“Mission accomplished” sa paghatid ng supply sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal

Filipino fishermen join a civilian-led supply mission to the disputed South China sea

Filipino volunteers from the civilian-led relief mission Atin Ito! coalition distribute relief goods to fishermen aboard a motorised wooden boat on the waters of the disputed South China Sea, on 16 May 2024. Source: EPA / FRANCIS R. MALASIG/EPA/AAP Image

Nakaalpas sa umano’y blockade ng China ang advance team ng civilian mission mula sa Pilipinas at naabot ang Scarborough Shoal na kanilang pangunahing layunin.


Key Points
  • Hindi na tumuloy ang main convoy ng grupo sa Shoal dahil may mga Chinese vessels duon na naunang pumigil sa mga Filipino fishermen
  • Naglagay ng mga boya at namigay din ng tulong ang civilian mission sa mga mangingisdang Pilipino nang maabot ang boundary ng exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
  • Sinamahan sila ng nasa dalawandaang maliliit na Filipino fishing vessels.
Masayang sinabi ni Atin Ito Coalition co-convenor Rafaela David na “mission accomplished,” dahil ligtas silang nakarating sa Scarborough Shoal at namigay ng mga groceries at gasolina sa mga mangingisdang Pilipino sa paligid.

Sa ibang balita, inilatag na ng Department of Interior and Local government o DILG ang mga hakbang na dapat nang gawin ng mga lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa epekto ng La Niña phenomenon

Ayon kay DILG Undersecretary Narlo Iringan, kasama rito ang pagsuri kung gumagana ang mga early warning system para masigurong mabibigyang-babala kaagad ang publiko

Binigyang-diin ng opisyal na mahalagang magsagawa ng La Niña pre-disaster assessment ang bawat lokal na pamahalaan, at i-update ang contingency plan nila

Mahalaga rin aniyang magkaroon ng koordinasyon sa weather bureau PAGASA at sa Mines and Geosciences bureau ng Department of Environment and Natural Resources para matiyak na akma sa kasalukuyang panahon ang geo-hazard maps


Share