The Innocent and The Damned - Kabanata V - Wattpad

Kabanata V

15.5K 398 31
                                    

KABANATA V

"HELIOOOON! Helion!"

Nagmamadaling bumaba si Alexa ng hagdanan at halos talunin na ang mataas na baitang para lamang makapunta sa kusina kung saan naroon ang hinahanap. Sapo-sapo niya ang backpack na bukas pa ang zipper at ang kanyang sapatos sa kaliwang kamay, tinakbo niya ang distansya ng sala sa kusina.

Nadatnan niya ang binatang naghahain sa hapag at napatingin sa kanya nang marahil ay maramdaman siyang nakatayo roon.

"Good morning, baby. Let's eat. Nakapagluto na ako."

Lumapit siya kay Helion, pansamantalang nakaligtaan ang pagmamadali sa pansariling kagustuhan na magtanim ng halik sa labi nito. That mouth curved nang dumampi ang labi niya roon.

"Mm." Ngiting inilapat ni Helion ang mga palad sa magkabila niyang pisngi, hinahaplos-haplos ang nakatali niyang buhok. "Maganda ang gising ng baby ko?"

Naalala niya ang alarm clock niyang hindi tumunog kanina sa pagbanggit ni Helion ng tungkol sa gising niya. Napanguso siya. "Male-late na ako. Hindi tumunog ang alarm ko."

Sumulyap ang kaharap sa relo nitong pambisig, nakakunot ang noo nang muling mag-angat ng tingin. "Hindi ka pa naman late ah. Eight o'clock ang pasok mo. Seven pa lang. Gigisingin pa nga lang dapat kita."

Siya naman ang kumunot ang noo. "Pero... 'yong alarm clock—"

"Pinatay ko." Sansala ni Helion. "Sobrang aga. Alam kong kailangan mo ng tulog kaya hinayaan kitang matulog na muna. I'm guessing na naka-daylight saving ka, baby, kaya maagang tumunog ang alarm clock mo. Did you panic?"

Nakanguso siyang tumango, naiinis na nagmadali pa siyang maligo't mag-ayos kanina gayong maaga pa naman pala.

Natawa si Helion saka hinagkan ang tungki ng kanyang ilong. "Aww. My baby. Here, I'll fix your tie."

Kinuha nito sa kanya ang hawak-hawak niyang backpack at sapatos saka inilagay ang mga iyon sa bakanteng silya sa gilid. Pagkatapos ay kinuha naman ang kanyang kurbata na hindi pa niya nagagawang maitali dahil sa pagmamadali kanina. Helion deftly tied it into knots. Napapatitig na lamang siya sa kaharap sa pagkamangha. Para kasing sanay na sanay itong magtali ng kurbata samantalang siya'y nalilito pa kanina kung saan isusuksok ang kabilang dulo ng necktie niya.

"There you go." Nakangiting anunsyo ni Helion nang matapos. "Umupo ka na."

Naupo siya sa pag-aakalang tatabihan siya ng binata. Ngunit sa gulat niya'y bigla na lamang nitong kinuha ang kanyang sapatos at lumuhod sa kanyang harapan upang marahil ay isuot sa kanyang paa ang hawak-hawak.

"H-Helion, h'wag na. Ako na."

But to no avail. Tiningala lamang siya ni Helion at nginitian. "You'll know sooner or later na trabaho ko ang alagaan at pagsilbihan ka, Alexa. Let me do this, baby. Maupo ka na lang d'yan."

Pakiramdam niya'y para siyang si Cinderella habang isinusuot ni Helion sa kanyang paa ang sapatos. Hindi niya malaman ang nararamdaman. Basta ba'y parang natutunaw ang kung ano sa kanyang kalooban habang nakikita ang binatang nakaluhod sa kanyang harapan at nararamdaman ang init ng palad nito sa kanyang talampakan.

Then he lift his head up. May kung ano sa mga mata nitong nagpatulala sa kanya.

"Kiss me." Sa tinig nito'y nakapa niya ang himig ng utos. Na para ba'ng hini-hypnotize siya niyong sumunod. "Everytime that I finish doing something for you, Alexa, you'll kiss me. Understand?"

Tumango siya, walang tiwala sa kanyang sarili na magsalita.

"Now do it. Kiss me."

Humilig siya paharap at agad na dinampian ng halik ang nag-aabang na labi ng binata. Ngunit tila hindi nakuntento roon si Helion. Inilapat nito ang isang kamay sa kanyang batok, ang isa sa kanyang mukha, trapping her into the kiss. Hindi siya nagreklamo, wala siyang lakas na magreklamo. Dahil maski siya'y gusto ang nararamdamang sensasyon.

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon