Kahulugan ng wika ayon sa iba't ibang wika linggwista at dalubhasa Flashcards | Quizlet

Kahulugan ng wika ayon sa iba't ibang wika linggwista at dalubhasa

4.8 (6 reviews)
Get a hint
Hill 1976
Click the card to flip 👆
1 / 21
1 / 21
Terms in this set (21)
Hill 1976
Ang wika ay ang pangunahing at pinaka-elaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay bumubuo ng mga tunog na nililikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at semitrikal na estruktura.
Sturtevant 1968
Ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao.
Gleason 1961
Ang wika ay masistemang balangkas ng isang salitang tunog at pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakkikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura.
Brown 1980
Ang wika ay masasabing sistematikong set ng mga simbolong arbitraryo, pasalita na nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao.
Finnocchiaro 1964
Ang wika ay isang masistemang arbitraryo, ang simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya'y makipag-ugnayan.
Weiten 2007
Ang wika ay binubuo ng kahulugan.
Binubuo rin ito ng mga patakaran at pinagsasama-samang mga simbolo na makabubuo nang walang katapusan at iba't ibang mensahe.
Dr Pamela Constantino
Ang wika ay isang maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng nararamdaman, isang instrument din ng pagtago at pagsiwalat ng katotohonan.
Mangahis ET. AL. 2005
Ang Wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan.
Bruce A. Goldstein 2008
Ang wika ay isang sistema ng pakikipagtalastasan gamit ang mga tunog at mga simbolo na nagagamit upang masabi ang nararamdaman, kaisipan at mga karanasan.
Alfred North Whitehead
Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugalian ng lahing lumikha nito. Ito ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.
Noam Chomsky
Ang wika ay isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na abstrak ng antas: may magkatulad na katangiang linggwistik.
Dell Hymes 1972
Ang wika ay nangangahulugan ng isang buhay at bukas sa sistema na nakikipag-interaksyon. Ang mga taong kabilang sa isang kulturang gumagamit ang nagbabago nito.
Makatao at panlipunan ang kasanayang ito.
Webster 1990
Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad.
Hutch 1991
Ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang sistema ng mga tunog arbritaryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.
Lingua
-Sa salitang latin

-Dila at Wika o Lenggwahe