MODULE 9 (pdf) - CliffsNotes

MODULE 9

.pdf
School
University of Southern Mindanao **We aren't endorsed by this school
Course
CAS SOC SCI2
Subject
English
Date
May 15, 2024
Pages
22
Uploaded by AdmiralFire11453
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) Baitang 12 - Unang Semestre Ikalawang Markahan Modyul 9: Pagsulat ng Liham at Resumé Ikalawang Edisyon, 2021 Karapatang sipi © 2021 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan. Filipino sa Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan - Modyul 9: Pagsulat ng Liham at Resumé AIRs - LM Pag-aari ng Pamahalaan HINDI PINAGBIBIL Senior High School
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Senior High School Filipino sa Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan - Modyul 9: Pagsulat ng Liham at Resumé Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Mga Manunulat: Catherine A. Miranda at Mary-nor A. Concubierta Mga Tagasuri: Moises M. Lopez III at Kimberly S. Estoque Editor: Moises M. Lopez III SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr. Tagalapat: Jubert L. Padilla Tagapamahala: Atty. Donato D. Balderas Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, PhD, CID Chief Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II ii
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 iii
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba't ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag- aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. iv
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Kumusta ka na? Nakahanda ka na bang matuto? Halika na't tuklasin ang mga bagong aral at kaalaman sa mga susunod na araling ating pag-aaralan. Ang learning Material na ito ay tungkol sa Pagsulat ng Akademikong Sulatin Tungo sa Kahandaang Pantrabaho. Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pagsulat na kung saan ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon na ginagamit upang maibahagi ng manunulat ang kaniyang nalalaman sa ibang tao. Makatutulong ang mga akademikong sulatin na ito sa iyo tungo sa kahandaang pantrabaho. Ang pagsulat tungo sa kahandaang pantrabaho ay isang uri ng propesyonal o pormal na komunikasyon kung saan ikaw na manunulat ay nagpapahayag ng iyong mensahe para sa mga tao at sa mga namamahala sa loob ng organisasyon na gusto mong pasukan. Mapag-aaralan at matututuhan mo sa learning material na ito ang iba't ibang uri ng sulatin, paano gumawa ng liham at resume na iyong magagamit sa paghahanap ng trabaho. Matututo ka ring gumawa ng agenda at katitikan ng pulong gayundin ang pagsulat ng panukalang proyekto. Sa pag-aaral ng learning material na ito, matatamo mo ang sumusunod: Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) 1. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko; 2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin (CS_FA11/12PT-0m-o-90); at 3. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin (CS_FA12PU-0p-r-94). Mga Tiyak na Layunin: 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga katangian ng mga uri ng liham at resum ° ; 2. Natutukoy ang katangian ng pagsulat ng liham at resum ° ; 3. Naihahambing ang liham sa resum ệ; at 4. Nakasusulat ng isang liham at resum ° na magagamit sa aplikasyon. Batid kong ikaw ay nakahanda na, ngayon ay maaari ka nang magsimula sa mga gawain at pag-aralan ang mga leksiyon para sa learning material na ito. 1 Sapulin
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Aralin 1 Iba't Ibang Uri ng Liham at Pagsulat ng Liham at Resumé Bago tayo magtungo sa ating talakayan, sagutin mo muna ang paunang pagtataya upang malaman ang iyong inisyal na kaalaman hinggil sa paksang tatalakayin. Ihanda mo na ang iyong sarili at lahat ng iyong kakailanganin sa pag- aaral . Paunang Pagtataya Gawain A. Sa aking palagay Panuto: Magtala ng mga salitang pang-akademiko gamit ang paghahabi. At bigyan ng sariling pakahulugan nito .Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Gawain B. Sulatan mo ako! Panuto: Kumuha ng isang papel at sulatan mo ang kahit na sinong espesyal sa buhay mo. Ilahad mong dahilan kung bakit siya naging espesyal sa iyo. Maaaring may maliit o malaking bagay silang nagawa sa iyo na labis mong ikinasiya. 2 Simulan SALITANG PANG- AKADEMIKO
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Matapos matiyak ang iyong inisyal na kaalaman tungkol sa aralin, ngayon naman ay lilinangin at palalawakin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto na inihanda upang maging batayan mo ng mga impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matututuhan mo ang kahalagahan ng pag-aaral sa Filipino sa Piling Larang Akademik sa piling sulatin. Katangian ng Akademikong Pagsusulat Kompleks - Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Kompleksidad ng gramatika. Pormal - Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita. Tumpak - Sa pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis o kulang Obhetibo - Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa. Eksplisit - Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa. Gumagamit ng "signaling words." Wasto - Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas pagkamalian ng mga karaniwang manunulat Responsible - Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay, o anomang nagpapatibay sa kanyang argumento. Responsable sa hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang marapatan na isang playgyarista. Malinaw na layunin - Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanong na ito ang nagbibigay ng layunin. Malinaw na pananaw - Akademikong pagsulat ay 'di lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources. Ang manunulat ay naglalahad ng idea at saliksik ng iba, layunin ng kanyang papel na maipakita ang kanyang sariling pag-iisip '' Punto debista '' ng manunulat. May Pokus - Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga, at taliwas na impormasyon. Lohikal na organisasyon - Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihang akademikong papel ay may introduksyon, katawan, at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata. Matibay na suporta - Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon, ng mga eksperto, at siniping pahayag o quotations. 3 Lakbayin
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Malinaw at kompletong eksplanasyon - Bilang manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kompleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat. Epektibong pananaliksik - Kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal, at akademikong hanguan ng mga impormasyon. Napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pagsulat. Mahalagang maipamalas ang intelektwal na katapatan sa pamamagitqn ng dokumentasyon ng datos. Ang dokumentasyon ay iminumungkahe gamit ang estilong APA. Iskolarling estilo sa pag sulat - Sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding maging madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya't napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa grammar, ispeling, pagbabantas, at bukabolaryo. Pagsulat ng Liham Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan o komunikasyon sa isang tiyak na pinag-uukulan sa pamamagitan ng mga salitang nakalimbag o nakatitik. Ang isang liham ay katulad din ng personal na pakikipag- usap na kababakasan ng tunay na personalidad ng taong sumusulat. Mababatid din sa liham kung ang sumusulat ay matamang nag-isip at malinaw na nakapagpapahayag ng kaniyang tunay na damdamin sa pamamagitan ng mga mapitagan at magalang na pananalita. Iba't-ibang Uri ng Liham 1.Liham Pagbati (Congratulation Letter) Pinadadalhan ng liham pagbati ang sinomang nagkamit ng tagumpay, karangalan, o bagay na kasiya-siya. Ganito ring uri ng liham ang ipinadadala sa isang nakagawa ng anomang kapuri-puri o kahanga-hangang bagay sa tanggapan. 2.Liham Paanyaya (Letter of Invitation) Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging tagapanayam, o gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular na okasyon. 3.Liham Tagubilin (Letter of Instruction) Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung may gawaing nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito. 4.Liham Pasasalamat (Letter of Thanks) Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong, kasiya-siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, idea at opinyon, at tinanggap na mga bagay. 5.Liham Kahilingan (Letter of Request) Liham na inihahanda kapag nangangailangan o humihiling ng isang bagay, paglilingkod, pagpapatupad, at pagpapatibay ng anomang nilalaman ng korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga, transaksiyonal man o opisyal. 4
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 6.Liham Pagsang-ayon (Letter of Affirmation) Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na makabubuti sa operasyon ng isang tanggapan. Maaaring samahan ng kondisyon ang pagsang-ayon kung kinakailangan. 7.Liham Pagtanggi (Letter of Negation) Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di pagpapaunlak, di pagsang- ayon sa paanyaya, kahilingan, panukala, at iba pa hinggil sa pangangailangang opisyal at transaksiyonal. 8.Liham Pag-uulat (Report Letter) Ito ang liham na nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain na dapat isakatuparan sa itinakdang panahon. Tinatalakay dito ang: a. Pamagat, b. Layunin, c. Kalikasan ng proyekto; d. Bahagdan ng natamo batay sa layunin; e. Kompletong deskripsiyon ng progreso ng kasalukuyang gawain, pati na ang mga tauhan, pamamaraan, mga hadlang, at mga remedyo; at mga gawaing kailangan pang isagawa upang matapos sa itinakdang panahon ang proyekto. 9.Liham Pagsubaybay (Follow-up Letter) Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham na naipadala na, subalit hindi nabibigyan ng tugon. Nagsisilbi itong paalaala upang bigyang-aksiyon ang naunang liham. Ang uri ng liham na nararapat subaybayan ay ang liham kahilingan, paanyaya; at maging ang pag-aaplay o pamamasukan sa trabaho. Sa pagsulat, magalang na banggitin sa liham ang petsa at layunin ng naunang komunikasyon. 10.Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation) Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawaning nagpasiyang huminto o umalis sa pagtatrabaho bunga ng isang mabigat at mapanghahawakang kadahilanan. 11.Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon (Letter of Application) Ang sinomang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang magpadala o magharap ng liham kahilingan. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga idea at tuwirang pananalita na nakapaloob sa nilalaman ng liham ay nakahihikayat ng magandang impresyon. Tukuyin ang posisyong inaaplayan at kahandaan ng pakikipanayam anomang oras na kinakailangan. 12. Liham Paghirang (Appointment Letter) Ito ay isang liham na nagtatalaga sa isang kawani sa pagganap ng tungkulin, pagbabago/paggalaw (movement) ng katungkulan sa isang tanggapan, o promosyon (promotion) para sa kabutihan ng paglilingkod sa tanggapan. Isinasaad sa liham ang dahilan ng pagkahirang at ang pag-asang magagampanan ang tungkuling inaatas sa kanya nang buong kahusayan. 13.Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction) 5
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Liham ito na himig-personal na nagpapakilala sa isang taong nagsasadya sa isang tanggapan upang lalo siyang makilala ng kakausaping opisyal kaugnay ng anomang transaksiyon. 14.Liham Pagkambas (Canvass Letter) Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod: a. halaga ng bagay/aytem na nais bilhin; b. serbisyo (janitorial services, security services, catering services, venue/function halls at iba pa sa isang tanggapan. 15.Liham Pagtatanong (Letter of lnquiry) Liham ito na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa mga opisyal na impormasyon o paliwanag. 16.Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence) Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na naulila.Nagpapahayag ito ng pakikiisa sa damdamin subalit hindi dapat palubhain ang kalungkutan ng mga naulila. Nararapat itong ipadala agad matapos mabatid ang pagkamatay ng isang tao. 17.Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy) Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na nakaranas ng sakuna o masamang kapalaran, tulad ng pagkakasakit, bagyo, lindol, baha, sunog, aksidente o anopamang sakuna ngunit buhay pa. 18.Liham Panawagan (Letter of Appeal) Liham ito na nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa pagpapatupad o implementasyon ng kautusan, kapasiyahan, at pagsusog/ amyenda ng patakaran. 19.Liham Pagpapatunay (Letter of Certification) Ito ay uri ng liham na nagpapatunay na ang isang empleyado o tauhan sa tanggapan ay nagtungo at/o dumalo sa isang gawaing opisyal sa isang partikular na lugar at petsa na kung kailan ito isinagawa. Nilalagdaan ito ng puno ng tanggapan, tagamasid pampurok, puno ng rehiyon. Katangian ng Liham 1. Malinaw (Clear) Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad ipabatid sa liham. Iplano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideang ipapaloob. Pagkatapos ay suriin kung mahusay ang pagkakapahayag ng bawat idea 2. Wasto (Correct) Laging isaisip na ang ano mang liham na nangangailangan ng katugunan ay dapat magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin ang mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-kanilang priyoridad. 6
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 3. Buo (Complete) Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon sapagkat kapag nakaligtaang itala ang isang bagay na kailangan ng sumulat, lalabas na kapos o depektibo sa pangunahing sangkap ang liham. Upang maging kasiya-siya ang tugon ng sinulatan, dapat na unang-unang nakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham ng sumulat. 4. Magalang (Courteous) Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Hindi dapat mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng kagandahang asal. Nakatatawag-pansin ang pagkamagalang, kaya't agad nakukuha ang tugon o reaksiyon sa liham. 5. Maikli (Concise) Sikapin na ang bawat isusulat ay makatutulong sa pagpapabatid ng nais sabihin sa nilalaman. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan. Ito ay isa lamang pag-aaksaya ng panahon at nakapapawi ng interes ng nilihaman. 6. Kumbersasyonal (Conversational) Masasabing mahusay ang pagkakapaghanda ng isang liham kapag ang bumabasa nito ay parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural na pamamaraan ang nais iparating nang sa gayon ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan 7. Mapagsaalang-alang (Considerate) Pakatimbangin ang ano mang nais ipahayag ng sumulat. Bigyan-diin ang mensaheng nagbibigay-interes sa sinulatan o bumabasa. Sikaping maging mapagbigay sa lahat ng pagkakataon nang sa gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob. Mga Bahagi ng Liham 1.Pamuhatan (Heading) Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan, adres, telepono, at numero ng fax. Makikita rin dito ang logo ng tanggapan (kung mayroon). May dalawang uri ng pamuhatan a. Nilimbag na pamuhatan (Printed letterhead) Ang nakalimbag na pamuhatan ay karaniwang nasa gitnang itaas o sa itaas ng papel. Ang logo o sagisag ng tanggapan o kompanya ay karaniwang inilalagay sa itaas o sa kaliwa ng pamuhatan. b. Minakinilya (typeset) /Sulat-kamay na Pamuhatan Ito ay sinisimulan mula sa isa't kalahati (1 ½ ) hanggang dalawang (2) o maaaring pitong (7) espasyo mula sa itaas ng papel 2. Petsa (Date) Ang Petsa ay bahagi ng pamuhatan. Maaari itong ilagay sa kaliwang bahagi para sa anyong full-block at kanan o gitnang bahagi para sa anyong semi-block. 3. Patunguhan (Inside Address) Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong ng liham. Kung kilala ang sinusulatan, sinusulat ang pangalan ng taong sinusulatan, ang kaniyang katungkulan (kung mayroon), tanggapang pinaglilingkuran at 7
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 direksiyon. Iwasan ang pagdaglat sa pagsulat ng adres o direksiyon, hal. ave., st.. Halimbawa: Kagalang-galang na Alkalde Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong Lungsod Mandaluyong, Metro Manila 4. Bating Pambungad (Salutation) Ito ay pagbati sa sinusulatan. Sa bating pambungad, ang bantas na marapat gamitin ay tutuldok o colon ( : ). Ang karaniwang ginagamit ay ang sumusunod: Mahal na Ginoo: Mahal na Tagapangulong Libatique: Ginoo: Mahal na Punong Mahistrado Sereno: Mahal na Ginang: at iba pa. 5. Katawan ng Liham (body of the letter) Ito ang tampok na bahagi ng liham na nagsasaad ng paksa/mensahe sa sinusulatan. Katangian ng Maayos na Mensahe a. Kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw at hindi dapat lumikha ng anomang alinlangan sa pinadadalhan o babasa nito. b. Kailangang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita, pangungusap, talata, at mga bahagi ng liham. c. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain, may angkop na mga salita, banghay, at bantas. Bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham a. Panimula - Naglalaman ito ng maikling pahayag sa layon o pakay ng liham. b. Katawan - Naglalaman ito ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa pakay ng liham. c. Huling talata - Nagsasaad ito kung ano ang inaasahang aksiyon sa ipinadalang liham. 6.Pamitagang Pangwakas (Complimentary Close). Nagsasaad ito ng pamamaalam sa nililihaman. Mga Dapat Tandaan sa Pamitagang Pangwakas a) Ang bating pambungad at ang pamitagang wakas ay iniaangkop sa katungkulan o kalagayang panlipunan ng taong sinusulatan. b) Kung ano ang antas ng pamimitagang ipinahihiwatig sa bating pambungad ay siya ring isinasaad sa pamitagang pangwakas. c) Ang pamitagang pangwakas ay may dalawang espasyo mula sa huling salita ng katawan ng liham. Isulat buhat sa kalagitnaan pakanan, na ang dulo ay hindi lalampas sa palugit at lagyan ng kuwit at isulat sa malaking titik ang unang letra ng salita. Ginoo: Kagalang-galang Mahal na Bb. Santos at iba pa. 7. Lagda (Signature) Binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng lumiham. Ito ay nagpapakilala ng kapangyarihan at pananagutan sa nilalaman ng liham. Ang mga babae, kung nais nila, ay maaaring gumamit ng Bb., Gng. Ms. sa unahan ng kanilang pangalan. Hindi gumagamit ng G. (Mr.) ang kalalakihan sa unahan ng kanilang pangalan. Halimbawa: Matapat na sumasainyo, (Lgd.) CARMELITA C. ABDURAHMAN Komisyoner Programa at Proyekto 8
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Anyo ng Liham 1. Ganap na Blak (Full Block Style) - Mapapansin na mas madaling tandaan ang Ganap na Blak na anyo ng liham. Lahat ay magsisimula sa pinaka-kaliwang bahagi ng liham 2. Modifay Blak (Modified Block Style) - Ang Modifay Blak ay halos katulad ng Ganap na Blak, ang kaibahan lamang ay ang pamuhatan at ang bating pangwakas at lagda ay nasa bandang kanan ng liham 3. Semi-Blak (Semi-block Style) - Dito ang pamuhatan lamang ang nasa kanan. Ang unang mga salita sa kanan ay naka-indent of nakaurong ng konti sa kanan. 9
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Pagsulat ng Resumé Ang isang resume ay isa sa mga requirements na hinahanap ng mga employers sa mga nagnanais magtrabaho para sa kanila o sa kanilang kumpanya. Nilalaman nito ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa aplikante na may kinalaman sa gusto niyang pasuking trabaho. Mga impormasyon na dapat ilagay sa Resume 1. Pangalan - Totoo at buong pangalan. 2. Contact number - Mahalaga sa employer na alam nila kung paano ka nila makokontak lalo na kapag natanggap. 3. E-mail address - May mga employer na sa e-mail nagpapadala ng update tungkol sa aplikasyon. 4. Home address - Kailangang malaman ng employer kung hindi masyadong malayo sa trabaho. 5. Objective - Ano ang layunin para sa trabahong gustong pasukan. 6. Work Experience - Kailangang ilagay at malaman kung ano ang ginagawa sa mga nakaraang trabaho. 7. Educational Attainment - Ilagay ang kursong natapos at school kung saan nagtapos. 8. Skills - Mga kakayahan na alam mo, angat ka sa iba, makakatulong sa trabaho na idagdag sa resume. 9. Mga dinaluhang seminar at Workshop 10. Sanggunian Tips sa Pagggawa ng Resume 1. Maglagay ng maayos na litrato 2. Ang resume ay ipi-print sa isang bond paper. 3. Pumili ng maayos at malinis tingnan na Font halimbawa Arial, Calibri, Times New Roman o Georgia. 4. Siguraduhin na ang font size ay hindi gaanong malaki at maliit. 5. Siguraduhin na ang layout ng iyong resume ay malinis at maayos. 6. Puting bondpaper ang gamitin. 7. Ang resume ay hindi nobela 10
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Halimbawa ng Resume 11 JUAN DUTERTE DELA CRUZ # 30 Urayong, Caba, La Union 2502 Philippinẽs Mobilẽ Phonẽ No.: +63902-021-3627 Email Addrẽss: [email protected] LAYUNIN: Umaasang mabigyan ng pagkakataong maibahagi ang kahusayan at kadalubhasaan sa trabaho ng isang guro, upang matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad sa abot ng makakayang paraan. PERSONAL NA MGA DATOS Pẽtsa ng Kapanganakan : Sẽtyẽmbrẽ 19, 1990 Gulang : 30 Taong Gulang Taas : 5'1" Timbag : 60 kg. Lugar ng Kapanganakan : Caba, La Union Tirahan : # 30 Urayong, Caba, La Union Kasarian : Lalaki Pagkamamamayan : Filipino Rẽlihiyon : Iglẽsia Ni Cristo Pangalan ng mga Magulang : Juana D. Dẽla Cruz Juancho E. Dẽla Cruz MGA KASANAYAN / INTERES Computer Literate o MS Office Applications o Multimedia Applications o Computer Programmingand Webpage Designing Basics Marunong makipagkomunika Malikhaing Pagsulat Pagluluto, Pagsayaw, Pag-awit EDUKASYON Humanities and Social Sciences (HUMSS) 2018 - 2020 Don Eulogio de Guzman Memorial National High School - Senior High School Calumbaya, Bauang, La Union Karangalan: With Highest Honors Student Leader of the Year Journalist of the Year Basic Education Curriculum 2014 - 2018 Don Eulogio de Guzman Memorial National High School - Junior High School Calumbaya, Bauang, La Union Karangalan: With High Honors Student Leader of the Year Journalist of the Year Calumbaya Elementary School 2008 -2013 Calumbaya, Bauang, La Union Achievements: With Honor SEMINAR/WORKSHOP NA DINALUHAN 2013 Regional Schools Press Conference Urdaneta I Central School, Urdaneta City, Pangasinan on February 13 - 15, 2013 2012 Division Schools Press Conference Aringay Central Elementary School (West Compound), Aringay, La Union on December 10-12, 2006 2x2 picture
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Gawain C: Sagutin mo! PANUTO: Upang higit na mapalawak ang iyong kaalaman hinggil sa larangang ito, Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. 1.Batay sa iyong binasang katuturan ng pagsulat ng Liham at Resume. Alin para sa iyo ang pinakamabisang kahulugan ng pagsusulat? Ipaliwanag ito sa sariling pananalita. 2. Sa iyong palagay, anong pakinabang ang naidudulot ng pagsusulat sa tao? Magbigay ng tatlo. 3. Bakit sinasabing magkakambal ang utak at ang pagsulat? Gawain D. i-Venn mo na 'yan! PANUTO: Gumawa ng Venn Diagram sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Gawain E. Repleksyon 12 Galugarin Liham Pagkakaiba Resumé Pagkakaiba Pagkakatulad
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 PANUTO: Sundan ng angkop na mga salita ang pahayag sa ibaba. Ang pagsusulat pala ay________________________________________________________ sapagkat______________________________________________________________________. Natutuhan kong_______________________________________________________________ Kung kaya't___________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________. Gawain F: Aplay na! Panuto: Sumulat ng isang Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon ( Letter of Application) sa anomang organisasyon, business firm, o eskuwelahang gusto mong pasukan. Isulat o i-print nang malinis sa isang maikling bond paper ang iyong liham gamit ang mga alituntuning napag-aralan. PAMANTAYAN Puntos May maayos ng nilalaman 15 Kompleto ang mga bahagi at tamang pormat 10 Mahusay ang gamit ng wika at tono ng pananalita 10 Malinis at presentable ang papel 5 Kabuoan 40 Gawain G: Aplay na! Panuto: Gumawa ng isang Resume at ilapat ito sa Liham Aplikasyon na iyong ginawa sa Gawain F. Siguraduhing pareho ang mga elementong nakapaloloob dito. I-print nang malinis sa isang maikling bond paper. PAMANTAYAN Puntos May maayos na nilalaman /impormasyon 15 Kompleto ang mga bahagi at tamang pormat 15 Malinis at presentable ang papel 5 Kabuoan 35 13 Palalimin Sukatin
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 PANGWAKAS NA PAGTATAYA Panuto: Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na aytem. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. ______1. Ginagamit ang liham na ito sa pagpapahayag ng paghalal o pagpapaupo sa posisyon ng isang tao A. Liham Pagpapatunay B. Liham Paghirang C. Liham Pagpapakilala D. Liham Pakikiramay _______2. Sa bahaging ito ng liham makikita ang pinagmulan o adres ng sumulat. A. Katawan ng Liham B. Bating Panimula C. Pamuhatan D. Patutunguhan _______3. Ano ang totoo tungkol sa Liham na Pormal? A. Ang Liham na Pormal ay may patutunguhan samantalang ang Di- pormal naman ay wala. B. Ang Liham na Pormal ay walang patutunguhan samantalang ang Di- pormal naman ay mayroon. C. Hindi na kinakailangan pa ang paglalagay ng pamuhatan sa parehong uri ng liham. D. Parehong walang patutunguhan ang Liham na Pormal at Di-pormal. _______4. Alin sa sumusunod ang anyo ng liham na Ganap na Blak (Full Block Style)? A. B. C . D. _______5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa sistemang block? A. Ganap na Blak B. Modifayd Blak C. Semi-blak D. Kumbensyunal 14 ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ____________________________ ____ ___________________________________ ________________________________ ____________________________________ _________________________________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ _______________________________ __ ___________________________________ _________________________________ ___________________________________ _________________________________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ___________________________________ _____________________________________ _________________________________ _____________________________________ ________________________________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ______________ ___________________________________ ____________________________________ __________________________________ ____________________________________ _________________________________ ______________ ______________ ______________
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 ________6. Sumulat si Jay sa isang kompanya upang mapagbigyan ang hinihinging pabor. Anong uri ng liham ang ipinapahayag ng sitwasyong ito? A. Pag-apply B. Pagkambas C. Pagtatanong D. Pangkahilingan ________7. Sumulat si Roy sa isang kompanya para alamin ang presyo ng mga produktong kakailanganin niya sa kanyang negosyo. Anong uri liham ang ipinapahayag ng sitwasyong ito? A. Paghingi ng pabor B. Pagkambas C. Pagtatanong D. Pagsosyo ________8. "Magandang Araw!". Anong bahagi ng liham ang pahayag na ito? A. Bating panimula B. Pambungad C. Pamuhatan D. Patutunguhan ________9. "Business Loan Officer." Ang mga salitang ito ay nabibilang sa anong bahagi ng liham pangnegosyo? A. Bating Pangwakas B. Lagda C. Patutunguhan D. Ulong sulat ________10. Sa huliang bahagi ng liham, pagkatapos isulat ang buong pangalan ng sumulat, ano ang kaniyang ilalagay sa taas ng pangalan nito? A. Panggitang Pangalan B. Lagda C. Uulitin ang buong pangalan D. Titulo ________11. Ano ang tawag sa katangiang akademikong pagsusulat na mayaman sa leksikon at bokabularyo, at kompleksidad ng gramatika? A. Eksplicit B. Kompleks C. Malinaw na Layunin D. Malinaw na pananaw ________12. Alin ang hindi kasama sa katangiang akademikong pagsusulat? A. Lohikal nap ag-aayos' B. Malinaw na Layunin C. Malinaw na Pananaw D. Matibay na Suporta 15
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Lubos na Mahusay! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa mga aralin at pagsagawa ng mga gawain upang matamo mo ang mga nailistang kasanyan. Alam kong naitatak na sa isipan mo ang Pagsulat ng Liham at Resumé at kayang-kaya mo ng gumawa ng mga awtput na io. Ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod na modyul - Modyul 10: Pagsulat ng Agenda. ________13. Ito ay nagpapahayag ng pasasalamat sa naihandog na tulong, kasiya- siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, opinyon at tinatanggap na mga bagay. Anong uri ng Liham ang tinutukoy sa pahayag? A. Liham kahilingan B. Liham Pasasalamat C. Liham Pagsang-ayon D. Liham Pagtanggi ________14. Ang sinomang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang magpadala o maghanap ng liham. Anong uri ng Liham ang tinutukoy sa pahayag? A. Liham Pagsubaybay B. LihamPagbibitiw C. Liham Pag-uulat D. Liham kahiligan ng Mapapasukan ________15. Alin sa pahayag ang hindi kasali sa Tips ng paggawa ng Resum ? A. Ang resum ay nobela B. Maglagay ng maayos na litrato C. Puting bondpaper ang gagamitin D. Siguraduhin na nag layout ng iyong resum ay malinis at maayos 16
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 17 Susi sa Pagwawasto Aralin 1. Pagsulat ng Liham at Resum Simulan: Gawain A. 1.kompleks 2.Pormal 7.Malinaw na layunin 3.Obhektibo 8.Malinaw na Pananaw 4.Ekplesit 10.May Pokus 5.Wasto 11.Lohikal na organisasyon 6.Responsible Gawain B. Iba-iba ang sagot Galugarin: Gawain C. Iba-iba ang sagot Gawain D. Iba-iba ang sagot Palalimin: Gawain E. Iba-iba ang sagot Gawain F. Iba-iba ang sagot Sukatin: Panghuling Pagtataya 1.D 6. B 11. B 2.B 7.C 12. A 3.A 8.A 13. B 4 C 9.C 14. D 5 B 10.D 15.A
LU_FilipinoSaPilingLarang(Akademik)_Modyul9 Sanggunian A. Aklat Florante Garcia, Pintig Senior High School Filipino sa Piling Larang (Akademik), (Quezon City: SIBS Publishing House, Inc., 2017),71-74, 79-80 B. Elektroniko Elcomblus Contributor, Pagbasa sa Filipino sa Piling Laramg: Akademik "Pagsulat ng Iba't ibang Liham , February 22, 2020, https://elcomblus.com/ibat-ibang-uri-ng-liham/ Marijoy Bautista, Akademikong Sulatin sa Filipino sa Piling Larang, October 19,2018, https://www.slideshare.net/StemGeneroso/akademikong-sulatin-sa- filipino-sa-piling-larang Fiilipino Ppt (Liham Report) https://www.slideshare.net/beyoumerch/filipino- ppt-liham-report 18 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - SDO La Union Curriclum Implementation Division Learning Resource Management Section Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500 Telefax: 072 - 205 - 0046 Email Address: [email protected] [email protected]
Page1of 22