Hindi makakalimutang trend sa sining biswal ngayong pandemya | Abante

Hindi makakalimutang trend sa sining biswal ngayong pandemya

Ngayon nagisisimula na ang huling tatlong buwan ng taon, ang “ber months” sa Pilipinas ay mainam na panahon upang alalahanin ano nga ba ang mga pinag-usapan at nagmarkang mga obra sa sining biswal ngayong panahon ng pandemya.

Tinuldukan na ang mga araw na ang naghaharing sentimiyento ay “practicality over passion,” na sinasabing salarin kaya para pigilan ang maraming artista, dito sa atin o sa ibang bansa man, na magkaroon ng maigting na karera sa sining.

Sa panahon ng ligalig, kaguluhan, hirap at pandemya, ang sining, na nagsisilbing taga-buhay ng kaluluwa at kakampi ng Pilipino sa ganitong sitwasyon, sa mundo ng sining biswal, maraming mga kaganapan at pangyayari ang hindi madaling makalimutan. Ilan sa mga mainam na halimbawa ay:

Ang High Tech Art, habang umuunlad at mas lalong nagiging modern ang mundo, ang teknolohiya ay nagiging kaagapay ng kahit na anong sining upang ang pukawin ang curiosities ng madla at gawing napapanahon, kapana-panabik at relevant ang visual arts. Mula 3D films hanggang sa holographic installations, ang paglalagay ng mga 3D VR technology sa museums at art galleries, ay ilan lamang sa mga panalong kaganapan sa mundo ng sining biswal kaya mas lumalawak ang audience at buyer’s reach ng mga ito.

Naging buzz word rin ngayong COVID 19-Virus times ang local art. Ang mga tao sa buong mundo na mahilig sa sininig biswal ay tunay na bighani sa mga likha ng mga ngayon pa lang kinikilalang visual artists tulad nina Nona Garcia, Andres Barrioquinto, at Leeroy New. Ang new bloods na ito ay patuloy na nagpapakita sa lahat na ang Filipino Art ay tunay na natatangi at ang art lovers sa ibang bansa ay sadyang nagpapahalaga at sumsuporta sa gawaing sining ng Filipino. Makakaasa tayong lahat na kahit may pandemya pa. mas marami pang Filipino artists sa sining biswal, at iba pang sining, ang mas makikilala at tatanghaling world class.

Mas simple, hindi kumplikado ang Minimalist Art kaya napagkunan ito ng inspirasyon at lakas ngayong maligalig ang panahon. Ang ideya ng isang payak, simple pero masayang pananaw sa buhay ay naka-apekto sa millennials at mga Generation Z’s lalo na ngayong pandemya. Ang mga kasali sa youth demographic na ito na may purchasing powers na, mas pinapaboran ang kagandahan ng simpleng pamumuhay at ang mga likhang sining na kanilang nais ay nagpapakita sa kanilang nasa. Ngayong 2020, ilan sa mga naging paboritong minimalist artworks ay likha nina Jiro Yoshihara, Frank Stella, Imi Knoebel, at Dan Flavin.

Malaki rin ang naiambag sa katiwasayan ng pag-iisip at kalamadong pagkatao ang mga tawag na Green Art ngayong quarantine season lalong-lalo na para sa bagong.henerasyon. Ang mga ito ay nakikipaglaban para sa longevity at sustainability ng Inang Kalikasan. Ngayong hindi nakikita ang “kalaban: na siyang kukitil sa maraming buhay, ang kampanya tungkol sa pag-ligtas sa kapaligiran at paghingi ng mga patakarang pumaoabor para sa eco-friendly policies, plans at projects mula sa gobyerno ay pangmalakasan ang pagpapa-alala. Ang pagtataguyod para sa maayos na pagbabago sa kapaligiran at kalikasan sa pamamagitan ng sining, ay siguradong magpapatuloy post-pandemic.

Hindi ba’t kahanga-hanga ang mga natatanging kontribusyon na ito ng batikang Filipino visual artists. Ang galing talaga ng artistang Pinoy!

TELETABLOID

Follow Abante News on