Sarah Lahbati and Richard Gutierrez relationship timeline | PEP.ph

Richard Gutierrez and Sarah Lahbati love story: A timeline

How did Richard and Sarah fall in love with each other?
by Mark Angelo Ching
Published Dec 8, 2023
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez
Amid reports that they have broken up, PEP.ph looks back on the love story of Sarah Lahbati and Richard Gutierrez who first became a couple in 2012. Seen above are photos from the couple's pre-nup shoot, civil wedding, and London vacation.
PHOTO/S: @patdy11 / @sarahlahbati Instagram

Matagal-tagal nang umuugong ang balitang isa ang relasyon nina Richard Gutierrez, 39, at Sarah Lahbati, 30, na biktima ng 2024: The Year of Showbiz Breakups.

Wala pang kumpirmasyon mula sa dalawang panig, ngunit may mga nagsasabing may lamat na ang relasyon nila.

Ano nga ba ang nangyari sa lagpas isang dekadang love story nina Richard at Sarah?

Read: PEP OUTTAKES: KathNiel, KimXi, Richard-Sarah rumored breakups


2010 TO 2012: MEETING AND GETTING CLOSER

Mahigit dalawang taon nang magkatrabaho noon sina Richard at Sarah ngunit naging close lamang sila nang nagkatambal sila sa isang teleserye.

Magkasama na sila sa Party Pilipinas mula pa noong March 2010. Ang Party Pilipinas ay ang dating Sunday noontime musical-variety show ng GMA-7.

Sa panahong ito ay isa na si Richard sa prized talents sa network, dahil sa success ng mga teleseryeng pinagbidahan nito, mula pa sa Mulawin (2004).

Si Sarah ay baguhan pa lamang sa showbiz noong 2010. Noong Pebrero ng parehong taon ay kapapanalo pa lang niya sa StarsSruck Season 5 bilang Ultimate Female Survivor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Two years later, naging magkatambal sila sa teleseryeng Makapiling Kang Muli. Sa serye, na nagsimulang umere noong June 2012, ipinakita ang ipinagbabawal na pagmamahalan nina Martin, played by Richard, at Graciela, played by Sarah.

Noong una ay kinabahan pa raw ang baguhang aktres na maipareha sa beterano nang lead actor.

"We’ve met na sa storycon and sa workshops. At first, nahihiya ako. But he talked to me, very friendly, so I’m comfortable with him now," kuwento ni Sarah sa isang panayam sa People’s Journal noong March 2012.

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

2012: CONFIRMING THE SECRET

Habang umeere ang Makapiling Kang Muli ay tuluy-tuloy ang mga alingasngas na nagkakamabutihan na ang co-stars. Hindi man sila agad umaamin ay marami silang iniiwang clues.

Sa panayam kay Sarah sa StarTalk noong August 2012, tahasan siyang tinanong kung sila na ba ni Richard. Hindi siya sumagot nang diretso.

"There’s a right time for us to ano, para sabihin yung kung anuman yun. Pero right now, I’m not confirming anything and I’m not denying anything,” sabi niya.

Pero binanggit niyang sweet sila sa isa’t isa. Na-meet na raw niya ang kani-kanilang pamilya.

Nang matapos naman ang kanilang teleserye noong September 2012 ay agad silang lumipad para sa isang romantic trip sa Switzerland at France. Sa Switzerland lumaki si Sarah.

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At noong October 2012 ay tinuldukan na ni Richard ang mga espekulasyon, at inamin ang totoo. Aniya, naging opisyal silang mag-on bago matapos ang Makapiling Kang Muli.

Kuwento ng aktor, naging masaya raw ang biyahe niya abroad dahil masaya kasama ang kanyang iniirog.

"I've never been to Geneva. I've never been to Switzerland—and isa yon sa parang dream ko na mapuntahan na lugar. At mas naging perfect pa ang travel ko dahil kasama ko si Sarah.

"Naging enjoy yung trip namin dahil happy kami na magkasama," saad niya sa panayam ng PEP.ph noong October 2012.

Ngunit paano nga ba nahulog si Richard?.

"I fell in love with her. And sometimes you can't explain that, di ba?” pahayag ni Richard sa isang panayam noong 2014 sa The Philippine Star.

Dagdag niya, “We just really get along. Kumbaga, click kaming dalawa. Kahit anong bagay napag-uusapan namin. We laugh at the same jokes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And Sarah's very passionate about life. She's very passionate about her craft as an artist. So, na-attract ako sa kanya. And tugma kaming dalawa."

Read: Richard Gutierrez finally admits real score with Sarah Lahbati

2013 TO 2014: PREGNANCY RUMORS

Noong January 2013 ay nagkaproblema ang career ni Sarah dahil nagkaisyu ang kanyang kontrata sa GMA-7.

Dahil dito, ipinahayag niyang uuwi muna siya sa Switzerland at iiwan ang showbiz career. Itutuloy na lang umano niya ang kanyang pag-aaral.

Ngunit marami ang hindi kumbinsido sa rasong binigay ni Sarah, at may bali-balitang buntis umano ang young actress kaya’t magtatago muna abroad.

Ipinahayag ni Richard na hindi niya nagustuhan ang mga sabi-sabi, ngunit hindi niya tahasang itinanggi ang usap-usapang buntis si Sarah.

"Marami ngang tsismis na umiikut-ikot ngayon and ayaw ko na siyang pansinin, at ayaw ko na palakihin ang mga ganyang isyu na di naman dapat pinag-uusapan,” saad ni Richard sa panayam ng PEP.ph noong January 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal-tagal din bago lumabas ang totoo.

Noong June 2014—o labinwalong buwan matapos lumabas ang tsismis—kinumpirma ng aktor na may anak na sila. Sinabi niya ito sa first episode ng reality show ng kanyang pamilya na It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

"A lot of people think that Sarah left the country because we are having a baby and she’s pregnant. I just want to set the record straight and tell everyone that I’m a proud father of baby Zion," pagbubunyag niya.

Sabi pa ni Richard, inilihim niya ang kondisyon ng girlfriend para sa privacy.

"We didn’t want to make Sarah’s pregnancy a tabloid circus. We get to share baby Zion to everyone with our own terms."

Pahayag naman ni Sarah noong June 2014 rin, hindi nila kailanman dinenay ang kanilang anak.

"I just want to make it clear to you that from DAY ONE, we took care of him, loved him, protected him and gave him everything, until now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"WE NEVER DENIED HIM. We just wanted to keep our privacy," saad ng female celebrity sa isang Facebook comment.

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Read: Richard Gutierrez finally admits: “Yes, I’m a proud father.”

2017: PROPOSAL.

Noon pang 2014 ay marami-rami na ang nagtatanong sa couple kung bakit hindi pa sila kasal kahit na mayroon na silang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang presscon noong September 2014, sinagot ni Richard ang mga tanong, at sinabing ayaw nilang magpakasal dahil lamang sa pressure mula sa publiko.

"We just want to take our sweet time and enjoy our time with baby Zion… This year has been smooth for us. We're enjoying every minute of it," saad niya.

Dagdag naman ni Sarah, "We're taking it one step at a time and we're trying to focus on Zion. He's growing up so fast so we're taking it one step at a time."

Tatlong taon pa ang lilipas bago ang engagement. Noong March 2017 ay nag-propose na si Richard habang nagbabakasyon sila sa Switzerland.

Natuwa si Sarah sa singsing na ibinigay ni Richard, na isang malaking halo diamond engagement ring.

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sarah Lahbati's diamond engagement ring is massive!

2017 TO 2018: SECOND CHILD

Matapos ang proposal ay may isa pang magandang balitang ibinahagi ang couple sa publiko. Ito ay ang pangalawang pagbubuntis ni Sarah, at in-announce nila ito noong September 2017.

"We are thrilled to announce that our little family is growing. Zion is about to be a kuya!!!!!" caption ni Sarah sa Instagram.

Nanganak si Sarah noong March 2018, with another baby boy. Pinangalan nila itong Kai.

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Richard Gutierrez proudly announces Sarah Lahbati's second pregnancy

2019: TYING THE KNOT

Noong October 2019 ay naging tampok ang dalawa sa isang episode ng ASAP sa ABS-CBN para ikuwento ang kanilang love story. At finally, nagbigay na sila ng date kung kailan ang magiging kasal: March 2020.

Matapos ang announcement sa ASAP ay nagkaroon ang dalawa ng presscon, kung saan nagbigay sila ng mas maraming detalye.

Ayon kay Sarah, napili nila ang nasabing buwan dahil importante ito sa kanila.

"We chose March because we got engaged in March. Kai was born in March… March is a very special month for us so we felt March would be right to get married."

Dagdag ni Richard, "Parang everything aligned. When we were checking the dates, when we were checking availabilities, everything, parang everything aligned for March. So we decided, 'Let's do it in March.'"

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

2020: CHANGE OF PLANS

Noong March 14, 2020 dapat magaganap ang kasal nina Richard at Sarah. Malaki ang pinlanong wedding event, dahil mangyayari ito sa isang five-star hotel at malalaking pangalan ang mga bisita, kasama na ang tatlo sa mga naging Pangulo ng Pilipinas.

Kaya lamang, inabutan ng pandemya ng COVID-19 ang kasalan. Matatandaang nag-anunsiyo si dating Pagulong Rodrigo Duterte ng pagbabawal sa mga mass gathering noong March 12, upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Sa mga post ng event stylist na si Gideon Hermosa, isinaad nitong binubuo na ang disenyo ng grand wedding bago pa man ma-announce ang COVID lockdown.

Na-install na umano ang mga chandelier sa isang events hall sa Shangri-La The Fort, at ginagawa na ang entrance tunnel.

Dahil sa panuntunan ng gobyerno, nagpasya ang couple na i-postpone na lang ang grand wedding.

Pero itinuloy pa rin ng dalawa ang pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Taguig City Satellite Office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Read: The story behind Sarah Lahbati and Richard Gutierrez's intimate wedding

2023: SEPARATION?

Naging tahimik ang relasyon nina Richard at Sarah hanggang lumabas ang mga usap-usapang hiwalay na ang dalawa ngayong taon.

Tikom ang bibig ng dalawa, ngunit maraming nakakapansin sa mga pagbabago.

Nariyang tinanggal umano ni Sarah ang mga larawan ng asawa sa kanyang Instagram page.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapansin-pansin ding binura ni Richard sa Instagram ang sweet birthday greeting niya para kay Sarah noon lamang October.

Read: Sarah Lahbati gets asked by netizens: "Why no pic with Richard Gutierrez?"

Noong November, may mga hiwalay na bakasyon sina Sarah at Richard kasamang kanilang mga anak.

Marami ring lumipas na mga espesyal na okasyon kunsaan inaasahang makita ang dalawa, pero hindi nasisilayang magkasama ang couple.

annabelle rama birthday

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Gutierrez family during Annabelle Rama's birthday celebration in October 2023.

Kataka-taka ito dahil panay naman ang post ni Sarah kasama ang mga anak o di kaya ang mga magulang, ganun din naman si Richard na may mga post sa social media kasama ang anak at kanyang mga magulang.

Isa pang clue, base sa ulat ng ABS-CBN News, ay ang pahayag ng ina ni Richard na si Annabelle Rama na isang buwan nang naninirahan sa bahay niya sa Quezon City ang aktor.

Read: Did Annabelle Rama just confirm Richard Gutierrez-Sarah Lahbati breakup?

Bakit hindi magkasama sina Sarah at Richard? Totoo nga ba ang hiwalayan? At ano kaya ang dahilan?

Katulad na lamang ng pagsikreto nila sa pagsisimula ng relasyon nila, at pagsikreto sa kanilang unang anak, marahil ay panahon lamang ang makapagsasabi kung kailan handa na silang isapubliko ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Amid reports that they have broken up, PEP.ph looks back on the love story of Sarah Lahbati and Richard Gutierrez who first became a couple in 2012. Seen above are photos from the couple's pre-nup shoot, civil wedding, and London vacation.
PHOTO/S: @patdy11 / @sarahlahbati Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

  • 50%