Sunshine Cruz focuses on health positivity keeps mum on love life | PEP.ph

Sunshine Cruz focuses on health, positivity; chooses to keep mum on love life

Sunshine admits going through mental health issues
by Rose Garcia
Published May 5, 2024
Sunshine Cruz
Sunshine Cruz on why she'd rather keep mum about her love life and other personal matters: "Para sa akin, tahimik na lang. Whatever I have or what I don’t have when it comes to my personal life—lovelife, especially—tahimik na lang. Mas maganda na meron ka ring kini-keep.”
PHOTO/S: Rose Garcia

May naging pakiusap ang aktres na si Sunshine Cruz sa kanyang mediacon para sa bagong ine-endorsong produkto sa Limbaga 77 Restaurant noong April 30: ang huwag na siyang tanungin pa tungkol sa kanyang personal na buhay, partikular na pagdating sa usapin ng love life.

Sunshine Cruz

(Sunshine Cruz exudes a healthy, positive glow during her press conference for Thiocell Glutathione Lozenges, her latest endorsement)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s something I owed to myself after my failed relationship.

“So, nakakahiya. Para sa akin, tahimik na lang. Whatever I have or what I don’t have when it comes to my personal life—lovelife, especially—tahimik na lang.

“Mas maganda na meron ka ring kini-keep,” ang may diin niyang pahayag.

Naiintriga si Sunshine sa isang mayamang personalidad. Pero dahil ayaw nga niyang magsalita pagdating sa kanyang love life, hindi namin ito madiretsong itanong sa kanya.

Ang sabi na lang namin, tingin niya, mas nagwu-work sa kanya ngayon ang ganito?

“Wala naman, e. Ano ba ang nagwu-work? Ano ba yun?” natawang sagot niya.

“Forty-seven na ako…. magpo-forty-seven na.

“Kahit naman before, I wanted to really keep it private. But unfortunately, naging very open. Wala rin namang napuntahang maganda.

“Hangga’t maaari, lumalaki na ang mga anak ko. Parang, ‘wag na lang. Para na lang yon sa sarili ko at sa pamilya ko.”

SUNSHINE CHOOSES TO FOCUS ON HER HEALTH

Sa ngayon, kung may gusto man daw siya pagdating sa personal niyang buhay, ito ay sa kanyang kalusugan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Gusto ko lang maging healthy. Humaba nang humaba ang buhay ko para makasama ko pa ng matagal ang aking mga anak, ang aking pamilya, ang aking mom. So iyon ang goal ko ngayon.

“Kaya nga ngayon, nag-gym membership ako. First time kong mag-gym membership kasi before, boxing. I just want to be healthy for my loved ones. Of course, ‘eto, Thiocell supplement that will help me na pahabain ang buhay at mag-age gracefully.”

Pero marami naman ang humahanga sa kanya.

Isa siya sa mga artistang parang hindi tumatanda. Napapanatili niya ang pagiging young looking at kaseksihan. Bilang isang single parent, nagawa niyang maitaguyod ang tatlong anak na mga dalaga na ngayon na maayos at matatalino.

“Ang sarap, blessed at grateful,” saad niya.

“Sabi ko nga, kung ano yung mga bagay na wala ako or kulang ako, bakit ako magpo-focus doon? Kapag tinitingnan ko ang mga anak ko, puro mga honor students, good girls. Ang mommy ko, nandiyan pa. She’s 75 but she’s very healthy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawang kuwento pa ni Sunshine, hindi raw sila sa iisang bahay ng mommy niya nakatira, pero parehong sa South ang mga bahay nila.

“Ang bahay ko nga, walang swimming pool, pero siya, may swimming pool. Kapag wala akong pera, doon pa ako umuutang. So, nakakatuwa lang. Kaya ako, ayokong mag-focus sa mga drama or mga issues na hindi naman makakatulong sa mental health ko.”

Dugtong pa niya, “Importante now na in my 40s, pinapangalagaan ko rin ang aking menal health. Siyempre, kapag nasa 40s ka na, nagkakaroon ng hormonal imbalance.

“Nagkakaroon tayo ng anxiety, so, yun ang focus ko, mental health. To be able to perform ng maayos, sa family ko rin.”

SUNSHINE ADMITS MENTAL HEALTH ISSUES

Inamin ni Sunshine na dumadaan nga raw siya ngayon sa ilang mental health issues.

“Dumadaan,” pag-amin niya.

“So, I stay away from negativity. I stay away from people that won’t be able to help me when it comes to mental health. So, kapag medyo negative ka or medyo drama ang dala mo, of course, hindi naman ako para awayin, but I distance myself from people that won’t help my mental health.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat normal na ang nagpapakonsulta pagdating sa mental health sa ngayon, hindi pa naman daw siya umaabot sa puntong kailangan niyang kumukonsulta na siya for professional help.

Ayon kay Sunshine, “Dina-divert ko muna sa workout. Like nung pandemic, dinivert ko sa crochet. Ida-divert mo lang to something that you love to do. Yun ang ginagawa ko ngayon, pero wala naman yung professional help.

“Kaya ko pa naman and I know na kakayanin ko.”

Sa tingin daw ni Sunshine, nagsimula ang mental health issue niya—depression, anxiety—noong pandemic. Kaya raw ang galing na niyang mag-crochet dahil do’n niya ito ibinaling.

Parang takot ba ang nararamdaman niya na nauwi na sa anxiety o depression?

“I don’t even know,” pag-amin niya.

“Ganoon talaga, e. But I think, it’s something to do with age. Age talaga—kapag nasa point ka na nangyayari ‘to at hindi mo naman gusto.”

Pinipili rin ni Sunshine ngayon ang mga proyektong tinatanggap. Kaya kumpara rati na halos sunod-sunod ang mga teleserye na ginagawa niya, ngayon ay may mga tinatanggihan muna siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa ngayon muna, I want to focus on endorsement, ads muna since I’m taking care of my mental health, like what I’ve said, may mga offers but it’s all lock-in. Hindi ko maa-afford na mag-lock-in.

“There’s one in Baguio that I had to decline. There’s one in Bacolod that I also had to decline.”

Mas naging malinaw tuloy ngayon kung bakit nga siya bilang nag-back-out sa Lovers/Liars na siya sana ang bidang babae. Nakapag-story conference na siya, pero pinalitan na lang siya ni Claudine Barretto.

At wala raw siyang pagsisisi na hindi siya natuloy.

“No regret, kasi mas importante sa akin ang mental health ko. Paano ako makaka-perform bilang magulang sa mga anak ko kung meron akong problema. So para sa akin, I think, mas importante na pangalagaan ko muna ang sarili ko.”

SUNSHINE’S NEW ENDORSEMENT FITS HER TO A T

Sa launching ni Sunshine bilang celebrity endorser ng Thiocell Glutathione Lonzenge, sinabi niya na isa ito sa nakakatulong kung bakit sa edad niya ngayon, maganda pa rin ang kanyang kutis at mukha pa rin siyang bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’ve been taking Thiocell Lonzenge for about three months and alam naman natin na kapag artista, expose sa sunshine.”

Inunahan na rin ni Sunshine kung may magtanong man sa kanya kung bakit kailangan pa niyang magpa-puti, e, natural na ang kaputian niya.

“Kasi, yun ang iniisip ng mga tao, ‘ay, gluta, magpapaputi yan.’ Yes, of course, isa iyan sa benefit ng glutathione, but for me, of course, bilang artista, kailangan may glow ang skin.

“And it also serves as anti-aging product. Siyempre, kapag artista tayo, exposed sa sun. Nagiging dull ang skin, nag-e-age ang skin.

“But with Thiocell, ever since nagte-take ako, ini-improve niya ang skin at naggu-glow. I think, nakita niyo iyon nang mag-launch ako sa Bench, I think, nando’n yung glow talaga.”

Sabi pa ni Sunshine, “Nakakatuwa lang to endorse a product that you really believe in.”

SUNSHINE SHARES ADVICE FOR HEALTH, POSITIVITY

Noong nakaraang Bench Fashion Week 2024, puro mga positibo ang mga komento sa naging pagrampa niya. May mga nagsasabi na ‘she’s giving younger women a run for their money.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam mo, tawang-tawa ako doon sa nag-post at nag-comment sa akin na, ‘bakit ka ganyan samantalang kami nabubulok?’ Nakakaloka iyon. Natawa 'ko roon.

“Actually, kami ni Ina [Raymundo] iyon. For me, it’s flattering. It’s really flattering but it’s also hard work.

“Kasi yung iba, iniisip nila, nagpa-surgery. Ang daming nagpapa-surgery, pero hindi nakukuha iyon. Para lang sa kaalaman ninyong lahat, it’s really hard work.

“We work out. Si Ina, I think everyday siyang nagwu-work out. Eat healthy and we sleep. Yun talaga ang importante. So, nakaka-flatter.

“Pero ang maa-advice ko sa mga tao, let’s just stay healthy. Love yourself. Hindi retoke lang ang pagmamahal sa sarili or hindi retoke lang para gumanda ang isang tao.

“Work out, kumain kayo nang healthy, matulog at bawasan niyo ang alcohol sa inyong sistema at mga bisyo niyo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Sunshine Cruz on why she'd rather keep mum about her love life and other personal matters: "Para sa akin, tahimik na lang. Whatever I have or what I don’t have when it comes to my personal life—lovelife, especially—tahimik na lang. Mas maganda na meron ka ring kini-keep.”
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

  • 50%