Ano Ang Kalayaan Para sayo?? - Brainly.ph
answered • expert verified

Ano Ang Kalayaan Para sayo??

Advertisement
Advertisement

Answer:

Kalayaan

Ang kalayaan ay ang pagiging malaya, malayang maipahayag ang mga opinyon, saloobin at nararamdaman, malayang mamuhay kung ano man ang gustuhin ng isang tao na walang nagbabawal o naglilimita habang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin at responsibilidad bilang tao.

Kahulugan ng Kalayaan ayon sa ibang Manunulat

Ayon kay Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”. Ibig sabihin nito malaya ang isang tao na gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.  

Ayon kay Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan ay nangangahulugan na nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao. Malaya ang taong linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito.  

Paano maging malaya?

  • Ang pagiging malaya ay ang pagkakaroon ng kalayaang gawin ang lahat ng iyong gawin at gustuhin.  
  • Malaya kang maipapahayag ang iyong sarili, maging ang bagay na makakapagpasaya at makakapagbuo ng iyong pagkatao.
  • Malaya ka kung malaya mong naipapahayag ang iyong mga saloobin at nararamdaman basta wala kang taong natatapakan. Handa kang tumanggap ng mga pagkakamali at handa kang magbago para sa iyong pansariling kabutihan.
  • Malaya kang magmahal at mahalin, kung sino man ang nais mong mahalin at alayan ng iyong pagmamahal maging ang iyong mga kaibigan at mahal sa buhay.
  • Malaya ka kung natatamasa mo ang iyong mga karapatan at nagagawa mo ang iyong mga tungkulin bilang isang kasapi ng lipunang iiyong ginagalawan.
  • Malaya kang nakakapili ng relihiyon at paniniwalaan.
  • Malaya kang ipagtanggol ang iyong sarili laban sa mga taong nais kang hilahin pababa.

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa mga link na:  

Slogan tungkol sa Kalayaan: brainly.ph/question/506104, brainly.ph/question/1536201

Batayan ng pagiging isang mamamayang Pilipino: brainly.ph/question/1270995

Batas ng malayang pagbibigay: brainly.ph/question/552210

Halimbawa ng karapatan sa malayang pagpili ng propesyon: brainly.ph/question/2141870

#LetsStudy  

Advertisement
Advertisement