Coco bumili ng beachfront property sa Pola - Mayor Ina - Journalnews
Ina

Coco bumili ng beachfront property sa Pola — Mayor Ina

May 12, 2024 Ian F. Fariñas 3 views

PROUD si Ina Alegre, dating aktres na ngayo’y mayor na ng Pola, Oriental Mindoro sa unti-unting pagiging shooting capital ng probinsya ng nasasakupan niyang munisipalidad.

Sa isang pocket interview, sinabi ni Mayor Ina na ilang pelikula na rin ang kinunan sa Pola at ang pinakahuli nga ay ang Pula nina Coco Martin at Julia Montes sa Netflix.

At dahil sa Pola kinunan ang pelikula na dinirek ng batikang si Direk Brillante Mendoza, pumayag si Mayor Ina na magkaroon ng partisipasyon bilang isang imbestigador.

Ayon sa kanya, mas madali ang pagbalik niya sa pag-arte kapag sa Pola kinunan ang proyekto. Para sa kanya kasi, prayoridad na ngayon bilang public servant ang welfare ng constituents niya.

Kwento pa ng mayora, may ilan pang proyekto, kabilang na ang isang pelikula at isang serye, na nakatakdang kunan sa lugar nila.

Maging ang magkapatid na Roselle at Dondon Monteverde umano ay dumalaw na roon para mag-ocular ng posibleng location.

Aniya, first time nina Roselle at Dondon na mag-shoot doon, pero kung tutuusin taga-roon ang mga ito.

“Meron silang mga lupain sa Pola. Isa na yata sila sa may pinakamalaking lupain sa Pola. Nasa may 50 hectares ‘ata ang kanila doon. Yes, kay Mother (Lily). ‘Di ba magagalit si Mother sa akin?

Hahaha!”

Ilang araw ding nanguna sa Netflix ang Pula kaya naman tuwang-tuwa si Mayor Ina na worldwide nakita ang kagandahan ng lugar nila.

“Nakakataba ng puso na worldwide nakikilala ang Pola,” diin niya.

Kung may maipagmamalaki raw ang lugar nila, ito ay ang kasaganaan nila sa lawa, dagat, ilog, ang lgbtqa+-themed bridge, old houses at mangrove areas.

Mukhang maging si Coco nga ay nabighani ng Pola dahil kwento ni Mayor Ina, meron na rin itong biniling beachfront property doon.

Wala pa umanong bahay na nakatayo pero pinalagyan na ito ni Coco ng perimeter fence.

“Si Coco sobrang bait niya tapos very professional siya, eh. Inaaral talaga ang mga role niya. Ako kasi, parang nagjo-joke lang ako. Tapos nu’ng nakita ko siyang umarte, ‘ay, seryoso na pala ‘to.’

Ganun. Madadala ka talaga sa kanya,” papuri ni Mayor Ina sa Pula co-star.

AUTHOR PROFILE