Mga Pilipino - Wikiwand

Mga Pilipino

katutubo o mga mamamayan ng bansang Pilipinas / From Wikipedia, the free encyclopedia

Ang mga Pilipino ay mga mamamayan ng Pilipinas na ipinanganak sa Pilipinas at may mga magulang na Pilipino o mga taong naging mamamayan ng Pilipinas ayon sa batas (naturalized).[2]

Para sa ibang gamit ng salita, tingnan ang Pilipino.
Quick facts: Kabuuang populasyon, Mga rehiyong may malakin...
Lahing Pilipino
Kabuuang populasyon
mahigit 110,000,000
Mga rehiyong may malaking bilang nila
Flag_of_the_Philippines.svg Pilipinas91,077,287 (2007)[1]
Wika
Filipino, Ingles, Mga wika sa Pilipinas
Relihiyon
Romano Katoliko, Protestante
Islam, Aglipayan, Mga Saksi ni Jehova,Iglesia ni Kristo
Mga katutubong tradisyon at paniniwala
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Austronesyo
Close

Tinatayang higit sa 100 milyon ang mga Pilipinong naninirahan sa Pilipinas at may mga 10.2 milyon na naninirahan sa ibang bansa.[3]

Karamihan sa kasalukuyang mga Pilipino ay itinituring na mula sa pangkat etnikong Awstronesyano, ngunit malaki-laki rin ang bilang ng mga etnikong Tsino. Kasalukuyang maliit din ang bilang ng mga Aeta (o Negrito), ang mga orihinal na nakatira sa lupain ng bansa.

Tinataguriang isang salad bowl ang Pilipinas at sa kadahilanang ito, ang kultura ng mga Pilipino ay halo-halo bagaman hindi iisang-tulad ng parang melting pot. Gayundin, habang lubos na tinatanggap ng mga Pilipino sa Pilipinas ang pagkabilang ng kanilang bansa sa kontinente ng Asya ayon sa heograpiya, nararapat punahin na hindi nila karaniwang kinikilala kanilang sarili bilang mga Asyano (lalo na sa gamit Ingles), at tinatanaw ng ilan, partikular na ng karamihang mga may walang lahing Intsik, Hapon, o Indiyano, ang pagbabansag sa kanila nang ganito bilang offensive at labag sa likas na pagkamultikultural at multientiko ng Pilipinas.

Humihigit-kumulang ng 110 milyon ang bilang ng mga Pilipino o may mga pinagmulang Pilipino sa buong daigdig.

Tumutukoy ang pangalang Pinoy (Pinay kung kababaihan) sa mga Pilipino, kabilang lalo ang mga naninirahan sa ibang bansa.[4]

Oops something went wrong: