Cesar Montano, 60, earns master's degree | PEP.ph

Cesar Montano, 60, earns master's degree in public safety administration

Cesar Montano wants to be an inspiration to others.
by Jojo Gabinete
Published Jul 6, 2023
cesar montano graduation
At 60, actor Cesar Montano earns his master's degree in public safety administration from Philippine Public Safety College (National Police College).
PHOTO/S: Courtesy of Cesar Montano

Nag-graduate ng kursong Mass Communication si Cesar Montano sa Lyceum of the Philippines University noong April 2009, pero hindi siya huminto sa pag-aaral.

Ngayong Huwebes, July 6, 2023, muling nagtapos ng bagong kurso ang multi-awarded actor sa edad na 60.

Master in Public Safety Administration ang tinapos ni Cesar mula sa Philippine Public Safety College (National Police College). Tumanggap din siya ng Best in Policy Paper Award.

Read: Cesar Montano shares Sunday church bonding with his “4 Marias”

Scholar si Cesar sa Philippine Safety College, at isa siya sa 47 miyembro ng regular class ng RC 2023-2024 na tumanggap ng diploma.

Si Cesar ang nag-iisang showbiz personality sa kanilang klase na kinabibilangan ng mga opisyal ng pulis na may mga ranggong lieutenant colonel, jail officers (mula chief inspector hanggang senior superintendent), fire officers (fire superintendent to senior superintendents), coast guard commanders, doctorate degree holders, school administrators at principals, foreign service professionals, mga director at bureau chief ng mga government agencies, customs officers, environmental experts, at mga opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inumpisahan ni Cesar ang pag-aaral nang ipatupad ang lockdown sa Pilipinas dahil sa COVID-19, at ito ang kanyang pinagtuunan ng pansin habang matamlay pa noon ang takbo ng movie at television industry.

“Lockdown pa that time when we started our classes,” pahayag ni Cesar sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) tungkol sa kanyang desisyong muling mag-aral para maging kapakina-pakinabang at hindi maaksaya ang panahon niya noong matindi ang mga kaso ng COVID-19.

“I was a scholar too. I want to inspire people by showing them there’s no substitute for education.”

Isa na ngayong ganap na public safety expert si Cesar.

Ang bagong achievement ni Cesar ang patunay na walang pinipili na edad ang edukasyon at walang imposible sa mga taong masidhi ang ambisyong matupad ang kanilang mga pangarap para maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

At 60, actor Cesar Montano earns his master's degree in public safety administration from Philippine Public Safety College (National Police College).
PHOTO/S: Courtesy of Cesar Montano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

  • 50%