Black Rider, sabay na sa GMA at GTV | Pilipino Star Ngayon
^

PSN Showbiz

Black Rider, sabay na sa GMA at GTV

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Black Rider, sabay na sa GMA at GTV
Ruru Madrid

Dobleng pasabog ang harurot ng primetime series at 2024 New York Festivals TV & Film Awards Bronze Medalist na Black Rider simula noong Lunes (May 13) ang simulcast airing nito sa GMA at GTV nang 8 p.m.

Patuloy ang pakikidigma ni Primetime Action Hero Ruru Madrid bilang si Elias / Black Rider laban sa mga masasama.

Ngunit hindi na lang mga mahal sa buhay niya ang kailangan niyang iligtas kundi buong Pilipinas na dahil nasa panganib si Madam President Valerio (Ms. Chanda Romero).

Siya na kasi ang target ng grupo nina Calvin (Jon Lucas) at Senator William (Roi Vinzon). Sa pinakamahabang gabi, makikipaghabulan at makikipagbakbakan si Elias kasama ang pangulo ng bansa.

Ang hindi nila alam, unti-unti na ring sinisimulan ng Golden Scorpion ang pagbangon dahil si Señor Edgardo (Raymond Bagatsing), itatakas na sa kulungan! Magkita na kaya ang mag-ama? Anong pasabog ang naghihintay sa muling paggising ng mga alakdan?

Samantala, hinirang ang Black Rider bilang Most Development-oriented Drama Program sa 18th UP ComBroadSoc Gandingan Awards.

Mapapanood ang mas tumitinding labanan sa  Black Rider,  8 p.m. sa GMA Prime at simulcast sa GTV. Mananatili rin ang simulcast nito sa digital channel na Pinoy Hits at livestreaming sa Kapuso Stream.

vuukle comment

ACTOR

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with