The Win Girls, co-hosts sa show ni Willie Revillame sa TV5

ana ramsey queenay mercado inday fatima win girls

Ipinakilala ng TV5 ang W Girls o The Win Girls ngayong Miyerkules ng hapon, Mayo 15, 2024.

Ang Win Girls ang bagong co-hosts ni Willie Revillame sa game show nitong malapit nang mapanood sa TV5.

Ang TikTok sensation na si Queenay Mercado, ang former beauty contestant na si Fatima Kate Bisan aka Inday Fatima, at ang dating It’s Showtime online host na si Ana Ramsey ang mga makakasama ni Willie sa kanyang game show.

Si Willie ang personal na pumili kina Queenay at Inday Fatima, samantalang highly recommended sa kanya si Ana, na pamangkin ng singer na si Jaya.

ANA RAMSEY

Nakilala si Ana sa tawag na “Trendy Driva.”

Noong nakaraang linggo, nagpaalam siya sa noontime show na naging bahagi ng kanyang buhay sa loob ng limang taon.

“Maraming salamat po sa mahigit limang taon ng kulitan at tawanan Madlang Onliners! Sana ay samahan at suportahan ninyo pa rin ako sa panibagong kabanata ng aking paglalakbay. Your Trendy Diva signing off,” pamamaalam ni Ana sa pamamagitan ng isang social media post.

Pero wala siyang pahiwatig o walang naghinalang umalis siya sa It’s Showtime para lumipat sa TV5 at maging isa sa mga co-host ni Willie.

Sumali si Inday Fatima sa Binibining Pilipinas 2022, pero hindi natupad ang pangarap niyang magkaroon ng korona.

Si Herlene Budol, na dating co-host ni Willie sa Wowowin ng GMA-, ang isa sa mga nakalaban ni Inday Fatima sa 58th Binibining Pilipinas.

Hindi man nanalo si Inday Fatima, sinusundan niya ang yapak ni Herlene bilang TV host at showbiz personality dahil isa siya sa mga ipinakilala bilang co-host ni Willie sa game show nitong inaasahang magkakaroon ng bagong pamagat.

QUEENAY MERCADO

Sikat naman sa TikTok si Queenay na milyun-milyon ang followers at kinagigiliwan dahil sa kanyang Batangueña accent.

Opisyal na ang pagiging Kapatid stars nina Ana, Queenay, at Inday Fatima dahil pumirma sila ng exclusive contract nitong Miyerkules ng umaga bago naganap ang pormal na pagpapakilala sa kanila bilang The Win Girls.

win girls contract signing

The Win Girls with TV5 executives Jane Basas (center) and John Andal (extreme right)