Coleen nagreak sa sobrang pagpayat ng mister na si Billy | Police Files! Tonite

Advertisers

Advertisers

Coleen nagreak sa sobrang pagpayat ng mister na si Billy

0 5

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawrford sa social media na payat na payat. Iniisip ng iba, na siguro raw ay may malalang sakit ang TV host-actor. At ang worst pa, baka raw gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot.

Ang mga netizen talaga, masyadong maintriga. In fairness kay Billy, matino siyang tao kaya never niyang susubukan na gumamit ng droga.



Sa interview ng ABS-CBN sa misis ni Billy na si Coleen  Garcia, sinabi niya na okey na okey naman daw ang kalusugan ng TV host-actor.

Sabi ni Colleen,”I guess people are so used to seeing us like this, na made-up kami and showbiz mode. Pero kahit noon pa, si Billy talaga may dark circles, and ‘yung hair niya medyo nauubos na.

“Pero even before, it was never a problem to us. Hindi siya issue para sa amin, hindi namin kinakahiya.

“He’s more than okay. As in, ‘yun na nga, payat siya kasi wala na siyang mga bisyo.

“Ang dami kasing nagsasalita, ‘di ba? Pero in his whole life, proud ako sa kanya na never siyang naka…and never even tried mga hard drugs or anything,” depensa pa ni Colleen kay Billy.

“We’re putting it out there and honest kami sa inyo. Sana may mga mag-respect din sa mga sinasabi namin, because we wouldn’t lie about something like that sa inyo.



“Billy used to struggle with alcoholism. He quit alcohol, he quit smoking, wala siyang bisyo ngayon, and he’s healthier than ever,” paniniguro pa niya.

Dagdag ni Coleen, nakakapagod at nakaka-stress naman daw talaga ang trabaho ni Billy sa France at sa Amerika.

“Ang hirap ng ginagawa niya. Every month, he leaves the country to work, and every time he leaves the country, he does several shows,” aniya pa.

***

NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa nauusong challenge sa social media, na sinalihan rin ng iba pang artista at mga personalidad. Ito ay ang “Piliiin Mo Ang Pilipinas” challenge.

Ipinakita ni Vice ang iba’t ibang social issues na kinakaharap ng bansa mula sa hirap na dinaranas ng mga komyuter at ng mga drayber na apektado sa pag-phase out ng mga tradisyunal na pampasaherong jeep. Ang mataas na building na nagmistulang “photobomber” sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park, ang kontrobersyal na resort sa gitna ng Chocolate Hills, at ang usapin ukol sa West Philippine Sea.

Sa huli ay sinabi ng komedyante na kahit ang daming isyu ng bansa, pipiliin niya pa rin itong mahalin.

Sa kanyang panayam sa ABS-CBN News ay inamin ni Vice na talagang inisip niyang maigi ang kanyang magiging atake sa viral video upang maipaabot ang kanyang nais iparating sa madlang people.

“Ayoko naman ‘yong basta sumakay lang sa trend. I thought of making use of the trend for a very special purpose. Contrast siya. ‘Yong Pilipinas kasi hindi lang siya puro maganda.

“Ang realidad ay meron ding hindi magandang sitwasyon, merong hindi magandang bahagi ang Pilipinas. Pero ano’t anoman ‘yan, pipiliin mo pa rin siya at ipaglalaban mo ang Pilipinas,” pagbabahagi ni Vice.

Sa kabila ng pagiging proud sa bansa, dapat aware rin daw ang mga tao sa mga isyu na ating kinakaharap.

“Bukod sa ipinagmamalaki natin ‘yong magagandang aspeto ng Pilipinas, dapat gising at aware rin tayo sa katotohanan, sa hindi magandang katotohanan sa paligid natin. Hindi puwedeng ‘yong maganda lang ang alam natin.

“Maganda rin ‘yong alam natin ‘yong hindi magagandang bahagi nito.

“Ayoko naman ‘yong basta sumakay lang sa trend. I thought of making use of the trend for a very special purpose,” sey pa ni Vice Ganda.