Knows n'yo ba...paano at saan nagsimula ang Mother's Day?

Knows n’yo ba…paano at saan nga ba nagsimula ang Mother’s Day?

Ervin Santiago - May 12, 2024 - 12:15 AM

Knows n'yo ba...paano at saan nga ba nagsimula ang Mother's Day?

Ann Reeves Jarvis (Photo from Britannica)

KNOWS n’yo ba mga ka-BANDERA na nagsimula ang pagdiriwang ng Mother’s Day sa Pilipinas noong 1921 nang simulan ng Ilocos Women’s Club ang kauna-unahan nilang proyekto?

Kasunod nito, pagsapit ng 1936, sa bisa ng deklarasyon ni President Manuel L. Quezon, ginawa nang taon-taon ang “Mother’s Day” celebration sa buong bansa tuwing first Monday of December.

Nagpatuloy ito hanggang sa isang proklamasyon na pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. noong 1980. Pero nang umupo si dating Pangulong Cory Aquino, inilipat ang Araw ng Ina tuwing ikalawang Linggo ng Mayo, na isinunod sa pagdiriwang ng Amerika at iba pang bansa.

Baka Bet Mo: Alden fresh at yummy pa rin kahit pawisan nang sumali sa Sunday Run

Nang maging presidente naman si former President Joseph Estrada, ibinalik umano ito noong 1998 tuwing unang Monday ng December. Pero dahil nakasanayan na ng lahat ng Pinoy na i-celebrate ito tuwing May ay ito pa rin ang ating sinusunod.

Pero guys, pamilyar ba kayo sa kuwento kung saan at paano nga ba nagsimula ang tradisyon ng pagdiriwang ng Mother’s Day? Kilala n’yo ba si Anna Jarvis at ang pinakamamahal niyang ina na si Ann Reeves Jarvis o “Mother Jarvis”?

Sila ang mga personalidad na involved kung bakit may Mother’s Day, base na rin sa ulat ng Legacy Project, isang independent research at education group.

Sabi sa report, naganap ang kauna-unahang selebrasyon ng Araw ng Ina sa Amerika noong 1908, kung saan ni-request ni Anna sa isang simbahan sa Grafton, West Virginia na ipagdiwang ang okasyon sa death anniversary ng kanyang nanay na si Ann Reeves Jarvis.

Kilalang matapang, matalino at advocate ng iba’t ibang mahahalagang isyu sa lipunan si Ann o si “Mother Jarvis”. Siya ang nasa likod ng “Mothers Day Work Clubs” na nakilala ring “Mothers Friendship Clubs” noong 1850s sa West Virginia.

Lumaban siya para maitaguyod at mapaganda ang kondisyon ng kalusugan at sanitasyon sa iba’t ibang lugar bukod pa sa pagtulong niya para makontrol ang pagdami ng mga namamatay na bata, kabilang na riyan ang kanyang mga anak.

Baka Bet Mo: Luis Manzano may ‘trivia’ kung ilan ang nagsimula ng ‘Eat Bulaga’, Anne Curtis nadamay?

Marami rin siyang naitulong sa kanyang mga kababayan nang magkaroon ng Civil War katuwang ang apat sa mga itinatag niyang organisasyon. Nag-alaga sila ng mga sundalo at nagligtas ng maraming buhay.

Nang mamatay si Mother Jarvis (second Sunday ng May) noong 1907, nagsagawa ang anak niyang si Anna ng isang pagtitipon upang bigyang-parangal ang mga ina.

At nang sumunod na taon, hinikayat ni Anna ang simbahan na palaging pinupuntahan ng ina sa Grafton, West Virginia na ipagdiwang ang Mother’s Day sa mismong araw ng pagpanaw ni Mother Jarvis, ito’y para saluduhan at parangalan ang lahat ng nanay.

Kasunod nito, sa hangaring gawing pambansang pagdiriwang ang Mother’s Day, sumulat sa mga opisyal ng kanilang pamahalaan ang grupo nina Anna para parangalan ang lahat ng mga nanay.

Taong 1914 opisyal ngang idineklara ni Pangulong Woodrow Wilson ang Mother’s Day bilang isang national holiday na gaganapin sa bawat taon sa ikalawang Linggo ng Mayo.

Sumulat din ang grupo nina Anna sa iba’t ibang bansa para hikayating ipagdiwang din ang Mother’s Day na nagtagumpay naman.

Sumakabilang-buhay si Anna noong 1948 sa edad na 84.

Sa ngayon, iba’t iba pa rin ang petsa ng Mother’s Day. Bukod sa Pilipinas, ipinagdiriwang din ito tuwing second Sunday ng May sa United States, Canada, Denmark, Finland, Italy, Turkey, Australia, Belgium, Japan at iba pang Asian countries.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Great Britain, nagse-celebrate naman sila every fourth Sunday of Lent habang sa Norway ay tuwing second Sunday ng February, sa France at Sweden naman ay last Sunday ng May. Sa South Africa ay tuwing first Sunday naman ng May.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending