Sunshine Cruz reveals reason of breakup with Macky Mathay | PEP.ph

Sunshine Cruz finally breaks silence on breakup with Macky Mathay

Sunshine Cruz: "Tatlo ang importanteng bagay sa relationship—hindi lang love."
by Arniel C. Serato
Published Feb 2, 2023
sunshine cruz macky mathay breakup
Five months after their rumored breakup, actress Sunshine Cruz finally reveals reason of breakup with Macky Mathay (left photo): "Dapat nandun ang trust, nandun ang respect. Pag merong isang nawala dun, it's not going to work."
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram / GMA Network

Sa wakas ay nagsalita na si Sunshine Cruz tungkol sa hiwalayan nila ni Macky Mathay limang buwan matapos pumutok ang balitang break na sila.

Sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Huwebes, February 2, 2023, sinabi ni Sunshine na pinili niya noong manahimik dahil may mga batang sangkot sa relasyon nila.

Pahayag niya sa panayam ni Boy Abunda, "I chose to be quiet because merong mga bata na involved — mga anak niya na napamahal sa akin at yung mga anak ko na napamahal kay Macky.

"So, nag-decide ako na maging quiet na lang, kasi hindi naman talaga alam ng publiko kung ano yung mga pinagdadaanan namin or kung ano yung pinagdaanan ko.

“Parang ang feeling ko, Tito Boy, hindi na dapat talaga ma-involve ang publiko dito.”

Hindi man nagbigay ng detalye si Sunshine tungkol sa hiwalayan nila ni Macky, inamin niyang nawala ang tiwala at respeto sa relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katulad din daw ito noon sa ex-husband niyang si Cesar Montano.

Lahad ni Sunshine, “Ang na-realize ko lang dito sa relationship, and even with my ex-husband, Cesar, tatlo ang importanteng bagay sa relationship — hindi lang love.

"Dapat nandun ang trust, nandun ang respect. Pag merong isang nawala dun, it's not going to work.

“And sa edad kong ito, I am 45 years old, hindi na dapat pinapatagal.

"Of course, you give chances, sabi nga, di ba, yung kay Senator Chiz [Escudero-Heart Evangelista reconciliation], masarap magkaroon ng second chances.

“Of course, you give your second chance, third chance... hanggang 10 pa nga na beses magbibigay ka, e.

“Pero at the end of the day, you wake up one day at mari-realize na wala nang patutunguhan ang relationship.

"You just have to be thankful for the years you've been together. Naging maganda yung pagsasama niyo, nagmahalan kayo, naging inspiration kayo sa isa't isa."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THIRD PARTY

Ayon pa kay Sunshine, gaya noong sila pa ng dating asawa na si Cesar, ninais din niyang tumanda sana kasama si Macky.

“Ako kasi, Tito Boy, masasabi ko lang ‘no, kasi kahit anong gawin nating pagpaplano sa buhay natin, of course when I was with Cesar, I wanted to grow old with him.

“Gusto ko, hanggang pagtanda ko siya na, ganun din with Macky.

“After Cesar, I waited. Actually dumating na lang yan, hindi ko naman inaasahan.

“Almost four years after, separated ako kay Cesar, nung dumating si Macky. I wanted to grow old with him as well.”

Read: PEP EXCLUSIVE. Macky Mathay confirms relationship with Sunshine Cruz: "Yes, yes, yes, yes."

Dagdag pa ng Underage actress, baka may ibang plano ang Panginoon sa kanya. Ang importante raw ay mahal siya ng mga anak niya kay Cesar na sina Angelina Cruz, Sam Cruz, at Chesca Montano.

Aniya, “Pero may mga… kahit magplano tayo sa buhay natin, pero kung hindi talaga yun ang destiny natin, hindi mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I just have to believe kung ano man ang... I’m sure meron ibang plano si God para sa akin.

“And kung ano man yun, hihintayin ko. Kung may dumating, okay lang.

“Ang importante andiyan ang mga anak ko, mahal ako, mahal ako ng mga anak ko. Dun na lang nagpo-focus ako.

“I have work. Di ako nawawalan ng proyekto and that's all that matters. I am blessed."

Sa tanong kung may third party ba sa hiwalayan nila ni Macky, makahulugang sagot ni Sunshine: "Parang wala ako sa posisyon na magsalita tungkol diyan."

Pumutok ang balitang hiwalay na sina Macky at Sunshine dahil sa “realizations” post ng aktres sa Instagram noong September 22, 2022.

Read: Have Sunshine Cruz and Macky Mathay called it quits?

Noong October 9, 2022, tila may malalim namang hugot ang aktres sa isang post nito sa Instagram.

Ito ay isang quote ng isang anonymous author tungkol sa pakikipaghiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sunshine Cruz posts new cryptic note fueling breakup rumors anew

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Five months after their rumored breakup, actress Sunshine Cruz finally reveals reason of breakup with Macky Mathay (left photo): "Dapat nandun ang trust, nandun ang respect. Pag merong isang nawala dun, it's not going to work."
PHOTO/S: @sunshinecruz718 on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

  • 50%