Babala ni Sarah Lahbati: Do not return to anyone who hurt you!

Babala ni Sarah Lahbati: Do not return to anyone who hurt you!

Ervin Santiago - May 19, 2024 - 01:33 PM

Babala ni Sarah Lahbati: Do not return to anyone who hurt you!

Sarah Lahbati

MALALIM na naman ang hugot ng aktres na si Sarah Lahbati na may konek sa mga taong sinaktan ng kanilang mga dating karelasyon.

Feeling ng mga netizens, bahagi pa rin ito ng proseso ni Sarah mula sa pagmu-move on sa breakup nila ng kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez.

Wala namang binanggit ang aktres at celebrity mom kung para kanino ang ipinost niyang artcard sa kanyang Instagram Story tungkol sa “strained relationship.”

Kalakip ang picture ng isang bulaklak, mababasa rito ang text caption na, “To anyone who needs this reminder: Don’t go back. Not tomorrow, not next month, not in a year, not ever.”

Baka Bet Mo: Alden umaming may pinagdaraanan sa personal life; cryptic post sa Instagram walang konek sa ‘Eat Bulaga’

Sinundan pa ito ng makahulugang mensahe na, “Do not return to anyone who hurt you and made you have to heal from their mistreatment. They will only repeat the cycle again and again.

“Stay strong. Better days are coming.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati)


Wala mang na-mention na pangalan si Sarah, naniniwala ang mga netizens na may kinalaman pa rin ito sa paghihiwalay nila ni Richard.

Baka Bet Mo: Christian may 2 pangmalakasang katangian na gustung-gusto ni Julie Anne; nag-collab sa ‘Everybody Hurts’

Sa isang panayam kay Sarah kinumpirma nga niyang single na single uli siya ngayon after ng breakup nila ni Richard.

“Yeah, I mean, there’s nothing to hide. I think it’s pretty clear to the public that both of us are (single), I think.

“Life is short, we can’t be serious all the time, we have to take things lightly, enjoy life, count our blessings. Wala akong time ma-offend,” aniya pa tungkol sa mga namba-bash sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon naman ay tikom pa rin ang bibig ni Richard about the breakup. Tanging si Sarah pa lamang ang nagsasalita sa isyu ng kanilang hiwalayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending