Sunshine Cruz, desididong i-pribado na ang personal life; "After the very public relationship that I had with my ex, I’d rather keep quiet na lang.” | Pikapika | Philippine Showbiz News Portal

Sunshine Cruz, desididong i-pribado na ang personal life; "After the very public relationship that I had with my ex, I’d rather keep quiet na lang.”

Matindi ang pag-iwas ni Sunshine Cruz na pag-usapan ang kanyang lovelife. “Para sa akin, hindi na naman ako teenager para pag-usapan ‘yon. So, whatever I have or what I don’t have, I’d like to keep private pag dating sa puso o personal life ko.”

Matindi ang pag-iwas ni Sunshine Cruz na pag-usapan ang kanyang lovelife. “Para sa akin, hindi na naman ako teenager para pag-usapan ‘yon. So, whatever I have or what I don’t have, I’d like to keep private pag dating sa puso o personal life ko.”

Binibiro namin ang aktres na si Sunshine Cruz na para siyang ‘bampira.’ Hindi kasi talaga tumatanda ang itsura niya. Sa edad niya ngayon na 46 (turning 47 on July 18),  pwede pa rin siiyang mapagkamalamng kapatid lang ng kanyang tres Marias na sina Angelina, Sam, at Cheska.

Kahit ang ibang mas nakababatang artistang babae ay p'wede pa ring pumasang ka-edaran lang niya. Kaya naman during her launch as the celebrity endorser ng Thiocell Glutathione Lozenges, isa sa agad na natanong sa kanya ay kung ano ang sikreto ng kanyang pagiging "bampira" or pagiging ageless.

“Hindi naman masyado,” natatawa at tila nahihiyang sagot niya. “But kidding aside, I love to sleep,” aniya. “Introvert kasi ako. So, I’d rather stay at home with my kids or sleep and ano lang, I stay away with negativities and dramas.

So, positive lang. 

“Positive ang outlook sa life. Always be grateful for what you have. Kung ano ang wala, focus on what you have and of course, aside from Thiocell, I work out.  I work out three or four times a week. 

“I used to box, nagba-boxing ako. Pero ngayon, iba naman. In a few months, you’ll see a version na Sunshine 2.0.  So, I’m working on myself," pangti-tease pa niya. "'Yun lang, self-love.  Kailangan lang mahalin ang sarili.

“Yun nga ang sinasabi ko, even before.  Don’t expect a person or people to love you. You have to love yourself first. 'Yun ang ginagawa ko ngayon, to stay healthy, fit and not just for myself but for my family.”

Sa ibang banda, matagal na ring single parent si Sunshine sa tatlong dalagang anak at masasabing sa ito sa pinaka-malaki niyang achievements sa buhay dahil nagsilaking magaganda, matatalino, at higit sa lahat ay mababait na bata ang kanyang tres Marias.

“My kids are okay,” nakangiting saad niya nang makumusta namin.

“Si Angelina, nasa last year na siya ng college sa La Salle...Dean’s Lister with honors," pagmamalaki niya. "Si Sam naman, first year siya sa college and second honor. Si Cheska naman, tapos na siya ng Senior High niya. Nag-exam siya sa Ateneo and she got in!"

At dahil nakapasok sa Ateneo, mahihiwalay raw sa kanya ang bunsong anak dahil magdo-dorm na ito malapit sa napasahang kolehiyo.

“Magdo-dorm siya. Kasi, ang layo, taga-South kami.  Mami-miss ko siya. Ang bunso ko pa ang magdo-dorm. Kasama ko pa rin ang mga bata, si Cheska lang ang medyo mahihiwalay sa akin.”

Pag dating naman sa kanyang personal na relasyon, talagang tahimik na si Sunshine. Ayaw na nitong magbigay ng kahit na anong pahayag.

Ito ay sa kabila nang nali-link ang pangalan niya ngayon sa isang high profile na personalidad.

“For now, after the very public relationship that I had with my ex, I’d rather keep quiet na lang,” aniya na ang tinutukoy ay ang failed relationship nila ni Macky Mathay.

Napa-saklolo o tila nagpapaalam pa si Sunshine sa kanyang manager na si Arnold Vegafria nang may mapilit na nagtanong if she is "seeing someone" ngayon.

“Arnold, oh, may tinatanong... if I’m seeing someone right now daw?" birong pag-iwas niya. "No, parang I don’t really want to talk about it.  Ibalato niyo na lang sa akin. I’m turning 47—mga anak na lang ang pagkuwentuhan natin.”

Paliwanag naman ni Sunshine kung bakit ayaw na niyang pag-usapan ang lovelife: “Para sa akin, hindi na naman ako teenager para pag-usapan ‘yon.

“So, whatever I have or what I don’t have, I’d like to keep private pagdating sa puso o personal life ko.”

Pero, masaya ba ang puso niya ngayon? Hirit pa rin namin.

“Hindi ko alam, ano ba 'yun?,” natatawang iwas-sagot niya.

“I don’t owe anyone an explanation when it regards my private life," dugtong niya. "As long as I know that I’m doing what I can for my children.  Para sa akin, trabaho ang pag-usapan natin, mga anak ko ang pag-usapan natin.

“Even 'yung travel ng mga anak ko, kasama si Cesar (Montano) recently in the U.S., p'wede nating pag-usapan.  First time mula nang maghiwalay kami and kasama rin nila si Tita Kat nila na mag-travel," dagdag noya na ang tinutukoy ay ang present partner ni Cesar.

“Yung gano’n na lang, pero pag dating sa puso at personal life ko, ‘wag na lang.”

Naitanong din kay Sunshine kung naibabahagi n'ya ba kay Cesar ang tungkol sa mga personal na aspeto ng buhay niya now that they have rebuilt their friendship.

Natawa lang si Sunshine at saka sinabi na: “Wala naman, hindi naman namin napag-uusapan ni Cesar.  Hindi naman, basta ako, love na love ko si Kat, 'yung partner niya.” 

And speaking or Cesar, nakakabilib din na sa kabila ng lahat ng mga naging isyu nila ni Cesar noon—na umabot pa sa korte—heto at isang masayang blended family sila ngayon.

“Actually, there are lot of people na hindi nila maiintindihan. Kasi before, grabe rin talaga 'yung issue," pagbabalik-tanaw ni Sunshine. "But I believe talaga, lahat ng sugat, magasgasan ka, kahit ano'ng lalim 'yon, maghi-heal. Naghi-heal talaga.

“So, with us, parang dapat pa ba ‘kong mag-reklamo? Hindi man nag-last 'yung relationship namin, I think, not bad na rin ang 13 years with him and at the same time, binigyan niya ako ng tatlong  mababait at matatalinong mga anak—'yun ang importante sa akin. Hindi man nag-last ang relationship namin, I have three wonderful kids. with him.  And para sa akin, dapat maging grateful na ko. You have to focus on the present and the future.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sunshine Cruz shares lesson on body positivity after walking on Bench Fashion Week runway: "Let's all celebrate our bodies and take pride in who we are."

Pika's Pick: Sunshine Cruz thanks ex-husband Cesar Montano for giving her his own painting to adorn her new home

Sunshine Cruz, game maka-trabaho ulit ang ex-husband na si Cesar Montano basta walang love scene

Sunshine Cruz cites loss of trust as reason for her breakup with Macky Mathay

Pika’s Pick: Sunshine Cruz showers Diego Loyzaga with appreciation after the actor opted to welcome the New Year with her daughters

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.