Unang Pahina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Rogationist College Gym1.JPG

Ang Rogationist College (Dalubhasaang Rogasyonista), kilala rin bilang RC na daglat nito, ay isang dalubhasaang pansariling pinapatakbo ng mga paring Rogasyonista, isang orden ng Simbahang Katoliko, at isang institusyong pang-edukasyon alang-alang sa alin mang kasarian. Itinatawag ang mga mag-aaral nito bilang RCian/RCians dahil sa daglat nitong RC, Rogasyonista o Rogationist/Rogationists. Mayroong lawak na 2.4 kilometrong parisukat, matatagpuan ang paaralang ito sa Kilometro 52 ng Lansangang-bayan ni Aguinaldo, Lalaan 2, Silang, Kabite, Pilipinas. Unang ipinatayo ang paaralan ng mga Italyanong Rogasyonistang pari sa anyo ng Saint Anthony's Boys Village (Nayong Panlalaki ni San Antonio) o SABV sa tulong ng pamahalaang Italyano sa pamamagitan ng kawang-gawang Giuseppe Tiovini Foundation, bilang isang paampunan. At ito rin unang paampunan ni San Antonio sa mga turo at asal ni Santo Annibale Maria di Francia sa buong Pilipinas. Nagsimula ang pagtatayo ng mga gusali nito noong 1985, at noong Marso 2, 1985, binasbasan ito ng yumaong obispo ng Imus na si Felix Perez ang haligi ng unang gusali. Natapos ang paggawa ng mga gusali dalawang taon matapos ang simula nito. At noong Mayo, 1987, itinayo ang Rogationist Academy (Akademyang Rogasyonista) o RA sa SABV bilang isang paaralang Katolikong tumatanggap ng mga mag-aaral ng alin mang kasarian mula sa una hanggang ikaapat na antas.

Vulpes vulpes Mallnitz 01.jpg

Ang pulang soro (Vulpes vulpes) ay ang pinakamalaki sa mga tunay na soro at isa sa pinakamalawak na laganap na kasapi ng orden na Carnivora, na makikita sa buong Hilagang Emisperyo kabilang ang karamihan ng Hilagang Amerika, Europa at Asya, dagdag pa ang ilang bahagi ng Hilagang Aprika. Nakatala ito sa IUCN bilang least concern o pinakamaliit ang pag-aalala. Tumaas ang naabot nito kasama ng paglago ng tao. Nang ipinakilala ito sa Australya, tinuri itong nakakasama sa mga katutubong mamalya at mga populasyon ng ibon. Dahil sa presensya nito sa Australya, naitala ito sa "100 pinakamalalang espesyang sumasakop."

May-akda ng larawan: Uoaei1

CC 20200714 50644.jpg

Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Lunop han Dughan folktale about Mt Danglay.jpg
  • ... na ang mga bayan ng Rizal na Montalban at San Mateo ay dating napapaloob sa dating lalawigan ng Maynila?
  • ... na umiral ang Lungsod ng Malawakang Maynila bilang isang agarang hakbang noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
  • ... na ang sarsuwelang Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda (nakalarawan) ay ginugunita ang mga pumanaw dahil sa pananalasa ng super bagyong Yolanda?
  • ... na patuloy na tumatanggi ang pamahalaan ng India na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras na ngayo'y nasa isang Pamantayang Oras ng India?
  • ... na unang nagkaroon ng problema si Aman Dangat sa mga awtoridad ng Espanya noong mga panahon na inilipat ang mga tagabaryo ng Sabtang at Vuhus sa San Vicente at San Felix sa bayan ng Ivana noong 1785 sa panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
  • ... na pinapayagan ang pagkuha ng retrato ng mga estrukturang nasa pampublikong mga lugar sa maraming mga bansa dahil sa tadhanang kalayaan ng panorama?
Estonyano
(Eesti)
Azerbaijani
(Azərbaycanca)
Galisyano
(Galego)
Ingles (payak)
(English (simple))
Noruwego
(nynorsk)
(Norsk (nynorsk))
Latin
(Latina)
Taylandes
(ไทย)
Griyego
(Ελληνικά)
Newar / Nepal Bhasa
(नेपाल भाषा)
Arumano
(Armãneashce)
Occitan
(Occittan)
Serbo-Kroato
(Srpskohrvatski / Српскохрватски)
Heorhiyano
(ქართული)
Masedonyo
(Македонски)
Tagalog
(Wikang Tagalog)
Haytian
(Krèyol ayisyen)
Piedmontese
(Piemontèis)
Telugu
(తెలుగు)