SIMILE

Ang simile ay pagtutulad o pagpapatulad. Ito ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa.

A simile is a figure of speech involving the comparison of one thing with another thing of a different kind, used to make a description more emphatic or vivid.

Ang pagbigkas ng salitang “simile” sa Ingles ay simili.

Mga Halimbawa ng Simile

parang yelo sa puti
like ice in whiteness

matapang tulad ng leon
brave like a lion

Ikaw ay tulad ng bituin.
You are like a star.

Ang puso mo ay gaya ng bato.
Your heart is like a stone.

Ang mga pangako mo ay parang hangin.
Your promises are like air.

Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.
The cloud is akin to a person’s face.


Panisinin na gumamit ang simile ng mga salitang tulad ng sumumusunod: gaya, parang, kawangis, tulad

Iyan ang pagkakaiba ng simile sa metapora. Ang metapora ay hindi gumagamit ng ganyang mga salita.

Simile: Ang iyong mata ay kawangis ng perlas.
Metapora: Ang iyong mga mata mo ay perlas.

Simile: Ikaw ay tulad ng hanging bumubuhay sa akin.
Metapora: Ikaw ang hanging bumubuhay sa akin.

Simile: Sa tulin ng kanyang lakad, wari’y ibong lumilipad.

3 thoughts on “SIMILE”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *