JAY MANALO, PINAG-AHIT NG KAHALIKANG YOUNG AKTOR -

JAY MANALO, PINAG-AHIT NG KAHALIKANG YOUNG AKTOR

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

ITINUTURING ni Vince Rillon na isang malaking karangalan ang makatrabaho ang premyadong aktor na si Jay Manalo na binibigyang-buhay ang papel ng kanyang gay benefactor. Katunayan, sobrang bilib daw siya sa propesyanalismo na ipinakita ng aktor sa pelikulang “Hosto” na pinagbibidahan niya. “Sobrang supportive po niya,”pakli niya.

Nakatulong din daw ang bonding niya with Jay para maitawid niya ang kanyang role bilang Pinoy entertainer sa Japan. Dahil nakapagtrabaho bilang entertainer sa Japan, si Jay din daw ang nagbigay sa kanya ng tips kung paano bibigyan ng tamang atake ang kanyang role.

“Si Kuya Jay. Pag nagkikita kami ng mga iyan, solid kami, kuwentuhan. Si Kuya Jay, naikuwento niya sa akin iyong nasa Japan siya. Na may experience na siyang ganyan,” aniya. Dagdag pa niya, very generous rin daw si Jay sa kanyang mga katrabaho. Sey pa niya, ginagawa rin daw nito ang lahat para maging kumportable ang kanyang kaeksena. Pruweba raw nito ay ang pag-alalay ni Jay na ginawa nilang kissing scenes sa pelikula.

“Iyon namang paghalik niya sa akin, sinabi ko sa kanya na “Kuya Jay, mag-ahit ka naman. Nakikiliti ako. Sabi niya, ‘hindi nag-ahit na ako. Sabi ko naman: ‘ba’t ganoon parang meron pa rin.’ Si Kuya Jay kasi, pagdating pa lang niya rito, bakla na siya, in character na siya. Akala ko nga noong una, nagtri-trip lang siya. Ganoon siya ka-solid. Hindi pa kami nagte-take. Iyon, nilalandi na niya ako. Inaamoy-amoy ako. Doon kami nagkaroon ng koneksyon. Sabi nga niya sa akin, acting lang iyan. Sabi ko:”Sige Kuya, sundan kita. Inalalayan niya ako,” kuwento ni Vince. Bilang award-winning actor, nanalo sa 19th Asian Film Festival sa Rome, ayaw ding isipin ni Vince na magaling na siya.

“Simula pa iyong nangyaring nakakuha ako ng award, kinalimutan ko naman po iyon, para hindi ako ma-pressure. Iyong ano, na nanalo ka na ng ganyan-ganyan. Bago naman ito, iba naman ito. Hinahandle ko bawat trabaho o karakter na dumarating sa akin. Iba naman. Ibang atake naman. Pero iyung pagkaroon kung paano sila humuhugot, iyon pa rin as indie, sa indie po,” hirit niya. “Minsan, binibitawan ko lang ang lahat. May pinapasok ako na karakter sa sarili ko. Ayaw kong isipin iyong mga best actor na pinagdaanan ko, para bago lang, na hindi ulit nang ulit. Na bago ito o bago na naman,” esplika niya. Sa “Hosto” na palabas na sa Vivamax simula sa Hunyo 16, ginagampanan ni Vince ang papel ni Patrick, isang OFW na pinasok ang pagiging hosto o entertainer para matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya sa Pinas. Mula sa concept ni Direk Brillante Mendoza at sa direksyon ni Jao Daniel Elamparo, kasama rin sa cast ng erotic drama sina Jay Manalo, Angela Morena, Denise Esteban at Ali Asistio.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Pinoy News Channel. All Rights Reserved 2021.