Drei Arias, Juan Calma, Paul Venturero on frontal nudity | PEP.ph

Drei Arias, Juan Calma, Paul Jiggs Venturero: all out in male pageants and frontal nudity in movies

Get to know sexy showbiz newbies Drei Arias, Juan Calma, and Paul jiggs Venturero.
by Jerry Olea
Published Sep 20, 2022
DREI ARIAS, JUAN CALMA, PAUL JIGGS VENTURERO
Showbiz newbies (L-R) Drei Arias, Juan Calma, Paul Jiggs Venturero talk about what it's like doing frontal nudity scenes in sexy movies and joining male pageants.
PHOTO/S: Sangguniang Kabataan Ng Malolos via Drei Arias / Juan Calma / Paul Venturero Facebook

Nabingwit ng AQ Prime stud na si Drei Arias ang titulong Hari ng Singkaban-Turismo sa koronasyon ng Hari at Reyna ng Singkaban 2022 noong Setyembre 10, 2022, sa Malolos, Bulacan.

Bilang kinatawan ng Malolos, nakamit din ni Drei ang special awards na Kerubin Restaurant & Catering Services Choice Award, Mr. Buena Panadera, Weekender Choice Award, at Bulacan People’s Choice Award.

Bale tatlong araw ang labanan sa timpalak. Noong Setyembre 4 ang paligsahan sa talento at pambansang kasuotan. Kumanta si Drei ng "Hiling" ni Mark Carpio.

Ang national costume niya ay inspired ng damit ng isang rajah.

drei arias muslim costume

Setyembre 8 ang float parade at preliminary interview, at Setyembre 10 ang finale kung saan nagpakitang-gilas ang mga kalahok sa swimwear at formal wear.

Sa final Q&A, naatasan si Drei na ilarawan ang pageant industry.

Ang kanyang tugon, “I think that the pageant industry is a beacon of hope and mission. Beacon of hope dahil binibigyan tayo ng inspirasyon nito to be of service sa mga taong pinapahalagahan natin and a mission to be visionary.

"Kailangan nating i-execute ang lahat ng level ng ating platforms to be of greater good. At maa-achieve natin ito through diversity and inclusivity."

Drei Arias and Rian Maclyn

Si Drei ay isa sa mga baguhang aktor na walang kiyeme sa paghuhubad. Nag-frontal siya sa Pinoy BL horror movie na Don Filipo (2021) katambal si Luis Padilla, sa direksiyon ni Tim Muñoz.

Todo-bigay rin si Drei sa erotic BL movie na Bingwit, kung saan co-stars niya sina Conan King at Krista Miller, sa direksyon ni Neal “Buboy” Tan. Ang Bingwit ay isa sa apat na AQ Prime original na buena mano sa streaming noong Agosto 8, 2022, at ito agad ang may pinakamaraming views.

Pumangalawa roon ang Adonis X nina Kristof Garcia, Kurt Kendrick, at Mark McMahon, sa direksyon ni Alejandro “Bong” Ramos. Pangatlo ang isa pang obra ni Direk Bong na La Traidora kung saan tampok sina Joni McNab, Juan Calma, Mia Aquino, at Brylle Mondejar.

Si Direk Bong din ang direktor ng forthcoming BL movie ng AQ Prime na Baka Sakali kung saan nag-frontal nudity muli si Drei, katambal si Leandre Adams.

May isa pang natapos na pelikula si Drei para sa AQ Prime, pero hindi siya naghubad dito. Ito ay ang Peyri Teyl ni Direk Joel Lamangan, kung saan bida sina Edgar Allan Guzman at Yana Fuentes.

Susundan kaya ni Drei ang mga yapak ng gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando?

Pasabog ang unang pelikulang pinagbidahan ni Daniel, ang Scorpio Nights (1985) ni Direk Peque Gallaga, na pinagbidahan din nina Anna Marie Gutierrez at Orestes Ojeda.

Gusto bang sundan ni Drei ang mga yapak ni Gob. Daniel? Gusto rin niyang sumabak sa pulitika?

"Not closing any doors po. But now my top priority is acting po talaga," tugon ni Drei nitong Setyembre 20, Martes via Messenger.

Ika-26 kaarawan ngayon ni Drei. Ano ang birthday wish niya?

“Stable career po. Yung hindi lang magkukulang, ayos na po ako,” sambit ni Drei, na may sasalihan pang timpalak.

Siyangapala, ang tiinanghal na Hari ng Singkaban 2022 ay ang kinatawan ng Bocaue na si Jordan Jose San Juan.

Hinakot ni Jordan ang special awards na Best in Swimwear, Best in Formal Wear, Mr. Photogenic, Smart Choice Award, Koleksyon Choice Award at Chachago Choice Award.

Ang Hari ng Singkaban-Turismo 2022 ay si Almer F. de Jesus ng Hagonoy, na nakuha ang special awards na Best in Talent at Best in Festival Costume. Ang Hari ng Singkaban-Sining at Kultura 2022 ay si Rei Aldrich S. Gregorio ng Obando.

Ang Reyna ng Singkaban 2022 ay si Zeinah P. Al-Saaby ng Bocaue. Ang Reyna ng Singkaban-Turismo 2022 ay si Liza M. Gonzales ng Santa Maria. Ang Reyna ng Singkaban-Sining at Kultura 2022 ay si Rian Maclyn L. de la Cruz ng Malolos. At ang Reyna ng Singkaban-Kasaysayan 2022 ay si Antonette Viktoria Leonardo Acosta ng Pulilan.

Juan Calma on indecent proposals

Nagdiwang ng ika-25 na kaarawan ang AQ Prime stud na si Juan Calma noong Setyembre 13.

Unang nag-frontal si Juan ay sa pelikulang Ang Bangkay ng isinulat, idinirek, pinagbidahan, at prinodyus ni Atty. Vince Tañada para sa PhilStagers Fioms.

Si Atty. Vince din ang pangunahing puwersa sa pelikulang Katips, na nakipagsalpukan sa Maid in Malacañang ni Direk Darryl Yap.

Nag-special screening ang Ang Bangkay noong Mayo 14, 2022 sa Shangri-La EDSA Mall, Mandaluyong City.

Ang ikalawang movie ni Juan kung saan nag-frontal siyang muli ay ang AQ Prime original na La Traidora, na nag-streaming noong Agosto 8.

Lumahok si Juan sa timpalak na Man of the Philippines 2022, na ang finale ay noong Hunyo 26, sa KCC Convention Center sa Gen. Santos City, South Cotabato.

Okay lang kay Juan na natalo sa nasabing pageant dahil maganda ang trato sa kanya roon, at maayos ang kalakaran doon.

"Deserving po yung dalawang nanalo, at thankful po ako na nakasama sa ganung pageant," sambit ni Juan sa launch ng AQ Prime noong Agosto 8 sa Luxent Hotel, Timog Ave., Quezon City.

juan calma national costume

Proud si Juan sa mga pelikulang nagawa niya. Pananalig ni Juan, makabuluhan ang paghuhubad niya.

Ani Juan, "Dito po sa La Traidora, nangyayari talaga sa buhay ang mga eksena. Yun pong pagte-take advantage ng mga may kapangyarihan sa mga ordinaryong tao.

"Kapag po ang kahirapan ng tao ay sobra, kakagatin niya ang gawain kahit po mahalay para lang po mabuhay. Kumbaga po, kapit sa patalim."

Sa pagsali-sali niya sa mga timpalak, may mga nag-o-offer ba sa kanya para malasap ang kanyang katawang lupa?

"Marami po! Marami pong nagme-message lalo nung makita po nila yung pictures ko sa Man of the Philippines na medyo sexy," napangiting lahad ng baguhang hunk actor, na super-Felix Bacat ang kadakilaan sa ilang litrato.

Pagkakatanda ni Juan, nabasa ang swimwear niya kaya naaninag nang ganap ang kanyang private part. OK lang iyon kay Juan dahil sa pelikula nga ay ibinuyangyang na niya lahat.

"Nang mapanood ko po sa big screen yung frontal ko sa Ang Bangkay, pakiramdam ko po ay parang lulubog ako sa upuan ko," natatawang pagtatapat ni Juan.

"Kahit po nang makita ko yung pagpo-frontal ko sa La Traidora nung ine-edit ni Direk Bong, ganun na naman po ang naramdaman ko. Parang lulubog po ako."

Maging sa ikatlo niyang AQ Prime movie na Buskay, directed also by Bong Ramos, ay nag-hello ang lahat-lahat kay Juan.

Co-stars ni Juan sa Buskay sina Mark McMahon, Jane Santiaguel, at ang makamandag na si Krista Miller. Ipinagtapat noon ni Krista na naramdaman niyang kumislot at nagmatigas ang private part nina Conan King at Drei Arias sa kanilang harutan.

Inamin ni Juan na nadarang din siya sa alindog at halimuyak ni Krista. Napag-usapan naman daw nila iyon ni Direk Bong at umiral sa kanila ang professionalism.

Ayaw na munang sumali ni Juan sa mga pageant. Minabuti niyang mag-concentrate sa akting. Sinasanay niya ang sarili sa stage play. Kahit sa dula ay keri ni Juan na maging mapangahas at magbilad ng wetpaks.

"Kung may hihigit pa po na ipapagawa sa akin, basta po maganda yung project, gagawin ko. Lakas lang po ng loob!" bulalas ni Juan.

Juan Calma

PAUL JIGGS VENTURERO joins bikini pageant

Ang konteserong si Paul Jiggs Venturero ay nag-frontal sa isang Vivamax project ni Direk Roman Perez Jr. na hindi pa naipapalabas.

Sa go-see ng bikini pageant with a purpose na Cosmo Manila 2022 noong Agosto 21, walang keber si Paul Jiggs sa pagpapasilip ng butt crack at pubic hair.

Sa photo shoot ng official candidates ng Cosmo Manila 2022 noong Setyembre 4 sa rooftop ng City Garden Grand Hotel, Makati Avenue, Makati City ay handa muling magpasilip ng pubic hair ang 21-anyos na si Paul Jiggs. Pero sinabihan siya ng photographer na si Lee Santiago na hindi iyon kailangan.

jiggs venturero

Isa si Paul Jiggs sa Cosmo Manila candidates na nakibahagi sa unang dalawang community outreach program ng Cosmo Manila noong isang weekend.

Ang Cosmo Manila 2022 ay iprinodyus ni Marc Cubales, na siya ring producer ng forthcoming film ni Direk Jay Altarejos na Finding Daddy Blake.

Hindi pipitsugin ang papremyo ng Cosmo Manila 2022. Ang tatanghaling Cosmo Manila King at Cosmo Manila Queen ay parehong tatanggap ng cash prize na PHP100,000.

Ang first runners-up (male and female) ay tig-PHP40,000 cash. Ang second runners-up ay tig-PHP30,000 cash. Ang third-runners up ay tig-PHP20,000. At ang fourth runners-up ay tig-PHP15,000.

Noong Setyembre 17, Sabado ng gabi, nagbotohan na ng Mr. & Ms. Photogenic, at transparent ang bilangan ng boto sa harap ng talent agents, managers and handlers. Tig-PHP10,000 ang kaakibat na cash prize para sa Mr. & Ms. Photogenic.

Marami pang ibang special awards sa timpalak. Noon ding Sabado night ay ibinigay na ni Boss Marc Cubales sa supervising producer na si Ms. Edz Galindez ang naka-envelope na cash prizes para sa winners.

Pahayag ng overall director na si Bembem Espanto, "Ibibigay ang cash prizes right after the finals. Hindi ito katulad ng ibang pakontes na kalahati lang ang ibinibigay na papremyo, at iyong kalahati ay pagtatrabahuhan pa at hihintayin for one year."

Pangako ng casting director na si Leklek Tumalad, "Malinis ang labanan dito. Walang dayaan! Ang bikini open with a purpose na ito ay magpupugay sa mga kasamahan sa bikinilandia sa pumanaw sa panahon ng pandemya."

Karamihan sa kalahok sa Cosmo Manila 2022 ay umaasam na mag-artista. Maliban kay Paul Jiggs Venturero, ang iba pang male candidates ng Cosmo Manila 2022 ay sina Hawkins Madrid, David Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Dave Franco, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Yael del Rosario, RJ Absalud, Vincent Caringal, Allen Ong Molina, Kirby Labrusca, at Dom Corilla.

Ang female candidates ng Cosmo Manila 2022 ay sina Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar, Morena Carlos, at Deberly Bangcore.

Matutunghayan ang teaser at photos ng timpalak sa Facebook page na Cosmo Manila King & Queen 2022. Ang Cosmo Manila 2022 ay gaganapin sa Nobyembre 5, Sabado ng gabi sa SM North EDSA Skydome, QC. Ang in charge sa marketing nito ay si Ross Ramirez.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Showbiz newbies (L-R) Drei Arias, Juan Calma, Paul Jiggs Venturero talk about what it's like doing frontal nudity scenes in sexy movies and joining male pageants.
PHOTO/S: Sangguniang Kabataan Ng Malolos via Drei Arias / Juan Calma / Paul Venturero Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

  • 50%