Director Philip King on two movies now showing | PEP.ph

Direk Philip King, magkasabay ang showing ng dalawang pelikula

G! LU at Elevator, sabay ang opening sa mga sinehan.
by PEP Troika
Published Apr 24, 2024
g! lu elevator posters
Two Filipino movies both directed by Philip King, G! LU and Elevator, open in cinemas on April 24, 2024.

JERRY OLEA

Facebook post ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) ngayong Abril 24, 2024, Miyerkules ng umaga, “Today, get ready to immerse yourself in the magic of cinema as 9 incredible movies hit the big screen!

“From heartwarming dramas to thrilling adventures, there's something for everyone.

“So grab your movie dates and your popcorn and dive into this cinematic extravaganza today!”

Dalawang pelikulang Pinoy ang sabay nag-open today sa local cinemas, at pareho iyong idinirek ni Philip King.

Una, ang summer barkada movie nina David Licauco, Ruru Madrid, Kiko Estrada, Teejay Marquez, Derrick Monsterio, at Enzo Pineda, ang G! LU na kinunan sa La Union.

At ikalawa, ang Elevator nina Paulo Avelino at Kylie Verzosa, na syinuting sa Singapore.

Ang pitong banyagang pelikula na today ang opening sa ating mga sinehan ay Arthur The King, Boy Kills World, Founders Day, Breathe, Challengers, Aespa World Tour, at Gundam Freedom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

april 24 movies

april 24 movies now showing

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong nakaraang Miyerkules, Abril 17, ay anim na pelikula ang nag-open sa local cinemas.

Dalawa roon ay gawang-Pinoy — Under Parallel Skies nina Win Metawin at Janella Salvador, at X & Y nina Ina Raymundo at Will Ashley.

Ang apat na foreign films na kasabay ng mga iyon na nag-open ay Arcadian, Abigail, Yolo, at The Ministry of Ungentlemanly Warfare.

Sa susunod na Miyerkules, Mayo 1, Araw ng Paggawa (Labor Day), ang playdate ng Bantay Bahay ni Pepe Herrera, at Men Are From QC, Women Are From Alabang nina Marco Gallo at Heaven Peralejo.

Kasabay ng mga ito ang showing ng The Fall Guy nina Ryan Gosling at Emily Blunt, at Tarot nina Harriet Slater at Adain Bradley.

GORGY RULA

Hindi sinasadyang nagkasabay ang dalawang pelikula ni Direk Philip King. Magkakaiba naman daw ang genre nito na puwedeng lagariin ng mga manonood.

"Nire-represent ng dalawang pelikula ang dalawang mahahalagang parte ng buhay – una, yung ikaw ay magaslaw, bata, at pakawala... at yung parteng nasa sangandaan ka na ng tagumpay at kabiguan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kakaibang kuwento ang Elevator na kinunan sa Singapore.

"Ito'y modern love story at must-watch cinematic experience,” sabi ni Direk Philip.

Sa La Union naman kinunan ang G! LU na tumatalakay sa mga huling araw ng summer -– na dapat i-push-to-the-limit ang kanilang pagwawalwal at pagpapariwara.

“Ito ang must-see Summer Movie of 2024,” pakli ni Direk Philip. "Ito'y celebration ng friendship, freedom, adventure, at pursuit of living life to the fullest,” sabi pa ni Direk Philip.

Sana, sa mall ngayon ang mga tao dahil sa sobrang init ng panahon. Puwede na silang mag-relax sa mga sinehan.

Sana, push pa natin ang mga pelikulang atin.

NOEL FERRER

Abang-abang tayo sa magiging resulta ng mga pelikula sa takilya, lalo na yung mga gawang-Pinoy.

I-flex natin ang Rein Entertainment na involved sa G! LU at sa Elevator!

Sana, kumita!!! Mababait pa naman ang mga producers nito!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Two Filipino movies both directed by Philip King, G! LU and Elevator, open in cinemas on April 24, 2024.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

  • 50%