Gusto kong kilabutan. Kwento niyo naman mga scary encounter niyo that made you believe in our mythological creatures (aswang, dwende, white lady, tiyanak, etc) : r/Philippines Skip to main content

Get the Reddit app

Scan this QR code to download the app now
Or check it out in the app stores
r/Philippines icon
r/Philippines icon
Go to Philippines
r/Philippines
A banner for the subreddit

A subreddit for the Philippines and all things Filipino!


Members Online

Gusto kong kilabutan. Kwento niyo naman mga scary encounter niyo that made you believe in our mythological creatures (aswang, dwende, white lady, tiyanak, etc)

Wala lang. Curious lang ako kung meron nga bang may totoong kwento diyan that somehow provide proof that they're real.

Archived post. New comments cannot be posted and votes cannot be cast.
Share
Sort by:
Best
Open comment sort options

nice try, KMJS team.

Ahahaha asan na talent fee ko jessica???

u/jdros15 avatar

Lilipad na yaaaan

More replies
More replies

Lumipad ang aming team sa Reddit 😭😭😭 TANGINAAAA 😭😭😭

More replies

Haha pota ka natawa ako

Ngayon ko lang naisip to. Hahahahhahahaha

More replies

Yung ate ko may sariling kwarto while ako at bata kong kapatid nasa iisang kwarto. Double deck kama namin at yung bata kong kapatid amg natutulog sa taas. Madalas 3am nako natutulog kakalaro at nood kaya bandang a las tres ng umaga pumasok nako ng kwarto at natulog. Kapag patay ang ilaw sa kwarto wala kang makikita at gusto ko rin yun kasi mas nakakatulog ako. Nung patulog nako bumaba yung kapatid ko sa double deck ramdam mo naman kasi yun kahit di mo nakikita, pero umakyat din agad. Nagtaka ako kasi kadalasan magccr siya kung bababa ng double deck. Pero baka nagbago ng isip na magcr kaya umakyat at hindi ko na pinansin. Maya maya may naririnig akong kinukutkot, parang kinukutkot yung pader. Nainis ako kaya sinipa ko yunh taas ng double deck. Tumigil siya pero parang nagpipigil ng tawa. Sabi ko pa "tawa ka pa diyan ah". Pagkasabi ko nun binaba niya ulo niya nakasilip sakin, sa dilim diko makita mukha niya mga less than a minute siya nakatigil. Nasa isip ko sinusubukan lang ako neto takutin kaya tinitigan ko lang siya. E yun mata ko nagaadjust na sa dilim kaya unti unti ko na siya nakikita. Pero bago ko makita na talaga yung mukha niya e inalis niya ma ulo niya at humiga uli. Ang napansin ko lang nung nagadnust ang mata ko e nakatawa siya. Nakangiti na nakanganga dahil kita ko agad ang ngipin. Nung time na yun kinutoban nako at natatakot na. Kasi matatakutin din itong kapatid ko e at a las tres na rin ng umaga para gawin niya yun. Diko na pinansin at tinakpan ko na lang mata ko ng braso habang pinipilit matulog. Nung paidlip nako mag tumawag sakin "JC... JC... JC". Nung narinig ko yung di ako makahinga sa takot. Dahil yung kapatid ko "kuya" lagi tawag sakin. Diko sinagot nagtulug tulugan. After nun buong gabi parang nagkakamot yung nasa taas dahil galaw ng galaw yung double deck. Yung pagkamot niya parang sobrang tigas, naiimagine ko tanggal na ang balat sa kakakamot ewan ko kung san parte ng katawan. Nakatulog rin ako sa pagot at puyat at nagising mga 10am na. Sinilip ko wala na kapatid ko sa taas ng double deck. Kaya agaran ako bumaba. Kita ko na nagoonline class siya pero nagyoyoutube lang. Binatukan ko at sabi ko lakas mo manakot kagabi ah. Nagtaka siya at sabay sabi na sa kwarto ni ate siya natulog. Nung gabi pala na yun di umuwi si ate at nakitulog sa jowa niya. Simula noon, ginawa na lang bodega yung kwarto namin dati at sa baba nako natutulog kasama kapatid ko. Nilagyan namin ng cross yung pintuan ng kwarto na iyun. Pero may times na nakatabingi ang cross at kahit ilan ulit ibalik sa dati, kahit hinaranga na namin ng pako, tumatabingi parin ito. Sabi ng pari na pinabless namin, wag hahayaan bumaliktad ito ng tuluyan, dahil kung hindi. Walang kwarto o bahay na pipigil para sundan ako nito panghabambuhay.

u/Eastern-Campaign-876 avatar

Ako na nakahiga ngayon sa double deck habang binabasa 'to... 👁️👄👁️

More replies

Sabi ng pari na pinabless namin, wag hahayaan bumaliktad ito ng tuluyan, dahil kung hindi. Walang kwarto o bahay na pipigil para sundan ako nito panghabambuhay.

Bruh, hindi rin kayo pwede umalis ng bahay na un. 😔

Bakit?

Susundan daw kasi siya pag bumaliktad ung cross so kung umalis sila sa bahay na un. Anytime susundan siya after bumaliktad d ba?

u/DearExam88 avatar

Bakit hindi nalang tanggalin para walang mabaliktad yung multo?

more replies More replies
More replies
More replies
More replies

Eto tlga takot ko kaya lagi nka dikit sa pader kama ko tapos sa pader ako nakaharap matulog.

Di ko lam kung fear or vivid memory yung nagising ako nka harap opposite ng pader, may ulo na nka tingin sa akin. Kung naka ngiti msnakaka takot taena.

Tapos ung nag-condo ko, fully furnished tapos double deck dn un kama provided ng landlord. Eto dn fear ko baka biglang may ulo sumulpot galing sa taas lalo na mgisa lang ako.

[deleted]
[deleted]

Comment deleted by user

More replies

na experience ko yung ginigising ako ng tatay ko. antok na antok ako kaya itinulog ko lang pero tinatawag parin ako, palakas ng palakas. pagbaba ko ng kumot. wala pa tatay ko. umaga kasi siya umuuwi. at 3 fckin am palang

hay bakit ko ba nabasa ito. ganto pa man din setup ng kapatid namin sa kwarto though ako ung nasa taas. Ako yung mananakot sa kanya lol

More replies
u/foxjoon avatar

Had a similar experience pero hindi naman sa upper bunk ng double deck nameng magkapatid. Madalas ako matulog ng hapon hanggang sa mag gabi kaya minsan pag nagising ako madilim na sa kwarto. Once pag gising ko nakita kong nakatayo ung kapatid ko sa may gilid ng pinto, ung hitsura nya ung parang magtatanggal ng damit. Nakataas dalawang kamay tas nakaharang ung damit nya sa ulo/mukha. Tinitigan ko lng muna kasi naga-adjust pa ung mata ko sa dilim, I saw it na idinikit pa ung katawan sa may pinto, tas paunti unti gumigilid sya hanggang sa asa tabi na ng aparador. Ilang minutes din na sya na ganon lng ung pwesto nya. Parang ang tapang ko that time kasi tumayo na ko and nung malapit na ko sa pinto andun pa din sya sa tabi ng aparador. Pagka baba ko di pa pala nakakauwi kapatid ko hahaha di na ko natutulog uli sa kwartong yon hahaha after kase non khit anong oras ako matulog matic sleep paralysis na inaabot ko. Pinaglagyan na lng din ni mama ng mga gamit ung kwarto nameng magkapatid.

Nakataas dalawang kamay tas nakaharang ung damit nya sa ulo/mukha.

serious question, if totoo yung mga multo, may intention ba talaga silang manakot or weird lang talaga sila?

Feeling ko oo, baka totoo ung they feed on fear. O kung di man, pinahihina kasi nila loob mo kaya nanakot sila.

Madalas kasi ako dati magsleep paralysis, tas tinake ko ung advice ni mama sakin na dasalin ko daw ung Apostle's Creed habang nangyayari un. Nung ginawa ko un, sinabayan pa ko nung black shadow like figure na walang mukhang lagi kong nakikita sa sleep paralysis ko. Tas ang demonic nung boses nya, tumawa sya tas sabi "sige lang magdasal ka lang". Grabe sobdang unforgettable sakin un.

more replies More replies
More replies
More replies
u/Fvckdatshit avatar

Kita ko na nagoonline class siya pero nagyoyoutube lang

eto talaga legit, my katotohanan

JC! JC! JC! JC!

[deleted]
[deleted]

Comment deleted by user

More replies

Share ko lang tong nakwento ko sa r/CasualPH . Di ganun nakakatakot pero napa "What the shit?!" ako nun.

Back in 2002, lumipat yung ate ko and family nya sa Bulacan. So ako, pag bakasyon pumupunta ako dun. Months later nagkaroon sila ng puppy (girl) na aspin, we named her Rabbies. Bigay ata sa kanila ng kapitbahay nila. Kami ng pamangkin ko lagi nakikipaglaro kay Rabbies pag hapon. So time passed at lumaki na si Rabbies at nagkaron na ng mga anak. Yung isa ni-keep ng ate ko (we named him Todd) then yung iba pinamigay sa kapitbahay. Everytime na pumupunta ako sa bahay ng ate ko na yun, unang sumasalubong sakin sa gate si Rabbies, gustong gusto nya ng rubs at pat sa head nya kasi at kilalang kilala nya din ako.

One time, Christmas vacation nung 2012 dun ako sa ate ko sa Bulacan nag decide mag pasko and new year. So umalis ako ng bahay hapon na at nakarating ako mag 8 na, edi madilim na. Pagpasok ko sa gate yung sumalubong sakin ay si Todd para diladilaan ako tas si Rabbies nakita ko 3-5 meters away kumakahol. Sa pagod at gutom ko kinawayan ko na lang sya then pumasok na ako sa bahay. Kinabukasan, after namin mag lunch naka toka ako pakainin mga aso. So tinawag ko sila, nag taka ako lumapit lang sakin si Todd. Ilang besses ko tinawag si Rabbies para kumain pero wala lumalapit. Then yung pamangkin kong nag huhugas sabi:

"Huy tito! Patay na si Rabbies bat mo hinahanap?"

Then ayun nagkwentuhan kami ng pamangkin ko at ng ate ko, sinabi ko nakita ko. Almost 2 months na pala sya patay nung time na yun at nakalibing sa bakuran nila. Sabi ng ate ko baka gusto lang daw ako makita for the last time.

Syet bat pag pet ghosts ang heartwarming T.T

Kung sakin siguro hindi ako mabibigla o kung ano man. Baka maiyak na lang ako kung ako nasa situation mo that time.

Sa lahat ng horror story ito yung isa sa nakakaiyak

Shet nakakaiyak naman, kakapanaginip ko lang na sinalubong ako sa gate nung tatlong dogs namin na patay na

More replies
Edited

Alright! So I had this experience when I was working as an internship doon sa isang Resort dito sa Rizal (not going to name the resort kasi owner ask us nicely na don't spread about this shit)

I was working as a housekeeper in a the hotel part of the resort. It was a good hotel. You know properly airconditioned during the summer heat kaya masaya magtrabaho. Anyway, while working may times na bigla na lang nagpapatay sindi ung ilaw tapos bumubukas ung gripo. Weird nga kasi maririnig mo talaga ung pagpihit ng gripo. Then during a farewell party kasi aalis na ung mga contractor tapos na kasi ung summer season. We had a good party. Tapos ayon, biglang sumama ung tiyan ko. Eh ung pinakamagandang CR sa resort is nasa hotel so doon ako pumunta. It was a very wrong choice. Pagpasok ko pa ng hotel biglang bumigat ung atmosphere. Tapos ayon, pagpasok ko normal na bubukas ung pintuan kasi automated pero after ilang seconds bumukas ulit siya. Eh wala naman nakasunod saken. Tapos nag CR na ako. Hindi ako tumingin sa taas ng cubicle due to freaking horror trend na pag tingin mo sa taas may nakatingin pababa sayo. So after I did my business. Nagmadali na lang ako tumakbo paalis. Tapos after we had a good drink. Nandon kami sa isang guardhouse to wait for people para sabay sabay na kami aalis. So I was looking at the hotel window tapos biglang may dumaan na shadow na tumatakbo na sobrang bilis. I was supposed to brush it off like guni guni lang kaso syempre we had that friend that asked me "Nakita mo yon"? bro that fucking validated what I saw. Then this is one of the creepiest I experienced. Nung tapos na magcheck out nagpreprepare na lang kami to clean up all the hotel rooms. Biglang may tumawag sa isang hotel room na tinatanong nasaan daw breakfast niya. This is around afternoon and nakalabas na mga tao ng 8am. So ayon, we were shocked tapos we checked the hotel room nakahang ung phone and it's freaking cold in there.

As for the other part. My current SO's house feels like had a demonic entity. When I fall asleep in her room. I suddenly had this vision na someone is looking to me from the door. But when I look wala naman. I can't really see but it's a long haired woman. Kind of creepy af. Then while I'm talking to her through the phone (hindi ko na sinasabi sa kanya) I am hearing things like someone screams and laughing loudly from the background. One time I heard a disturbing scream na mejo tunog upuan na ginalaw na ewan. So I asked her kung may sumigaw ba or minove na furniture she told me no. Then I said wala lang, Pero I think she knows it. Tapos whenever she comes to her room she smells rotten eggs (sulfur like which most paranormal and occult follower relates it to demonic entity). Ung special person sa bahay nila described a woman with long hair he's been seeing. I feel like it's a weak demonic entity just waiting for someone sa bahay nila to have a negative energy.

EDIT: added experience ng mga tao sa household. Sudden opening of door either slow or fast without wind. Then knocks on the wall.

If ever may scientific explanation kayo sa 2nd part. Please sana meron.

This is why I am asking for a priest in this subreddit yesterday.

Brad just because na mention mo rotten egg smell. Possible ay natural gas (methane) leak or accumulation. Alam ko CO2 or Carbon Monoxide nag lead din ng hallucinations, might be a good idea to get a gas checker sa Lazada. My ganyan din kasi nangyari sa pinsan ko, lagi binabangungot sa isang kwarto nila pag dun natulog. Alam ko my nakita sa AC niya nag leak

More replies
[deleted]
[deleted]

Hi there. As for the 2nd part, you may check with the archdiocese as to who is the exorcist priest that services the area of your SO's house.

More replies
Edited

I've heard plenty of scary stories taking place in hotels myself. Dati kasing part ng maintenance crew dad ko sa isang hotel around sa area namin. So, whenever may fixing na kailangan from customers, sila ang tinatawag. One time, may tumawag daw sa phone na isang customer sa isang room na nangangailangan daw ng maintenance sa room niya. Pero pagdating sa room ng ilang maintenance crew, since mas mapapadali ang trabaho kung 2 o 3 ang gagawa, wala naman tao sa room pero umaandar yung gripo.

In another case, may tumawag ulit na customer. This time, nagrerequest ng towel. Pero pagdating ng staff sa room, wala ding tao.

That was somewhere around the 90s to early 2000s, so I am guessing di pa ganoon ka-systematic pagdating sa monitoring kung aling mga rooms ang occupied ng customers. Also, binabanggit din daw kasi ng customer kung nasa aling room sila pag tumawag, kaya pag may nareceive na calls diretso agad doon sa room para magcomply sa request/complaint ng "customer".

To give a little background sa commercial area kung nasaan yung hotel, dati itong base ng mga Kano somewhere up here in Luzon, and di gaano ganoon katao sa lugar, especially sa hotel. So, commonplace yung stories about ghosts sa lugar kasi masyado nga daw tahimik.

But perhaps ang mas nakakatakot ay yung sa story ng mom ko na dating nurse sa isang private company sa same area. Night shift duty niya, so naiiwan siya mag-isa sa clinic magdamag. But one night, kinilabutan daw siya nang husto nang may dumaan daw sa clinic niya na lalaking pugot at nakatapis lang. Sa sobrang takot niya, dinala niya ako at yung kapatid ko sa same clinic sa next duty niya para may kasama siya.

More replies

smells like rotten eggs? check mo yung mga electric outlet baka may natutunaw na dyan. O kaya gas leak.

More replies

due to freaking horror trend na pag tingin mo sa taas may nakatingin pababa sayo.

regardless kung multo o totoong tao to, freaky talaga.

More replies
More replies

2015, I fucking remember this very vividly. Around 3:30am naalimpungatan ako sa condo ko, madami akong hanging lights sa unit ko noon, pero pag gising ko sa dami ng hanging lights ko, yung isa gumagalaw mag isa. Yun pa yung hanging light na malapit sa salamin ko bwiset. Medyo kinakabahan na ko nun pero sige nilapitan ko tapos hinawakan ko yung ilaw para di mag sway, tapos cr ako ganyan ok na.

So parang nagutom ako bigla, may ministop sa baba nung condo namin naisip ko mag chicken. Nung nasa elevator ako, biglang tumigil si elevator sa 14th floor, sobrang tagal siguro 3 minutes ganun ayaw sumara ng pinto, so sumilip ako ngayon sa 14th floor, gulat ko yung pangalan ng mga unit '1301, 1302, 1303, etc.' ang unit number kasi sa condo namin, floor number + room number, so bale kung nasa 18th floor ka tapos pangatlong room, 1803 ang unit mo. So eto na nga, pucha kinilabutan talaga ako nun. Yung betlog ko umakyat ata sa lalamunan ko, pag sakay ko uli ng elevator buti sumara na.

So ayun nasa ground floor na ko, dalawa usually ang tao dun kapag madaling araw, yung guard + receptionist. Nung nakita ko sila nag kkwentuhan sila tapos binati ko ng 'good morning po'. Nakatitig lang sila sakin hanggang sa pag labas ko ng pintuan. So ayun kain ako sa ministop, hindi ko na inisip yung mga nangyari.

Edi balik na ko sa condo, pag pasok ko nag kkwentuhan yung guard tsaka receptionist pa din, binati ako nung guard sabi 'good morning sir, inumaga na po ata kayo ngayon' (mga bandang 4am na to), sabi ko 'sir kakababa ko lang kumain lang ako diyan sa ministop, hindi niyo ko napansin?' sumagot si receptionist ng 'sir, wala pang bumababa dito simula kaninang 2am ata, hindi din gumagalaw yang mga elevator'. Jusko ayun nanaman, yung buong balahibo ko sa katawan tumayo, siguro namputi pa ako bigla nun.

Nung sumakay na ko ng elevator wala namang problema, pag pasok ko ng unit ko gumagalaw nanaman yung isang ilaw ko, so ganun uli hinawakan ko para tumigil sa pag sway, nung nakita ko yung reflection ko sa salamin, biglang nag smile ng sobrang saglit yung reflection ko.

Takbo ko sa elev uli e, nasara ko naman yung pinto ng unit ko pero di ko na-lock. Ayun hanggang mag 7am nandun ako sa ground floor lang, surprisingly hindi na uli yun nangyari sakin

Yung betlog talaga nagdala ng story 🤣🤣

[deleted]
[deleted]

Gumagalaw din yung isa.

u/Lord_Dumass avatar

abot sa lalamunan

More replies
More replies

Glitch in the Matrix!!!! baka bumaba ka sa alternate universe at binalik ka ng Ministop sa tamang timeline chz HAHAHAHA

More replies
u/Fvckdatshit avatar

ung 14th floor kasi supposed to be 13 floor talaga un, my something talaga sayo i mean my ksma ka, dun plang sa hanging lights, sa pg baba mo ng elevator na huminto tapos sabi ng guard na wla pa dw bumababa jan, at pgtngin mo sa mirror na nksmile kpa, unfortunately you have something beside

Naibenta ko na yung condo na yun nung 2017 din, medyo kakilala ko naman yung nakabili (relative ng friend of friend). Nung 2019 nag message sakin yung may-ari, random question siguro, sinabi sakin and I quote

'iho, bakit ganito sa unit namin? Parang laging clogged ang floor drain ng balcony at parang kahit hindi ako mag air-con or electric fan, parang may hangin pa din minsan? Parang may-iba?'

Ngayong 2022 hinahanapan na ata nila ng buyer, kung di nila maibenta baka daw pa-rentahan na nila.

u/Fvckdatshit avatar

ikaw ba 1st owner ng unit?

Yup, well technically Auntie ko, then naisip niyang ibenta sakin tapos hinuhulugan ko dati sakanya.

Feeling ko yung napag bentahan ko, may na experience din silang ganun or kakaiba, hindi lang kinekwento sakin baka isipin ko siguro crazy sila. Di lang nila alam nauna na ko makaramdam ng ganun. Yung Auntie ko wala namang na experience na ganyan daw, well di naman kasi siya dun nag sstay palagi dati.

more reply More replies
More replies
More replies
More replies
u/wagpikonser avatar

Plot twist, pinagtripan ka nung guard at receptionist. Hahaha

Kaya ayaw ko tumitingin sa salamin lalo na pag gabi. Kahit sa CR ginagawa ko sa liguan na ako nagttoothbrush. 😬

Naalala ko dito yung Elevator Game/Elevator to Another World

More replies

reading aloud ko sa kapatid ko ngayon, fuck!! ang creepy!!

Nag smile yung reflection mo kasi sarap daw ng betlog mo.

May naexperience kami ng asawa ko na something similar sa condo namin. Sa tatlong elevator sa bldg namin may isa na nagloloko paminsan minsan. Wala din syang tunog di tulad ng dalawang elevator na nag-aannounce kung anong floor pag nagopen yung doors. Umaga to, papasok kami sa work. Pinindot namin yung down button tapos bumukas yung elev na nagloloko. Sumakay kami, tapos pinipindot namin yung 3rd flr button ayaw umilaw. Umakyat yung elev tas natataranta na kaming dalawa kasi ayaw nga pumindot ng 3rd flr button. Nagstop sa 25th flr yung elev, tapos bumukas. Sheeet wala palang nakatira sa 25th flr 😭😭😭 sumilip kami tas nakita namin na nakaopen lang yung mga pinto ng mga unit (may gate bawat unit and nakasara yung mga gate, nakabukas yung pinto so medyo kita yung loob) tas hindi nakabukas lahat ng ilaw sa hallway. Todo pindot kami ng close button pero medyo natagalan bago sya sumara saka lang bumaba yung elevator na yun 🫣🫣🫣

More replies
Edited

Nung highschool ako, 3, lang kami na magkapitbahay sa village namin sa Antipolo. May katabi kaming sitio na since bata pa si mama marami na syang kalaro dun. Meron din medyo malawak na empty lot sa village na mataas yung damo kasi walang nagmamaintain.

So yung isang kapitbahay namin na kababata ko, super close kami. Yung tipong every day after school lagi kaming umuuwi ng sabay, pati madalas mag stay sa bahay ng isa't isa. Isang hapon nung naglalakad na ko pauwi galing sa kanila (kasama ko sya), may weird akong nararamdaman na parang may sumusunod samin. Sabi ko, "Alex, may nararamdaman ka bang may sumusunod satin?" sya naman sabi na parang daw. Pero pag tingin naman namin sa likod wala naman tao. Nagkwentuhan na lang kami na parang walang nangyari.

Nung nakauwi na ko tapos nakabalik na sya sa bahay nya, pumasok na ko sa loob ng gate namin. Parang meron parin. Pagkatapos ng dinner umakyat na ko sa kwarto ko tapos nanood TV saglit, laro konti ng computer, tapos nung mga 11pm sinubukan ko matulog. Maaga pasok bukas eh.

Kaso putangina, kada pumipikit ako pabigat ng pabigat yung nararamdaman ko sa dibdib ko. Tapos may tumatawa na babae, parang teenager? Di naman bata, pero basta mas matanda pa dun. Ang masama pa dun nung tumagal tagal yun alam kong nakahiga ako sa kama pero hindi ako makagalaw. Kahit anong pilit ko di ko maigalaw katawan ko, pero alam ko na gising ako. Parang may nakadagan lang sakin. sleep paralysis? Minsan naririnig ko yung babae na tinatawag pangalan ng nanay ko, tsaka sinasabi na "magbike tayo, laro pa tayo!" Yung ibang mga nabanggit nya di ko na maalala pero tunog masaya sya, pero pa agresibo na ng paagresibo, tapos unti unti sya naging malungkot.

Nagtuloy tuloy to hanggang mga 2am. Nung mga oras na yun nawala na yung nakadagan sakin tapos tumayo ako agad sa pagkahiga. Naiiyak na ko nun kasi parang pagod na pagod ako, hindi ko alam pano ako matutulog nun. Hanggang mga 4 or 5 ng umaga nakaupo lang ako sa kama takot na takot hanggang sa pinasok ako ng lola ko sa kwarto.

Papagalitan nya sana ako kasi bakit di pa ko natutulog, eh may pasok pa ko. Iniyakan ko sila ng lolo ko kasi sabi ko pag pumipikit ako may babae akong naririnig, tapos tinatawag pangalan ni mama. Galit na galit lola ko kasi di sya naniniwala, sabi ko, "lola totoo nga! Please maniwala kayo sakin."

Tinawagan nila si mama nung umaga na yun para isumbong ako tapos kinwento ko sa kanya yung nangyari. Habang sinasabi ko sa kanya mga nangyari, may pangalan na pumasok sa utak ko, Celine.

Binanggit ko sa kanya yung pangalan, tapos nawala yung inis nya sakin. Tumahimik din lola ko.

Si Celine pala yung batang kalaro dati ng nanay ko na ni-rape sa bakanteng lote na na sa village namin. Walang closure yung kaso na yun kasi di na nila nahanap yung lalaki na nangrape sa kanya. Iniwan lang nila dun yung katawan nya.

Edit: nung nangyari to, yun yung mga panahon na sobrang kamukha ko si mama nung kaedad nya ako nun. Para kaming kambal, pero marami akong nunal haha

Simula nun, naging mas sensitive ako sa mga naririnig ko. Di parin ako nakakakita ng multo, pero sa auditory ako laging nadadali.

Ayun lang, meron pa ko isa pero yan yung pinakanakakatakot ko na experience. 30 na ko ngayon pero yan yung pinaka tumatak sakin hanggang sa pagtanda ko.

for some reasons throughout the story, akala ko lalaki ung op. hahha. ang stupid ko.

More replies
More replies
More replies
[deleted]
[deleted]

Comment deleted by user

Hindi ka ba nananaginip lang nun? Kwento mo na rin yung iba haha

[deleted]
[deleted]

Comment deleted by user

Sa bahay namin dati may nakikita ate ko na bata na hawig na hawig ko daw napagkakamalan na ako. One time pagpasok ko sa gate ng bahay namin nagulat ate ko, tinanong niya saan ako galing, kasi daw nakita niya nakadungaw ako sa bintana na bahay namin ang alam niya nasa loob ako tapos biglang galing ako sa labas.

Maraming instance na nakita yun ng ate ko pero eto yung one instance na halos magkasunod nakita niya yun at nakita niya ako.

Also, in that same house may nakikita din pinsan ko tuwing 2am to 3am na babae tumatambay sa labas ng bahay namin nakatingin sa pinto, description niya is nakawhite dress mahaba at magulo yung buhok at mukhanh may hinahanap daw, tumatambay siya sa may pinto for 10 mins tapos pumapasok. In that same time around 2am to 3am din may naririnig naman kami minsan sa loob ng bahay na may kumakatok na sobrang lakas sa pinto, kapag binuksan mo walang tao sa labas, takot din ako buksan dati kase maraming magnanakaw sa area na yun.

Yung living room namin, where the supposedly ghost lady enters, dun ako natutulog dati sa sofa kase nanonood ako TV sa gabi, there was a time na araw araw ako binabangungot and one time nakita ko siya yung babaeng nasa description ng pinsan ko (at that time hindi pa niya nakwento sa amin yung nakikita niya). Sa bangungot ko sinasakal niya ako tapos kapag sinusubukan ko tumakas sobrang bigat ng katawan ko, kapag nakaalis ako sa pagkakasakal niya tumatakbo ako papunta sa kwarto ng parents ko pero parang hindi ako makatayo sobrang bigat. Almost 2 months yun na lagi ako binabangungot. Bumalik ako sa pagtulog sa kama ko sa kwarto, hindi na ako ulit binangungot.

[deleted]
[deleted]

Comment deleted by user

Baka kase pwesto n'ya yun kaya ka sinasakal kase inagawan mo daw s'ya ng pwesto.

more replies More replies
[deleted]
[deleted]

Comment deleted by user

Kasi may mga naririnig din ako na parang akala nila nagising na sila from sleep, tapos false awakening pala and katuloy pa rin ng dream nila, pero hindi nila alam kasi sobrang vivid ng mga nangyayari.

Hahahhahahhahaha eto ung sa panaginip mo nakaligo ka na nakakain ka na. Papasok ka na ng work tapos joke lang pala 🤣🤣🤣

more replies More replies
More replies

feeling ko pag hindi nakukuha ng mga nagpaparamdam yung reaction na gusto nilang makuha satin nababadtrip sila HAHAHAH kasi madami na din akong encounter na nagigising ako sa gabi na may nakayuko sakin or may humihilik sa tabi ko (mag isa lang ako sa bahay) tapos tinutulugan ko lang matagal sila bago magparamdam ulit lol