(PDF) Readings in Philippine History: QUIZ 1 | Dianne Rose Pangilinan - Academia.edu
Readings in Philippine History: QUIZ 1 A. Anu ang saligang pagkakaiba ng economienda sa sistemang hacienda? Ang sistemang encomienda ay isang polisiyang pang-ekonomiya na sapilitang at walang bayad na paggawa na ginagamit ng mga awtoridad at mga naninirahan sa Espanya sa mga kolonya ng Imperyong Espanyol. Bilang kapalit, ang mga manggagawa ay binigyan ng proteksyong militar at ng pagkakataong magbalik-loob sa Kristiyanismo. Ito ay unang ipinatupad sa Pilipinas noong 1570. Pagbubukludin ang mga barangay upang maging isang encomienda na kung saan ito ay pamumunuan ng isang ‘encomiendero’. Ang sistemang hacienda ay pumapatungkol sa agrikulturang pananim ng mga Pilipino upang ipangalakal sa iba’t bag bansa at hindi sa lokal na pagkonsumo. Ang mga haciendero ang mga namamahala ng lupa na kanilang pinapaupahan sa mga magsasaka. Sa sistemang ito ay pumapaloob parin ang sapilitang paggawa at pagpapatupad ng pagbubuwis. And dalawang sistemang ito ay parehas na ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas noong sila ay namumuno sa magkaibang panahon. Naunang ipinatupad ang sistemang encomienda na kung saan ay lubusang naghirap ang mga mamamayang Pilipino sa sapilitang paggawa upang makamtan lamang ang karapata at proteksyon mula sa administradyon. Ang sistemangito ay umiikot sa pagsusulong ng relihiyong Kristiyanismo. Ito ay naiina mula sa sistemang hacienda. Sa sistamang hacienda ay mas naging maunlad at mayaman ang bansa kumpara noong sistemang encomienda. Nagkaroon mas organisa na pamamahala ang mga alcalde at haciendero. Ngunit kahit na ganoon ay hindi naman nakikinabang ang mga Pilipino rito. Lahat ng benepisyo at kita mula sa pag i-export ng kalakal ay napupunta lamang sa matataas na pamahalaan. B. Anu ang mga mga kultural at materyal na batayan ng Rebolusyong 1896? Ang sistemang haciendero ay nagdulot sa maraming mga Pilipino ng gutom. Maraming Pilipinong mamamayan ang nagtatrabaho ng labis ngunit hindi sapat ang karapatang natatamasa mula sa pamahalaan. Dahil na rin sa kakulangan ng kaalaman at karapatan, walang magawa nag mga mamamayang Pilipino uapang makalaya sa sistemang ito. Isa si Jose Rizal sa mga gumising sa pusong rebolusyong ng mamamayang Pilipino. Sa tulong ng kanyang kaalaman, ibinahagi niya ang kanyang ideya kung ano ang kahahanatnan ng pilipinas kapag nagpatuloy ang ganitong sistema. Para sa kanya ang kaalaman at edukasyon ang isa sa pinaka malakas na sandata upang makatakas sa pangaalipin ng mga Espansyol. Paglipas ng maraming taong pagseserbisyo sa mga Espanyol, nagkaroon ng ideya ang mga Pilipino mula sa kanilang pangangalakal at makikihalubilo mula sa iba’t ibang tao. Dulot na rin ng mga propagandang ang susulong ng kalayaan, mga libro at pangaral ni Rizal, at mga paghihrap mula sa sapilitang paggawa ang gumising sa mga Pilipino sa kaisipang rebolusyon mula sa mapang aping mga Espanyol. Lumaganap na rin ang mga teknolohiya sa mga panahong ito, kung kaya’t nakatulong ito upang mapalaganap ang kaalaman at pangayayari sa iba;t ibang bahagi ng bansa. C. Sa saligan, anu ang halaga ng rebolusyong 1896 sa ating pagiging isang bansa? Ang Rebolusyong Pilipino ay isa sa mga pinakamahalagang kaganapan sa kasaysayan ng bansa, na pumupukaw sa isang mapagmataas na pakiramdam ng nasyonalismo para sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino. Sa panahon ng matinding pakikibaka at tunggalian, nagkaisa ang mga Pilipinong may iba't ibang pinagmulan sa iisang layunin: ang labanan ang kolonyalismo. Sa paggising ng mga Pilipino mula sa pang aapi at pang mamalupit ng mga Espanyol ay nabuo ang kamalayang nasyonalismo ng mga mamamayang Pilipino. Ang mga Pilipino ay nagkaisa upang puksain labanan ang mga Espanyol sa pamamagitan ng pagoorganisa ng mga propaganda, paglalaganap ng mga libra ng kaalaman at pakikipagtalastasan sa mga nakakataas. Ang kahalagahan ng Rebolusyong 1896 ay nagpapatunay na ang mga Pilipino ay may mga pusong nasyonalismo na nagnanais mapasabuti ang kalagayan ng bansa at ng bawat mamamayang Pilipino. Ito ay sumisimbolo sa pagiging makabayan ng mga Pilipino na lumalaban para sa bansa, para sa lahi, at para sa kalayaan. D. Bakit inagaw ng mga haciendero ang pamumuno ng rebolusyong 1886? Anu ang mga dahilan? Ang sistemang haciendero ay nagpopokus sa lupain at mga pananim. Ang mga haciendero na namamahala dito ay kumikita ng malaki sa pagpapaupa ng lupa sa mga magsasakang Pilipino. Ang mga sinasakang ito ay ipinankakalakal nila sa iba’t ibang bansa kung kaya isa nanaman itong karagdagangg kita para sa kanila. Ang mga hacienderong ito ay inagaw ang pamumuno sa rebolusyong 1886 mula kay Andres Bonifacio. Sila ay natatakot na baka kapag si Andres Bonifacio ang nanalo sa katipunan ay maaari niya itong ipamahagi sa mga magsasaka. Ito ay sa dahilang gusto ni Bonifacio na mapalaya ng mga mamamayang Pilipino sa pangaabuso ng mga haciendero sa kanila. Ang pangongolekta nito ng mataas na upa at buwis ang nagpapahirap lalo sa mga mamamaya. Para sa mga haciendero ay hadlang si Bonifacio para sa pagpapalawig ng kanilang mga kayamanan at ari arian. Sa takot ni Aguinaldo at mga haciendero ay pinaslang nila so Bonifacio upang mawalan na ng hadlang sa pansarili nilang mga hangarin. E. Ilalahad ang mga batayan bakit nasabi ni Amado Guerrero na mga papet na rehimen ang mga gobyernong umiral mula 1946 hanggang sa diktaturang Marcos. Sanggayon ka ba dito? Ang papet na gobyerno ay isang gobyernong walang soberanong awtoridad sa teritoryo nito, na ang mga aksyon at patakaran ay kontrolado ng dayuhang kapangyarihan. Maraming papet na pamahalaan ang naghahatid ng imahe ng soberanya, ngunit sa katotohanan, wala silang magagawa nang walang pahintulot ng sinumang dayuhang kapangyarihan ang kumokontrol sa kanila. Kadalasan, ang mga papet ay binubuo ng malaking burgesya komprador at uring panginoong maylupa. Sa tumataas na kalagayang pang-ekonomiya sa panahon ng imperyalismong US, pinanatili ng mga Amerikano ang klaseng ito at sinanay sila bilang kanilang mga ahente sa pulitika at burukrata kapitalistang nakikibahagi sa magkatulad na layunin para sa kolonyal na gobyerno ng Amerika. Mula noong kolonisasyon ng mga Espanyol, hindi na bagong konsepto ang pagiging papet sa mahabang kasaysayan ng Pilipinas. Noon pa man, laganap ang ganitong mga taksil, hal., ang kabutihang loob ng mga Pampango sa mga Kastila at ang mga snitches ng pamumuno ng mga Espanyol. Isinasaalang-alang ang mga Pilipino. Higit pa rito, ang gobyerno ay nagnanais na ipagtanggol kalayaan ng mga Pilipino. Ang pamamahala ng mga pamahalaan, sa kabilang banda, umiral mula 1946 hanggang sa rehimen ni Ferdinand Marcos. Mula kay Aguinaldo, umiral na ang papet na rehimen. Ang pagpili ng mga Espanyol kay Aguinaldo na idineklara ang bansang malaya sa Ang Spain ay kasinungalingan lamang dahil nagkaroon ng pagbebenta sa Treaty of Paris. Ang Pilipinas ay ipinasa sa mga Amerikano. Ang paglagda ni Roxas sa General Relations Treaty sa ilalim ng imperyalismong Amerikano ay ganap na walang bisa at walang bisa ang kalayaan ng Pilipinas. Kahit may balanseng kondisyon ang karapatan sa lupain ng mga Amerikano at Pilipino, panlilinlang at pagsasamantala pa rin ito sa mga Pilipino. Ang papet na sistema ay pinanatili lamang sa ilalim ng diktadurang Quirino. rehimen. Ang paglalagay ng hukbong Pilipino upang tulungan ang mga Amerikano sa kanilang pakikipaglaban Lumilitaw sa mga Koreano na ang mga Amerikano ay walang pakialam sa pagmamaltrato sa mga taong iyon. Patuloy kaming inaapi ng mga Amerikano, at tinutulungan pa namin sila. Sila ay inuudyukan ng imperyalismo. Kasunod nito, isa pang kasunduan ang naabot. Pinirmahan ni Quirino kung saan sila maaaring magkaroon ng lugar sa Pilipinas mga Amerikan. Sa pagdating ng diktadurang Garcia, naitatag ang layunin ng "Filipino First". Ang layunin ni Garcia ay maka-Pilipino, na natutunan noong elementarya, kung ito ay isasaalang-alang. Isang façade lamang para mapanatag at masuportahan siya ng mga Pilipino. Ang layunin ng "Filipino Muna" ay palakasin at mapanatili ang piso ng Pilipinas. Ang aplikasyon ng dolyar ng kalakalang panlabas. Ang hakbang na ito ay nagpapakita na ang ang mga tagasuporta ni Garcia ay nasa Estados Unidos, hindi sa sariling bansa ng Pilipinas inihain. Sinamantala ng diktadurang Macapagal ang mga suliraning pangkabuhayan ng bansa. May pananagutan din ang mga Pilipinong Amerikano, kung kaya't mas marami siyang dahilan na dapat alalahanin ang kanyang paggigiit na tatanggapin ng gobyerno ang mga mamumuhunan na may malalawak na armas ang Pilipinas ay isang bansang Amerikano. Binago ang araw sa ilalim ng pamumuno ni Diosdado Macapagal. Ang panahon ng kalayaan ay tumagal mula Hulyo 4 hanggang Hunyo 12. Si Macapagal ay isang papet ay napanood ng mas maraming tao hindi lang sa bansa, kundi sa buong Asya. Ang kanyang Naghari ang papet na rehimen mula 1962 hanggang 1965. Ang gobyernong Marcos ang ikaanim at pinakagutom sa lahat ng rehimen. Dahil sa ganoong paninindigan, mas nagustuhan ng imperyalismong Amerikano si Ferdinand Marcos. Ito ang resulta ng lahat ng gustong makamit ng mga Amerikano. Higit na partikular, sa panahon ng administrasyong itoNaramdaman ang tunay na pasakit ng masa bunga ng pagtaas ng palitan ng dolyar. Sa panahong ito, lahat ng mga bilihin ay mabilis na tumataas, ngunit kakaunti ang paggalaw sa sahod. Ang diktadura ni Ferdinand Marcos ay tumagal mula 1966 hanggang 1986. Kung ako ay tatanungin, sangayon ako sa lahat ng isinalaysay ni Armando Guerreo. Ipinaliwanag nito kung paanong ang sariling pamahalaan ng Pilipinas ay napakadali lamang kontrolin at pang hawakan ng iba;t ibang bansa. Ito nagnagpapakita ng kawlaang kakayahan ng mas nakatataas na pamunuan ang kanyang mamamayan at maging isang independeng bansa. Ito rin ay sumisimbolo ng pagioging depende ng ating bansa mula sa ibang bansa pagdating sa pagpapatakbo oh pamamahaka ng isang bansa. Kung kaya’t hanggang ngayon ay hindi nakapagtataka na ang bansa natin ay isa parin sa third world country dulot narin ng mga pangyayaring ito sa ating kasaysayan.