• Monday - Friday after Linlang
  • Monday - Friday after Linlang
 Andrea may panibagong pasabog sa High Street

Nagbabalik ang mga bida ng “Senior High” para sa season two ng serye nilang “High Street”!

Mapapanood na ang “High Street” tampok ang mas kapanapanabik na kwento kasama ang iba pang mga bagong karakter simula Mayo 13 (Lunes) ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pagkatapos ng magulong high school life, iikot na ang kwento limang taon makalipas ang Northford High graduation kung saan sasabak na sina Sky (Andrea Brillantes) at ang kanyang mga kaibigan sa real world bilang mga adult.

High Street cast

Kaabang-abang din ang “High Street” dahil bukod sa mga nagbabalik na karakter, kabilang na rin sa serye sina Dimples Romana, Romnick Sarmenta, Harvey Bautista, AC Bonifacio, at Ralph De Leon.

Magsisimula ang kwento sa reunion ng Northford High students kung saan may kanya-kanya na silang mga buhay at abala na ngayon sa kanilang mga trabaho.

Sa kabila ng kanilang tila mapayapang pamumuhay, mayayanig muli ang kanilang mundo nang makidnap si Z (Daniela Stranner) ng isang ‘di kilalang grupo. Dahil dito, maglalabasan ang mga masalimuot na sikreto ng mga tao at magiging tanging misyon nina Sky at ng kanyang mga kaibigan, kabilang na rin ang nanay ni Sky na si Tanya (Angel Aquino), ang malutas ang pagdukot kay Z. 

Sino ang nasa likod ng pagdukot kay Z? Ano-ano pa ang mga rebelasyon ang gugulantang kina Sky?

Ang “High Street” ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Lino Cayetano. Kabilang din sa serye sina Juan Karlos, Elijah Canlas, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Miggy Jimenez, Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Mon Confiado, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, at Rans Rifol. 

 

 

Huwag palampasin ang premiere ng “High Street” ngayong Mayo 13 (Lunes) ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “High Street.” Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.