Partner Erwin Tulfo, Yorme Isko Moreno: tunay na para sa Pilipino | Police Files! Tonite

Advertisers

Advertisers

Partner Erwin Tulfo, Yorme Isko Moreno: tunay na para sa Pilipino

0 4,080

Advertisers

DI nagsisinungaling ang mga numero, at ito ang patotoo, sa nakaraang mga survey — ng Social Weather Stations (SWS) at ng Tangere, laging numero uno o nasa Top 5 si ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo na malaki ang pag-asa na manalong senador sa senatorial race sa 2025.

Opo, former Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Tulfo’s s popularity is evident: tiyak na ang panalo niya, kung tatakbo nga siya sa Senado.

E, gayundin si Yorme Isko Moreno, lagi siyang nasa sirkulo ng mga mananalo sa 12 kandidatong iboboto sa 2025, at kasama niya sa ibobotong senador, ayon sa maraming survey ay sina: Senator Christopher “Bong” Go; Sen. Imee Marcos; Doc Willie Ong; dating Presidente Rodrigo Roa Duterte; Sen. Bong Revilla; dating Senate Pres. Tito Sotto; dating Sen. Panfilo “Ping” Lacson; Sen. Ronaldo “Bato” Dela Rosa; Sen. Pia Cayetano; dating Sen. Senator Manny Pacquiao; kasunod sina, Sen. Lito Lapid; dating VP Leni Robredo; at Sen. Francis Tolentino, at maraming iba pa.
***
Sa nakaraang eleksyon, di rumehistro si Bro. Erwin — na isa ring sikat na media personality — na prefer na ibotong senador, pero nang siya ay maging DSWD secretary, lalong sumirit ang popularidad niya sa masang Pilipino, patunay na maganda ang performance niya sa Gabinete.



Kahit nabigo si Yorme Isko sa nakaraang presidential elections, di nabawasan ang popularidad niya — na kumapit sa pangalan niya bilang isa sa pinakamagaling na naging alkalde ng Maynila.

Bantog siya sa “Bilis-Kilos’ na campaign slogan niya na nakita ng mga botante sa mga proyektong ginawa niya sa Maynila, sa mabilis na pagbibigay ng bakuna, gamot at naipatayong pasilidad kontra sa pandemyang COVID-19; social services sa lahat — bata, estudyante, PWDs, senior citizens, solo parents at kahit di-taga Maynila, welcome na gamutin ng mga bakuna laban sa COVID-19 at iba pang uri ng sakit; , pagpapatayo ng mga murang pabahay sa mahihirap, maraming infra projects sa Maynila na pinakikinabangan ng Manilenyo at ng pamilyang Pilipino.

Ito sa paniwala ko ang isusulong na mga panukalang batas ni Yorme Kois pag siya ay naging senador — mag-allocate ng malaking badyet para sa housing para sa mahihirap; isulong ang matagal nang di-maisabatas na National Land Use Act upang mapangalagaan ang mga lupang sakahan at maidisenyo ang mga siyudad at bayan bilang mga “green, inclusive, self-sufficient, and livable” na komunidad.

Itaas pa ang badyet sa Edukasyon para sa mga kursong madaling maihanap ng trabaho at maitaas ang global education ranking ng Pilipinas.

At paniwala ni Yorme, mas mapabubuti ang moralidad, pagka-makabayan ng mga bata kung mag-i-invest ang gobyerno sa Early Childhood Education and Development na ang pokus ay ang pagmamahal sa bansa.

At rebisahin ang lahat ng kurikulum sa lahat ng antas ng pag-aaral sa kolehiyo at unibersidad; palakasin ang technical-vocational programs, lalo na ang kaalaman sa STEM (science, technology, engineering, mathematics) education.



Siyempre, mag-ukol ng badyet at panahon sa pagpapalakas ng ating depensa militar, lalo na sa harap ng aggression ng China sa alitan at agawan sa teritoryo ng West Philippine Sea.

Tulad ni Partner Erwin, tutukan nila ni Yorme Isko ang paggawa ng mga panukalang magpapalakas sa agrikultura at bawasan ang Red Tape upang mahikayat ang mga negosyante — lokal at dayuhan — na mag-invest nang makalikha ng maraming trabaho.

Suporta at subsidy sa mga magsasaka, food producer nang maiseguro ang food security, lalo na at dumadami ang ating populasyon, at di-na-mapipigil ang inflation na nararanasan ng mundo.

Kung malilikha na natin ang ating pagkain, hindi na tayo gaaanong aasa sa importasyon, at ang repeal o pagbasura sa mga batas kontra sa paglago ng agrikultura.

Kung kapwa magiging senador sina Yorme Isko at Kuya Erwin, lilikha sila ng mga batas upang makalikha ng sistema upang ang mga ahensiya ng gobyerno ay maayos ang problema sa internet connection (pinakamabagal po rito ang connectivity sa Pilipinas), at nang makaagapay at makasabay tayo sa mabilis na likwad ng mundo ng digital technology.

Tiyak na pagtutuunan din nina Partner Erwin at Yorme Isko ang pagpapalakas ng micro, small, and medium enterprises sa paglalaan ng bilyon-bilyong badyet na pautang na konti lang ang interes.

Tandaan na mahigit 60 porsiyento na nakapagbibigay ng trabaho ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Naalaala ko, panukala ni Mayor Isko ang target na isang doktor para sa bawat 1,000 Pilipino para may access sa health services kahit sa malalayong lugar ng bansa, at ito tiyak ay igagawa niya ng panukala kung siya ay magiging senador.

At kasabay nito, sa budget hearing ilalaban nina Yorme Isko at Kuya Erwin na itaas ang sahod at benepisyo ng mga health workers sa mga LGUs at sa maging sa barangay.
***
Ito pa ang alam kong ipapanukala nina Partner Erwin at Yorme Isko sa Senado: Palakasin ang programa sa proteksiyon ng mga katutubo natin, gawin sila na tagapamahala ng natitirang berdeng kabundukan at kagubatan, kailogan at likas na yaman natin.

Likas sa indigenous communities na pangalagaan ang kanilang kapaligiran pagkat ito ang tahanang minana sa kanilang kanununuan, hindi tulad ng mga ‘taga-patag” na nakikita ang lugar nila na pagkukuhanan ng yaman.

Sana kung maging senador sila, mabigyan ng badyet at panahon ang pagpapatubo uli ng mga puno at kagubatan at maingatan at mapalago ang mahigit sa 4.5 milyong ektarya ng lupa at mga pasigan sa dagat at ilog na mayaman sa kabuhayang dagat.

Noong DSWD secretary si Kuya Erwin nakita niya ang kalunos-lunos na sitwasyon ng mga kababayang biktima ng kalamidad, sunog, aksidente at iba pang krisis sa kabuhayan at buhay.

Kaya alam ko kung siya ay senador, ilalaban niya ang paglikha ng mga estrukturang matibay para maging bahay at evacuation centers na makakayang tumatag laban sa bagyo, lindol at iba pang disaster.

Bilang dating media person, kilala si Partner Erwin sa larangan ng public service at dito, nakabuo na siya ng matatag na pundasyon at adbokasiya laban sa katiwalian at pagbibigay ng maaasahan, mabilis na serbisyo at hustisya.

Kaya magiging malaking sandigan ng pagiging mahusay niyang senador — sana nga ay tumakbo siya at manalo — ang mahigit sa 30 taong patuloy na paglilingkod sa bayan bilang brodkaster at ngayon ay ACT-CIS representative.

Sabi nga niya, nasa dugo na niya, hindi na maaalis sa sistema ng kanyang pagkatao ang social work at layuning makatulong sa kapwa Pilipino.

Sa darating na eleksiyon sa 2025, ating iboto ang mga kandidatong senador na may malasakit sa kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino, at matapat kong sinasabi, karapatdapat sina Kuya Erwin at Yorme Isko na pagkalooban natin ng todong tiwala at ipuwesto natin sila sa Senado.

Nakita na natin ang kanilang nagawa at umaasa tayo, gagawin nila ang lahat upang gumawa ng mga batas para sa kagalingan ng masang Pilipino.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa [email protected]