERSIDAD NG OUR LADY OF FATIMA Mga Mahal naming Respondante; Isang mapagpalang araw! Kami ang mga mag-aaral ng kursong ABM na nasa ikalabing isang antas ay kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik. Kaugnay po rito, nais po sana naming humingi ng kaunting oras upang maibahagi ang ilang katanungang nakahain sa talatanungan. Maraming salamat po. Pagpalain pa nawa kayo ng maykapal. MGA MANANALIKSIK T A L A T A N U N G A N Pangalan: Pangkat/Baitang: Edad: 15_ 16_ 17_ 18_ 19_ Kasarian: Babae_ Lalaki_ Panuto:Lagyan ng tsek (/) mula sa pagpipilian ang iyong nais isagot. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagpili ng kursong ABM? Lubos na sumasangayon Sumasangayon Di sumasangayon 1.Sariling kagustuhan 2. Impluwensiy ng kaibigan 3. Impluwensiya ng magulang 4. Pinansyal na pangangailangan 5. Dito nakapaloob ang nais na kuning kurso sa kolehiyo. Paano nakaaapekto sayo ang pagpiling kursong ABM? Lubos na sumasangayon Sumasang ayon Di sumasangayon 1. Mas lumawak ang aking kaalaman. 2. Mas dumami ang nalaman sa paghawak ng negosyo. 3. Mas naging palakaibigan 4.Nawalan ng kompyansa sa sarili. 5.Nawalan ng interes sa kurso Gaano nakaimpluwensiya sayo ang pagpili ng kursong ABM? Lubos na sumasangayon Sumasangayon Di sumasangayon 1. Mas dumami ang aking nalaman 2. Mas lumaki ang kompyansa sa sarili. 3. Mas lumawak ang aking pag-iisip. 4. Mas lumawak ang aking kakayahan. 5. Mas lumawak ang kaalaman sa paghawak ng negosyo. Mga kadahilanan kung bakit ito ang kursong napili Lubos na sumasangayon Sumasangayon Di sumasangayon 1. Dahil ito ang gusto ng aking magulang 2. Dahil sa impluwensya ng aking mga kaibigan 3. Dahil sa sariling interes 4. Dahil sa paaralang papasukan 5. Dahil sa pinansyal na pangangailangan Inaprubahan ni: G. John Vincent Conde, LPT Tagapayo, Guro sa Filipino 2 LAIZEL PEDERIO #240 GEN. ARELLANO St. Brgy. Bagong Silangan QC 09460347640 pederiolaizel@yahoo.com PERSONAL NA IMPORMASYON Araw ng kapanganakan: Agosto 03, 2000 Lugar ng kapanganakan: Quezon City Citezenship: Filipino Kasarian: Babae EDUKASYON Unibersidad ng Our Lady of Fatima 2016 – 2017 Senior high school Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan 2012 – 2016 Graduate Paaralang elementarya ng Bagong Silangan 2006 – 2012 Graduate MGA WIKA Filipino tagalog – sariling wika Ingles- mataas na pagsasalita at makasulat/nakakabasang may mataas na kasanayan SHARLYN DUQUE Lovebird St. A-4 Sitio Veterans Brgy. Bagong Silangan QC 09207784850 sharlynduque@yahoo.com PERSONAL NA IMPORMASYON Araw ng kapanganakan: Mayo 23, 2000 Lugar ng kapanganakan: Quezon City Citezenship: Filipino Kasarian: Babae EDUKASYON Unibersidad ng Our Lady of Fatima 2016 – 2017 Senior high school Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan 2012 – 2016 Graduate Paaralang elementarya ng Bagong Silangan 2006 – 2012 Graduate MGA WIKA Filipino tagalog – sariling wika Ingles mataas na pagsasalita at makasulat/nakakabasang may mataas na kasanayan JESSA REYES #15 Santo Nino St. Brgy. Holy Spirit Quezon City 09127285102 jessareyes@yahoo.com PERSONAL NA IMPORMASYON Araw ng kapanganakan: Disyembre 7, 1999 Lugar ng kapanganakan: Quezon City Citezenship: Filipino Kasarian: Babae EDUKASYON Unibersidad ng Our Lady of Fatima 2016 – 2017 Senior high school Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan 2012 – 2016 Graduate Paaralang elementarya ng Bagong Silangan 2006 – 2012 Graduate MGA WIKA Filipino tagalog – sariling wika Ingles mataas na pagsasalita at makasulat/nakakabasang may mataas na kasanayan CHRISTIAN JOHN MENDEZ Ph3 Pkg3 Blk68 Lot2 St. Brgy. Bagong Silang Caloocan City 09464916601 CjMendez@yahoo.com PERSONAL NA IMPORMASYON Araw ng kapanganakan: Marso 1, 1998 Lugar ng kapanganakan: Caloocan City Citezenship: Filipino Kasarian: Lalaki EDUKASYON Unibersidad ng Our Lady of Fatima 2016 – 2017 Senior high school Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan 2012 – 2016 Graduate Paaralang elementarya ng Bagong Silangan 2006 – 2012 Graduate MGA WIKA Filipino tagalog – sariling wika Ingles mataas na pagsasalita at makasulat/nakakabasang may mataas na kasanayan JANINE MARIE POMASIN 113 San Bartolome St. Brgy Commonwealth Q.C 09506423776 janinemariepomasin@yahoo.com PERSONAL NA IMPORMASYON Araw ng kapanganakan: Hunyo 7, 1999 Lugar ng kapanganakan: Quezon City Citezenship: Filipino Kasarian: Babae EDUKASYON Unibersidad ng Our Lady of Fatima 2016 – 2017 Senior high school Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan 2012 – 2016 Graduate Paaralang elementarya ng Bagong Silangan 2006 – 2012 Graduate MGA WIKA Filipino tagalog – sariling wika Ingles mataas na pagsasalita at makasulat/nakakabasang may mataas na kasanayan Dokumentasyon