Halimbawa Ng Simile

Ang simile o pagtutulad ay isang payak at lantarang paghahambing ng dalawang bagay na hindi magkatulad.

Mga Halimbawa ng Simile

Ikaw ay tulad ng buwan.
You are like the moon.

Ang puso mo ay gaya ng mamon.
Your heart is like a sponge cake.

Ang mga mata mo ay tila bituin sa langit.
Your eyes are like stars in the sky.

Parang luntiang kristal ang tubig sa dagat.
The ocean water is like green crystal.

Ang paghihintay sa paghinog ng prutas ay gaya ng pagbubuntis.
Waiting for fruit to ripen is like being pregnant.

Ang pag-ibig mo ay parang tubig − walang lasa.
Your love is like water − flavorless.

Ang mga pangako mo ay parang hangin.
Your promises are like air.

Sa ilalim ng mga dayuhan, ang Pilipinas ay naging parang kalabaw.
Under foreigners, the Philippines became like a carabao.

Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.
The flag in the wind is like a large bird with wings spread out.

Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.
The cloud is akin to a person’s face.

Ang simile o pagtutulad ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa.

One thought on “Halimbawa Ng Simile”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *