Walang kapantay na sakit ang naramdaman ni Camille Prats nang pumanaw ang first husband niyang si Anthony Linsangan.
Sampung taon na ang nakalipas, pero tandang-tanda pa rin ng Kapuso actress-TV host ang tindi ng pagsubok na dinaanan.
"Nung panahon na yun, I've never had anyone close to me pass away," sabi ni Camille sa guest appearance niya sa YouTube vlog ni Rica Peralejo.
Patuloy ni Camille, "Feeling ko, God has been so good to me ever since I was a child.
"Everything I would pray for, He would give me. Everything was happening nang tuluy-tuloy.
"Naisip ko, sige, life has been very good. Siguro may bawi ito."
Ang tinutukoy ni Camille ay ang pagkakaroon niya ng magagandang pelikula (Sarah...Ang Munting Prinsesa) at TV projects (Ang TV, G-mik, Marinella) mula pagkabata.
Nang magdalaga, nagbigyan siya ng pagkakataong bumida sa Kapuso afternoon series na Kung Mamahalin Mo Ako at Gaano Kadalas Ang Minsan?
Sa edad na 19, naging nobyo niya si Anthony na inakala niyang "happily ever after" niya.
Nagkaroon sila ng anak at nagpakasal noong 2008.
Ginanap ang kanilang engrandeng church wedding sa Santuario de San Antonio noong March 5, 2010.
Read: The "Perfect Church Wedding" of Camille Prats and Anthony Linsangan
Hanggang biglang dumating ang pagsubok sa buhay nilang mag-asawa.
"A few months after our church wedding we found out he had cancer," balik-tanaw ni Camille sa vlog pa rin ni Rica.
Hindi raw niya akalaing magkakasakit ang mister.
June 2010 nang sumailalim sa "complex check-up" si Anthony, at September 2010 nang makumpirmang may cancer ito.
Lahad ni Camille: "We were in denial. He was young.
"I remember yung last few months, umuuwi na ako sa ospital. I bring my bed.
"The next morning, dun din ako susunduin ng driver. Dala na lahat ng gamit, diretso na sa taping.
"Six or seven months into the treatment, sinabi na, 'It's no longer working.'
"I remember being so lost. Di ako makapaniwala na nasa ganun akong sitwasyon.
"Every day felt like I was waking up in a dream.
"That's the thing about sickness, you just go a day at a time because you never know..."
Binawian ng buhay si Anthony, sa edad na 31, noong September 23, 2011.
Read: Camille Prats's husband Anthony Linsangan succumbs to cancer
Sa pagluluksa ni Camille, tila wala raw katapusan ang lungkot na dala ng pagkawala ng pinakamamahal na asawa.
"There were times na nagtu-toothbrush lang ako... Hindi ka iyak nang iyak gabi-gabi na parang heartbreak.
"It will strike you in moments where you're not prepared.
"Like kunwari, gigising ka sa umaga, tapos pag-toothbrush mo parang sinuntok ka sa tiyan.
"Tapos di ka makahinga, biglang babalik lang lahat, tapos biglang iiyak ka na lang.
"It's so painful you can't even breathe."
FINDING THE ANSWER TO HER "WHY?"
Sa kabila nito, wala raw naramdaman si Camille na galit sa Diyos na maagang binawi sa kanya si Anthony.
Nagbigay ng konsolasyon sa kanya ang paniniwalang may dahilan ang lahat ng nangyayari sa buhay niya, tulad ng unplanned pregnancy ng aktres noong 2008.
Balik-tanaw pa ni Camille: "Medyo kinuwestiyon ko si God, I'm at the peak of my career. Halos di ka natutulog sa kakatrabaho tapos biglang buntis ka.
"So, ibig sabihin nito, yung pangarap ko... Pfff! Gone.
"Yung tanong ko kay God, 'Bakit mo ako dinala sa ganitong sitwasyon?' Di ko man naiintindihan, pero siguro, eventually, may mga sagot din ang mga tanong ko.
"So when Anthony got sick, I already got my answer from why I got pregnant two, three years [earlier].
"Nung nagkasakit siya, 'Oh, now I get it why I had Nathan early on.'
"Maybe it was because to have Anthony experience how it is to be a dad. Na even for a short while, he was able to experience how it is to be married, to have a family.
"So, I think that's my purpose in his life. Ang alam ko lang, lahat ng nangyayari sa buhay natin may dahilan.
"And I'm just holding on to that reason kung bakit siya nangyari."
Pinili raw niyang pagtibayin ang personal relationship niya sa Diyos, dahil walang ibang makapagbigay ng kasagutan sa pinagdadaanan niya.
Nagsilbi ring "therapy" ni Camille ang trabaho para mailabas niya ang pent-up emotions. Noong panahong iyon din niya nadiskubreng kaya niyang mag-host sa show na Mars Pa More, na umere sa loob ng sampung taon (2010-2022).
Sabi pa ni Camille, "Wala akong regrets. Di ko puwedeng sabihin naging madali. Kasi proseso iyon and kanya-kanya tayong tiyempo.
"Pero kapag dumadaan ka sa mahirap na parte ng buhay mo, bawat segundo feels like an hour...
"And you're wondering, 'Hanggang kailan ba itong lungkot na ito?' Walang time frame kasi ang lungkot."
- Maricar Reyes finally opens up about her 2009 scandal: “There are still people who are disrespectful.”
- Jaclyn Jose alludes to tampuhan with daughter Andi Eigenmann
- Snooky Serna recalls with regret giving up this iconic role: “Sana ako si Madam Claudia.”
MOVING FORWARD AFTER FIRST HUSBAND'S DEATH
Malaki ang pasasalamat ni Camille sa kapatid na si John Prats, na nagsilbing father figure ni Nathan.
Nakatira noon si Camille sa poder ng mga magulang kaya hindi raw nagkulang sa pagmamahal ang anak.
Pagkalipas ng dalawang taon, muling nakatagpo si Camille ng second chance at love sa katauhan ng ngayo'y mister niyang si VJ Yambao.
Read: THE WEDDING ALBUM: Camille Prats and VJ Yambao's road to forever
Mayroon silang apat na anak: si Ice, 18, mula sa previous relationship ni VJ; si Nathan, 14, na anak ni Camille kay Anthony; si Nala, 5; at si Nolan, 3.
Kung may bagay mang natutunan si Camille, naniniwala siyang bigay ng Diyos kung anuman ang biyayang natatanggap niya.
Tukoy ni Camille sa yumaong first husband na si Anthony: "Ten years ago, when I was watching him breathe his last breath, hindi ko alam na ito yung ten years after ko.
"And hindi ko yun malalaman unless I pushed through and continued to press on with life.
"We will never know what tomorrow can bring. Pero kung sigurado tayo sa mga promises ng Diyos, wala ka na sigurong dapat katakutan."
Dagdag niya, "I know I don't deserve it. There are so many times that I have failed Him [God].
"In spite of all that, He has been very gracious to me."