FILDIS YUNIT 4 (pdf) - CliffsNotes

FILDIS YUNIT 4

.pdf
School
Batangas State University **We aren't endorsed by this school
Course
FILI 101
Subject
English
Date
May 10, 2024
Pages
19
Uploaded by JusticeHyenaMaster1155
This is a preview
Want to read all 19 pages? Go Premium today.
Already Premium? Sign in here
Sinasabing ang gawaing pananaliksik ay isinilang ng magsimulang magtanong ang mga sinaunang tao hinggil sa mga bagay bagay na pilit din nilang hinahanapan ng mga kasagutan. Ngunit sinasabi na ang gawaing pananaliksik ay nagsimula pa kay Galileo Galilie noong 1500 ( https://www.slideserve.com/royal/pananaliksik ). Bunga ng paglago ng ekonomiya, pag-unlad ng teknolohiya at mga pagbabago sa mga patakaran sa larangan ng edukasyon, umusbong ang mga suliraning kaakibat nito. Ang pananaliksik bilang kasangkapang pang-intelektwal, ay malaki ang papel na ginagampanan para sa pagtuklas ng mga makabagong kaalaman, mga datos, at mga katotohanan para sa ikauunlad ng pamayanan, pulitika, kalakalan, edukasyon at siyensya upang matamo ang inaasam na pagbabago. Nilalayon nito na maghanap ng mga solusyon sa mga suliraning kinakaharap sa ibat'ibang larangan ng sa gayon ay mapabuti ang buhay ng tao at ng pamayanan. Sabi nga nina Good at Scates (1972), " The purpose of research is to serve man, and the goal of research is to the good life." Ang gawaing pananaliksik ay nakapagpapayaman ng kaisipan at nakapagdaragdag ng kaalaman. Nangangailangan ito ng ibayong pagbabasa at malalim na pag-unawa sa mga konsepto at pag-aaral. Hinuhubog nito ang kamalayan ng isang mananaliksik tungo sa isang mahusay na paglalapat ng interpretasyon. Pinalalawak din ng pananaliksik ang karanasan ng isang manunulat sa pamamagitan ng pagsinop ng mahahalagang datos at paghahanap ng mga kaugnay na literatura. Dahil sa pananaliksik, tumataas ang respeto ng mananaliksik sa kanyang sarili lalo na at kung naging matagumpay ang kinalabasan ng kanyang pag-aaral. 1. Naipaliliwanag ang mga batayang konsepto ng pananaliksisk 2. Nakabubuo ng makabuluhang paksa ng pampananaliksik at naibibigay ang kaligiran nito 3. Natutukoy ang kahalagahan ng pananaliksik sa edukasyon, pamahalaan, siyensya, pamilya at lipunan 39
Basahin at unawain ang abstrak ng isang pananaliksik. Tukuyin ang layunin ng isinagawang pag-aaral batay sa abstrak. Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik Gisella Mari A Averion, Florentino L. Elic, Fernando A. Garcia Ang pananaliksik na ito ay nauukol sa mga karanasang pinadadaanan ng isang batang ina. Gumamit ang mananaliksik ng quantitative method at random convinient sampling kung saan base sa "convinience" ang ginawang pagpili ng mga respondante. Tatlumpu't lima (35) na mga batang ina na may edad na 12 hanggang 18 ang respondante ng pag-aaral. Ang pananaliksik ay naglalayong matukoy ang edad kung saan maraming batang ina ang nabubuntis. Nilalayon din ng pananaliksik na malaman at mabatid ang mga pinagdadaanan ng mga batang ina sa aspetong emosyonal, mental, ispiritwal, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ninanais din na ilahad ng pag-aaral kung anong mga edad may pinakamaraming nabubuntis na kabataan. Sa ganitong aspeto ay makapagbabalangkas ang mga mananaliksik ng mga rekomendasyon para matulungan ang mga kabataang maagang nagiging isang ina. Batay sa resulta ng pag-aaral maraming batang ina ay nabuntis sa edad na 17-18. Nabatid din ng pag-aaral na batay sa emosyonal na salik, ay ang pag-aalala nila sa kanilang mga anak kapag ito ay may sakit. Nasasaktan sila at nakakaramdam ng pagkataranta kapag nakikitang umiiyak ang anak at nasisigawan nila ang kanilang mga anak kapag sila ay nagagalit samantalang sa mental na salik naman ay ang pangamba, agam agam at pagdududa kung kaya ba nila maging isang ina. Sa ispiritwal na salik ay ang hindi nila nararanasan ang magsimba isang beses sa isang linggo. Sa pinansyal na salik naman ay ng kakulangan sa mga pangangailangan na humahantong sa pangungutang sa kapitbahay at sa sosyal na salik ay ang hindi na nila nararanasan ang makisali sa mga proyektong panlipunan at makadalo sa mga party o kasayahan. Inirekomenda ng mananaliksik na kailangan ng mga magulang na ang malawak na pang-unawa sa mga nararanasan ng batang ina. Dagdag pa dito, inirekomenda rin nila na sa mga kabataan na kailangan muna nilang makinig sa mga payo at pangaral ng mga magulang parang hindi humantong sa pagiging batang ina. LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Vol. 2. No. 2 (2015). 40
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK Inilahad ni Bansuelo, (n.d.) sa kanyang artikulo ang iba't ibang kahulugan ng pananliksik ayon sa pakahulugan ng mga eksperto. Ayon kay Clarke at Clarke (2005), ang pananaliksik ay isang maingat, masistematiko at obhetibong imbestigasyon na isinasagawa upang makakuha ng mga balidong katotohanan, makabuo ng konklusyon at makalikha ng mga simulaing kaugnay ng inilahad na suliranin batay sa iba't ibang larangan o disiplina. Ayon naman kay Nuncio, et al. (2013), ang pananaliksik ay isang lohikal na proseso ng paghahanap na obhetibong sagot sa mga katanungan ng mananaliksik na nakabatay sa suliranin at metodo ng pag-aaral tungo sa produksiyon ng maraming kaalaman at kasanayan upang makatugon sa pangangailangan ng tao at ng lipunan. Ayon naman kay Aquino (1994), ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap sa mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Ang pagkalap ng impormasyon sa pananaliksik ay kailangang sistematiko, matalino at etikal. Sistematiko dahil isa sa kahingian nito ay ang pagsunod sa isang pinaghandaang proseso. May mga hakbang na kailangan sundin upang maging tiyak na tama at maasahan ang mga datos na makakalap. Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging iskolar ng mananaliksik. Nararapat lamang na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa paksang kanyang pag-aaralan, my sapat syang kaalaman kung paano pipiliin ang impormasyon, kaya ng lapatan ng ang mga ito ng malalim na pagsusuri at kaya niyang pangatwiranan at ipaliwanag ang halaga ng ginagawang pananaliksik. Etikal namn ito dahil kailangang panatilihin ng mananaliksik ang katapatan sa buong proseso at iwasan hangga't maari ang paglabag sa karapatan ng ibang tao na maaring masangkot sa pananaliksik gaya ng repondante, o mga awtor ng sangguniang gagamitin niya. Samakatuwid, ayon sa kahulugan na ibinigay ng mga eksperto, ang pananaliksik ay isang siyentipiko at obhetibong pag-aanalisa ng mga datos gamit ang pinaka epektibong metodo at teorya upang makabuo ng mabisang paglalahat hinggil sa suliranin ng pananaliksik. Layunin ng Pananaliksik Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao (Bernales, et al.,2018). 1. Upang makadiskubre ng bagong kaalamn hinggil sa mga batid nang penomena 2. Upang makakita ng sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na merodo at impormasyon. 41
Why is this page out of focus?
Because this is a premium document. Subscribe to unlock this document and more.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng bagong instrumento o produkto. 4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substance o elements. 5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang substances at elements . 6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya, sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. 7. Ma- satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik. 8. Mapalawa o ma- verify ang mga umiiral na kaalaman. 9. Upang mapaunlad ang sariling kaalaman. 10. Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na bagay. Sa paaralan, karaniwang rekwarment ang pananaliksik sa mga mag-aaral. Ito ay isang akademikong pangangailangan sa kahit na anong larangan o disiplina. Ang dahilan nito ay ang katotohanang walang larangan o disiplina na hindi maaring umaagapay sa patuloy na pagbabago ng panahon. Kaakibat na ng modernisasyon ang pananaliksik upang makasabay ang tao sa agos ng buhay at sa mga pagbabago sa paligid at sa lipunan sa ano pa mang larangan. Ang paggawa ng pananaliksik sa akademya ay isang paghahanda hindi lamang sa kanilang propesyon, kundi isa itong pagsasanay sa siyentipikong pagdulog sa paglutas ng mga suliranin sa iba't ibang larangan upang mapabuti ang buhay at kinabukasan ng mamamayan at matamo ang pagbabagong inaasam. Katangian ng Pananaliksik Ayon kay Bernales, et al. (2018), ang pananaliksik ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: 1. Sistematik. May sinusunod na proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon ng pananaliksik. 2. Kontrolado. Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang maging konstant. Hindi dapat baguhin, anomang pagbabagong nagaganap sa asignatura o pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol na kailangang-kailangan sa mga eksperimental na pananaliksik. 3. Empirikal . Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraan ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. 42
Mga Kasanayan sa Pananaliksik May iba't ibang yugto at proseso ang pananaliksik. Mahalagang matamo ng mananaliksik ang mga kognitibong kakayahan sa larangan ng pagbasa at pagsulat. Dapat ang isang mananliksik ay bihasa sa gawaing pananaliksik upang maging matagumpay sa gawaing ito. Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik Isang makabuluhang gawain ang pananaliksik lalo na kung naisaalang-alang sa pagsasagawa nito ang mga pangangailangan ng lipunan. Sa kasalukuyan, kahit malayo na ang narating ng Pilipinas, patuloy pa rin na umaasa ang mga Pilipino sa banyagang kaalaman. Kahit ngayon sa panahon ng pandemya, maraming mga sikat na unibersidad ang nagsasaliksik para para sa kasalukuyang suliranin na kinakaharap ng mundo, ngunit patuloy hanggang sa kasalukuyan na umaasa ang mga awtoridad sa mga ginagawang pag-aaral sa ibang bansa sa halip na bigyang pansin ang mga pag-aaral na ginawa ng mga iskolar dito sa Pilipinas. Nanatili pa ring hamon para sa mga Pilipinong iskolar at mananaliksik na paunlarin ang maka-Pilipinong pananaliksik na may kaibahan sa tradisyunal na pananaliksik ng mga bansa sa kanluran. Inisa-isa ni Sicat-De Laza (2016) sa aklat nina San Juan, et al. (2019) ang mga katangian ng maka-Pilipinong pananaliksik. 1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas at tumatalakay sa mga paksang malapit sa puso at isipan ng mga mamamayan. 2. Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-Pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanang Pilipino. 3. Komunidad ang laboratoryo ng maka-Pilipinong pananaliksik. Sa pamimili ng paksa, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod na mga batayan (San Juan, et al., 2019). 1. Pumili ng paksang may sapat na sangguniang pagbabatayan. Nararapat na ang paksang napili ay may sapat na literaturang pagbabatayan ng sa ganun maging malawak ang mapagkukunan ng impormasyon batay sa paksa. Kapag bago ang paksa, karaniwan na limitado ang mga batayan at hindi magiging mabisa ang pagtalakay dito. Makatutulong din na ang paksang napili ay hango sa mga paksang inilimbag na sa mga journal o iba pang babasahin upang magkaroon ng sapat na basehan sa gagawing pagtalakay sa paksang napili. 2. Pumili ng paksang limitado lamang at hindi malawak ang saklaw. Para maging mabisa at makatotohanan ang gagawing pagtalakay, gawing ispisipiko lamang ang paksa. Kapag limitado ang paksa, nagkakaroon ng tiyak na pokus ang gagawing pananaliksik. Ang isang malawak na paksa ay pwedeng limitahan ng sa gayon ay hindi masyado malawak ang gagawing pag-aaral. Halimbawa: 43
Paksa : Asignaturang Filipino Paglimita sa paksa Nilimitahang Paksa: Persepsyon ng mga Guro at Mag-aaral sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino Maaaring gamitin bilang batayan ang mga sumusunod sa paglilimita ng paksa. Paksa: Pangkat -Lugar -Panahon Nilimitahang paksa: Persepsyon ng Mga Guro at Mag-aaral sa Pambansang Pamantasan ng Batangas sa Planong Pagtanggal sa Filipino Bilang Disiplina sa Kolehiyo T. P. 2019-2020 Sa kabuuan ng pagtalakay sa paksa, malilimitahan pa ito kung pipili lamang ng isang Programa sa Kolehiyo, halimbawa Batsilyer sa Edukasyon, kung saan isasagawa ang pananaliksik. Batay kay Bernales, et al., (2018), may mga batayan ng paglilimita ng paksa. Tulad ng (a) panahon; (b) edad; (c) kasarian; (d) perspektibo; (e) lugar; (f) propesyon o grupong kinabibilangan; (g) anyo o uri: (h) partikular na halimbawa o kaso; (i) kombinasyon ng ng mga nabanggit na batayan. Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitahang Paksa A. Panahon Sistema ng Edukasyon Makabagong Sistema ng Edukasyon na Inilatag ng DepEd sa Pampublikong Paaralan sa Taong panuruan 2020-2021 B. Edad Pagkalulong sa Ipinagbabawal na Gamot Sanhi ng Pagkalulong sa Ipinagbabawal na Gamot ng mga Kabataan Edad 12-19 C. Kasarian Babasahing Kinahihiligan Mga Babasahing Kinahihiligan ng mga Kabataang Babae at Lalaki Edad 15-18 D. Perspektibo Pagkalulong ng mga Kabataan sa Paglalaro ng Mobile Legends Cyber Bullying sa Mga Kabataan Epekto ng Pagkalulong sa Paglalaro ng Mobile Legends s a Pag-uugali at Atityud ng mga Kabataan Karanasan at Saloobin ng mga Kabataang Nakaranas ng 44
Why is this page out of focus?
Because this is a premium document. Subscribe to unlock this document and more.
Cyber Bullying E. Lugar Ekonomiya ng Maynila Epekto sa Ekonomiya ng Maynila ng Balik-Probinsya Program ng Gobyerno F. Propesyon o Grupong Kinabibilangan Pag-aaral ng Wika Pag-aaral ng Wika ng mga Taal na Taga Lipa Batangas G. Anyo o Uri Parusang Kamatayan Persepsyon ng Mga Guro, Pari at Ordinaryong Mamamayan ng Lungsod ng Batangas sa Napipintong Pagbabalik ng Parusang Kamatayan sa mga Nakagawa ng Heinous Crimes H. Partikular na Halimbawa o Kaso Epektong Pangkabuhayan Epekto sa Kabuhayan ng mga Batangueno: Kaso ng Pagpapatayo ng Coal Fired Power Plants sa Barangay Pinamucan Lungsod ng Batangas 3. Mahalaga na ang napiling paksa ay makapag-aambag ng bagong kaalaman. Hindi na mahalaga kung bago o luma ang paksa. Tungkulin ng mananaliksik na bigyan ng makabagong dimensyon ang paksa upang ang ang ginawang pagsusuri, konklusyon at rekomendasyon at batay sa bagong nakalap na datos. Sa ganitong paraan, hindi magiging duplikasyon ang isinagawang pananaliksik. 4. Gagamit ng sistematikong at siyentipikong paraan upang mabigyan ng kasagutan ang mga inilahad na suliranin sa pananaliksik. Tiyakin na ang mga suliraning inilahad sa pananaliksik ay hindi lamang masasagot ng mga impormasyong makukuha sa internet o sa mga aklat. Ito ay mga pangkalahatang impormasyon na hindi na nangangailangan ng siyentipikong pamamaraan. Sa pananaliksik, masasagot ang mga inilahad na suliranin sa pamamagitan ng sistematiko at siyentipikong pamamaraan. Halimbawa: Ano anong pag-aaral ang isinagawa ng Unibersidad ng Pilipinas para matulungan ang pamahalaan na labanan ang Covid-19? Ang ganitong katanungan ay hindi na nangangailangan ng siyentipikong paraan ng pananaliksik sapagkat ang kasagutan ay pangkalahatan at pwede ng makuha sa internet , pahayagan at iba pang uri ng babasahin. Ngunit kung susubuking hanapan ng kasagutan ang tanong na, "Paano nakaapekto sa kalusugan, emosyon at pananampalataya ang 45
pinagdadaanang kasalukuyang pandemya, Covid-19 virus sa mga kabataan na may edad na 15-21? Ang ganitong katanungan ay nangangailangan ng masusi at masistematikong pagpapapahalaga sa mga makakalap na datos. 5. Nararapat na ang mananaliksik ay may sapat na kaalaman sa paksa. Mahalaga na ang mapipiling paksa ng pananaliksik ay naayon sa disiplina ng mag-aaral ng sa gayon ay may sapat siyang kaalaman sa napili niyang paksa. Hindi magiging madali ang gagawing pagtalakay kung salat sa kaalaman at malayo sa interes ng mananaliksik ang paksang pag-aaralan. Pagpili ng Batis ng Impormasyon Ang isang mahusay na pananaliksik ay nakabatay sa bisa ng mga nakahanay na datos at impormasyon. Mahalaga ang wastong pagpili ng mga pagkukunan ng mga datos at impormasyon na ito upang maging makabuluhan ang gagawing pananaliksik. May mga gabay sa tamang pagpili ng sanggunian sa pananaliksik batay sa aklat nina San Juan, et al. (2019) 1. Tiyakin na ang sanggunian ay isang akademiko. Mas mabigat na salalayan ang isang akademikong sanggunian sapagkat naglalayon itong magbigay linaw sa iba't ibang miyembro ng akademikong komunidad tulad ng mga mag-aaral, guro at mga iskolar hinggil sa paksa. Obhetibo ang pagtalakay sa paksa at dumaan sa masusing ebalwasyon kaya ito ay mapagkakatiwalaan. 2. Tukuyin ang uri ng sanggunian. Ang akademikong sanggunian ay pwedeng nakalimbag o online. Halimbawa nito ay aklat, journal , artikulo. May iba't ibang uri ng website na pwedeng hanguan ng impormasyon. Kapag ang web page Uniform Resource Locators ay nagtatapos sa .edu ito ay nabibilang sa institusyong pang-edukasyon o akademiko. Halimbawa: academia.edu. Maituturing naman na ang hanguan ay isang organisayon kung ito ay nagtatapos sa .org. Halimbawa: digital compas.org. Ang URL na nagtatapos sa .com ay nabibilang sa komersiyo o bisnes. Halimbawa: gmail.com. 3. Alamin kung ang sanggunian ay primarya o sekundarya. Maituturing na primarya ang sanggunian kung ito ay nagbibigay ng direktang katibayan tungkol sa paksa ng pananaliksik at maituturing na orihinal na ebidensiya. Ang ilang mga halimbawa nito ay panayam, awtobiyograpiya, talaarawan, bahagi ng akademikong sulatin, kinalabasan ng isang eksperimento at mga legal at historikal na dokumento, survey, at police report . Ang mga halimbawa naman ng sekundaryang sanggunian ay aklat na nagtasa at naglahad ng mga sintesis mula sa primaryang sanggunian at artikulo sa journal. Magagamit din ang mga sekundaryang sanggunian upang mapalawak at mapayaman ang isang pananaliksik. 46
Pagbasa at Pagsulat ng Paraphrase, Abstrak at Rebyu Isang mahalagang kasanayan sa pananaliksik ang mabisa at masusing pagbasa. May mga kasanayan sa pagbasa na dapat taglayin ng isang mahusay na mananaliksik tulad ng pagsulat ng paraphrase , abstrak at rebyu. Paraphrase Ang paraphrase ay tumutukoy sa pagsasalin ng ideya ng orihinal na teksto sa mabisa at malinaw na pananalita na hindi nababago ang tunay na kahulugan. Ang paraphrasing ay nakatutulong upang mas mapabilis ang pagbibigay kahulugan sa binasang teksto. Sa pagsulat ng paraphrase inilalagay ang pinagkunan ng orihinal na teksto (APA Style, n.d.) Basahin ang halimbawa ng paraphrase sa ibaba. Ayon sa dating Pangulong Benigno Aquino sa kanyang talumpati sa Pambansang Kongreso ng Wika noong ika-19 ng Agosto 2013, naniniwala sya na may naitutulong ang pamahalaan kahit sa maliit na paraan sa pagpapayabong at pagtangkilik sa wikang Filipino. Ayon pa sa kanya, tungkulin niya bilang pangulo ng Pilipinas na ibalik ang tiwala ng mga Pilipino sa mga institusyon ng pamahalaan sapagkat sila ang tinig ng sambayanan. Ito ay mangyayari lamang kung makikita ng mga mamamayan na ang pamahalaan ay kumikilos para sa kanila sapagkat ang pamahalaan ay nagmula sa kanila at at para sa kanila. Binanggit din ni Aquino na bago pa sya nahalal ay sinabi na niya na isusulat sa wikang Filipino ang kanyang mga talumpati, hindi bilang propaganda kundi bilang tinig ng sambayanang Pilipino sapagkat ito ang wikang komportable nilang gamitin at higit na nauunawaan. Ang paraphrase na ito na mula sa bahagi ng talumpati ni dating Pangulong Benigno Aquino sa Pambansang Kongreso ng Wika noong ika-19 ng Agosto 2013. Buksan ang link sa ibaba para sa kompletong kopya ng talumpati ng pangulo: ( https://www.officialgazette.gov.ph/2013/08/19/talumpati-ni-pangulong-aquino-sa-pambansang- kongreso-sa-wika-ika-19-ng-agosto-2013/ ). "Kahit sa munting paraan ay kumpiyansa ako sa naiaambag ang ating administrasyon s a pagpapayabong at pagtangkilik sa wikang pmabansa. Bilang Pangulo, tungkulin kong ibalik ang tiwala at kumpiyansa ng mga Pilipino sa mga institusyong pampamahalaan. Samakatuwid, tinig nila tayo. Mangyayari ito kung naiintindihan at nakikita nilang hinihimok natin silang makilahok sa paghubog ng pamahalaang tunay na mula sa kanila, at kumikilos para sa kanila. Kaya namn bago pa ako mahalal, napagpasyahan kong gamitin ang Filipino sa aking mga talumpati-hindi bilang gimik o propaganda- kundi dahil ito ang tunay na tinig ng ating mga kababayan. Humarap ako bilang kolektibong boses ng mga Pilipino, kaya't obligasyong kong magsalita sa wikang komportable sila, naiintindihan nila. 47
Why is this page out of focus?
Because this is a premium document. Subscribe to unlock this document and more.
Abstrak Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal lektyur, at mga report . Ito ay karaniwang makikita sa unahan ng pananaliksik na naglalahad ng buod ng akdang akademiko o ulat. Kinapapalooban din ito ng mga layunin ng pag-aaral at ang suliranin ng ginawang pananaliksik. Ayon kay Koopman (1997), nagtataglay ang abstrak ng introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon. Nakatutulong ang abstrak upang madaling maunawaan ng mambabasa ang mahahalagang puntos sa isang akademikong sulatin ng hindi na kailangan na basahin pa ang kabuuan nito. Ayon kay Gervacio, (2020), may mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak. 1. Lahat ng nakasulat sa abstrak ay dapat nakapaloob sa kabuuan ng papel. 2. Hindi isinusulat sa abstrak ang detalyadong pagpapaliwanag ng mga datos para pahabain ito 3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak 4. Gumamit ng malinaw at direktang pangungusap. Iwasan ang pagiging maligoy sa pagsulat ng abstrak. 5. Maging obhetibo. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan. 6. Gawing maikli subalit komprehensibo ang pagsulat ng abstrak kung saan mauunawaan ng babasa ang pangkalatang nilalaman ng pananaliksik. Ang abstrak sa sunod na pahina ay hango sa palarawang pagsusuri na isinagawa nina Broadway at Zamora (2018) sa kanilang papel na may titulong "Ang Filipipino Bilang Wika sa Matematika: Isanga Palarawang Pagsusuri sa Kaso ng Pribadong Paaralan." Halimbawa ng Abstrak Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na malaman kung may espasyo ang Filipino sa klase ng Matematika. Ginawa ang sumusunod na hakbang upang maisakatuparan ang pag-aaral: pagmamasid sa mga klase; pagsasagawa ng focus group discussion at pakikipanayam sa mga guro at mag-aaral; at mula rito ay makabubuo ng mungkahing patakarang pangwika. Sa isinagawang pagmamasid ng mananaliksik, lumabas na may mga pagkakataong gumagamit pa rin ang mga mag-aaral at guro (malay o di-malay) ng Filipino sa asignaturang Matematika. Maituturing ito bilang wikang pantulong sa iba't ibang yugto ng klase sa Matematika. Pinatunayan ng pananaliksik na may espasyo ang Filipino sa Matematika bilang wikang pantulong; napadadali ang pagtalakay sa Matematika sa tulong ng Filipino; at ang pagpapairal ng patakarang pangwika ay kailangan upang maisakatuparan ang ganap na espasyo ng Filipino sa paaralan. Iminumungkahi na ipatupad ang mungkahing patakarang pangwika na nabuo batay sa resulta ng pananaliksik. 48
Para sa karagdagang halimbawa ng abstrak, buksan ang link sa ibaba. https://ejournals.ph/issue.php?id=584 Rebyu Ayon kina San Juan, et al. (2019), ang rebyu ay isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang akda batay sa nilalaman, istilo at anyo ng pagkakasulat nito. Naglalaman din ito ng pagtataya o ebalwasyon ng akda batay sa personal na pananaw ng mambabasa na nagbibigay ng rebyu. Gumagamit ang mga nagsusulat ng panunuri sa rebyu upang magbigay linaw sa nilalaman ng akda ng sa gayon ay madaling maunawaan ito ng mambabasa. Basahin ang rebyu na isinagawa ni Dr. Ma. Althea T. Enriquez (2013) ng Unibersidad ng Pilipinas na may titulong Ang Pag-angkla ng Sikolinggwistikang Filipino sa Kultura . Dalawampung artikulo ang bumubuo sa aklat na Mga Babasahin sa Sikolinggwistikang Pilipino. Nagmula sa iba't ibang larangan ang mga manunulat ng mga napiling babasahin na tumatalakay sa mga paksang may kinalaman sa sikolohiya, wika, kultura, at pagsusuring pampanitikan. Walang tuwirang paghahating ginawa sa katipunan ng mga babasahin bagama't mababanaag ang paglalagay ng mga impluwensyal na iskolar sa kani-kanilang larangan sa iba't ibang bahagi ng listahan. Maaaring hatiin ang mga artikulo sa tatlong kategorya batay sa pangunahing tuon ng pagtalakay. Matamang inuna sa aklat ang artikulong "Sikolinggwistikang Pilipino: Pananaw at Tunguhin" ni Virgilio Enriquez na tumalunton sa pagsisimula ng larangan at mga naging pag-aaral nito sa Pilipinas. Binigyang-pansin ni Enriquez ang pagpapaunlad ng mga katutubong konsepto na maaaring gamitin ng larangan at ang paghimok na gumawa ng mga pag-aaral na hindi kinakailangang sumunod sa mga Kanluraning konsepto at pamantayan kung ano ang mga maaaring pag-aaralan sa sikolinggwistika. Nagsisilbi itong gabay sa aasahang paksain at tunguhin ng kalipunan ng mga babasahin na isinali sa libro. Ang unang kategorya ng katipunan ng mga babasahin ay nagtangkang iugnay ang sikolohiya at wika, kadalasan sa pamamagitan ng pagsusuri sa ilang katutubong salita o katangiang istruktural ng wika at bumubuo ng mga konklusyon tungkol sa pag-iisip at kamalayan ng mga Pilipino bunga nito. Sa "Wika at Diwa: Isang Pansikolinggwistikang Analisis sa Konsepto ng 'Hiya'" ni Zeus Salazar, sinuri ang iba't ibang panlaping ikinakabit sa salitang-ugat na 'hiya' at nakabuo ng isang modelong pansikolinggwistika na umaambag sa pagkaunawa ng konseptong ito sa lipunang Pilipino. Nalalaman ni Salazar na kinakailangan ang mas malalim na pagtingin at pag-uugnay sa iba pang konseptong ito upang mas makabuo ng masaklaw at buong larawan ng kamalayang Pilipino. Sa ganang ito, nag-iwan siya ng mga suhestyon at rekomendasyong gamitin at subukin ang kaangkupan ng modelo sa pamamagitan ng paggamit nito sa iba pang katutubong konsepto. 49
Sinubukan namang ipaliwanag ni Silvino Epistola sa kanyang "Wika at Kamalayan" ang pagsasawika ng mga bagay-bagay na nararanasan ng ating kamalayan. Kumbaga, sinasabi niyang ang paggamit ng isang partikular na wika ay nagdudulot ng ibang kamalayan o pagsilip sa kamalayan ng wikang sinasalita. Sinasabi ring nakatali ang pagbibigay ng tawag sa isang bagay sa kulturang ginagalawan. Makikita ito sa sistema ng "etiketang" ibinibigay ng mga tao na nakabatay sa kanilang kultura at kung gayon ay nag-iiba ito sa bawat kultura. Ang susunod na apat na artikulo ay makikita sa kalagitnaan at ang isa ay nasa bandang huli ng aklat bagama't maituturing na kabahagi ng kategoryang ito na sinubukang tingnan ang istruktura o ilang katangian ng wika at nakabuo ng mga konklusyon at pagpapahiwatig mula rito. Magkasunod ang ginawang pag-aaral na "Ang Pananaw sa Buhay at Weltanschauung na Mahihiwatigan sa Sikolohiya ng Wikang Tagalog" nina Virgilio Enriquez at Amelia Alfonso na sinundan ni Amelia Alfonso-Tynan sa kanyang "Ang Pananaw sa Buhay at Sariling Wika." Inilista at sinuri nina Enriquez at Alfonso ang mga naunang pag-aaral na ginawa sa sikolohiyang Pilipino na tumalakay rin sa wikang Tagalog. Naging karaniwang puna ang paggamit ng Kanluraning lapit sa pag-aaral ng mga awtor. Nagbigay sila ng panguna at sariling pagsusuri sa pag-aaral na mahihiwatigan sa tinatawag na Weltanschauung o pananaw sa mundo ng mga Tagalog batay sa mga pinakamayamang bokabularyo na mayroon ang wika tungkol sa isang konsepto (o set nito) at pinakakaunti. Nakabuo ng ilang haka batay rito: 1) mahalaga ang tunguhan ng tao sa isa't isa, 2) mahalaga ang damdamin at kapakanan ng iba, at 3) para sa lahat ang tagumpay at hindi pansarili lamang. Sinundan ang kaisipang ito, ang sariling wika ay may kinalaman sa pag-iisip at pananaw sa buhay, ni Alfonso-Tynan na siyang pinakaesensya ng kanyang artikulo. Tinalakay rito kung bakit wala masyadong pananaliksik sa sikolinggwistika sa panig ng mga linggwist at dahil raw ito sa modelo ni Noam Chomsky na maimpluwensya sa larangan ng linggwistika sa bansa na nagsasabing pantay-pantay ang lahat ng wika. Nagpakita ang awtor ng mga halimbawang kumakalaban dito tulad ng pagmarka ng kasarian sa mga wika at ang pangkalahatang tono ng pananalita kung titingnan ang lapit ng iba't ibang kultura sa paggamit ng mga pangkomunikasyong midyum sa internet. Pinag-aralan din ang bilinggwalismo bilang isang paksang maaaring saliksikin sa sikolinggwistika at naipakita na malaki ang kaibahan ng pag-iisip na nag-umpisa sa isang wika kaysa sa kung ito'y isasalin lamang. Ang dalawang artikulo rito ay may halos magkaparehong tema: "Ang Pananaw sa Mundo ng mga Ilukano Mula sa Kanilang Wika" ni Ernesto Constantino at "Ang Pananaw sa Daigdig ng Cebuano" ni Leonardo Mercado. Tinalakay ni Constantino ang pagiging produktibo ng aspetong panghinaharap sa wikang Ilukano. Maaari raw itong maiugnay sa kultura ng mga Iluko na nagbibigay-halaga sa hinaharap. Ikinumpara rin niya ito sa Tagalog na kung saan mas maraming gamit ang progresibo at maaaring mahinuhang magkaiba ang kultura ng dalawa batay na rin sa gamit ng kanilang wika. Sa kabilang banda, isang pagpapatuloy ng naunang pag-aaral ni Mercado ang artikulong isinama sa aklat at ngayon nama'y tumutuon sa tatlong 50
Why is this page out of focus?
Because this is a premium document. Subscribe to unlock this document and more.
aspeto ng wika at ang mahihiwatigan dito tungkol sa pananaw ng mga Cebuano tungkol sa sarili at sa mundo. Ang tatlong paksang pinagtuunan niya ng pansin ay tungkol sa mga salitang may kinalaman sa pandama, konsepto ng "mabuti," at mga numero na binigyang-halimbawa rin niya ng mga paradaym na nagpapakita sa pagtrato sa numero higit pa sa matematikal na katangian nito. Ang "Mga Singit-Pangungusap Kaugnay ng Wika, Emosyon, Sitwasyon, at Tao Ayon sa Ilang Taga-UP Diliman (Isang Panimulang Pag-aaral)" ni Reginald Hao ay tungkol sa mga tinatawag na singitpangungusap na kadalasang nagagamit sa mga sitwasyong balisa o may agam-agam ang mananalita. Ikinategorya ang mga nakalap na singit-pangungusap at nailista ang mga iyon ayon sa mga salik na wikang ginamit, sitwasyon, at kung sino ang nagsasabi ng ganoon. Naipakita na gumagamit ang mga Pilipino ng mga singit-pangungusap hindi lang dahil sa matinding emosyon kundi dahil na rin sa likas na di-tuwiran magpahayag o magsalita ang isang Pilipino upang hindi siya makasakit ng damdamin ng iba. Isang pagsusuring pampanitikan ang kumukumpleto sa unang kategorya ng mga babasahin. Sa "Estruktura ng Trawmatikong Kamalayan sa 'Adobo' ni Faye Cura: Pagsusuring Sikolinggwistika sa Isang Modernistang Tula" ni Romulo Baquiran Jr., sinubukang langkapan ng gramatikal na analisis ang mga pangungusap ng bawat linya ng tula. Kapaki-pakinabang ang pagsusuri sa mga mag-aaral ng panitikan dahil ang paggamit ng sintaktik na pagsusuri ay di kadalasang ginagamit sa mga tula na talaga namang nagpapakita ng mga pangungusap na nasa di-karaniwang ayos. Ang ikalawang kategorya ng mga babasahin ay mas tumutuon sa mga pag-aaral na may kinalaman sa ugnayan ng kultura at wika ngunit mas mababanaag ang paglutang ng makakultural na lapit sa mga pagsusuring ginawa. Gaya ng naunang paghahati, makikita ang pagsisimula nito sa "Kultura ng Wika" ni Prospero Covar. Isinaad ni Covar ang pagkakaugnay ng kultura at wika bagama't ang pangkalahatang presentasyon ay nakahati sa paglalarawan ng mga bahagi ng pananalita at pagbabalanghay (domain) na binigyang-halimbawa sa paggamit ng "bahay." Isinalaysay ni Mary Jane Rodriguez-Tatel sa "Ang Pilipino Bilang 'Tribu,' 'Pagano,' at 'Nativo': Hermeneutika ng Pananakop sa Usapin ng Etnisidad at Kabansaan" ang paggamit ng mga salitang "tribu," "pagano," "nativo," at iba pang kagaya nito upang ipangibabaw ang kaisipang pagiging disibilisado ng mga di-binyagang Pilipino noong panahon ng mga Amerikano. Ang mga katawagang ito ay nagkaroon ng ganitong konotasyon sa tulong ng pagpapalaganap ng mga kolonisador at nagbunga rin ng self-actualization sa mga Pilipino, i.e. naniwala sila sa ganitong pagtatangi at naimpluwensyahan kung paano sila nag-iisip tungkol sa sarili nila kung sila ay kasama sa grupong "minorya" at kung paano nila ituturing ang kanilang kapwa kung hindi sila magkasama sa isang grupo. Sa huli, may suhestyon si Rodriguez-Tatel na kilalanin ang kapangyarihan ng wika sa pagtatakda sa kaisipan ng tao at kung gayon ay maiaayos ang mga nagawang pagkakamali noon. 51
May halos na katulad na tema sa "Ang Ebolusyon ng Salitang 'Orag' mula Sinaunang Panahon hanggang sa Kolonyalistang Pagsasalin sa Kasaysayan sa Kabikolan" ni Victor Dennis Nierva. Inilahad at sinuri ng awtor ang kasaysayan ng salitang 'orag' mula sa magandang konotasyon nito at ugnayan sa maharlikang grupo ng mga sinaunang pamayanan tungo sa masamang konotasyon nito dahil sa mga gawain ng mga kolonisador na EspaƱol. Ipinakita rin niya ang muling panunumbalik ng 'orag' sa orihinal nitong ibig sabihin sa modernong panahon dala ng mga postkolonyal na pag-iisip at impluwensya. Sinimulan ni Jayson Petras ang kanyang "Ang Tagalog-Marikina sa Wikang Filipino: Isang Panimulang Talakay" sa pamamagitan ng pagpapakita ng ilang katangian ng wika at kulturang Pilipino at ang ugnayan nila sa isa't isa. Ito ang ginamit na pagsipat sa pagpapakita ng kulturang Marikenyo batay sa bokabularyo ng mga tagaroon. Naging maikli lang ang pagtalakay rito at hindi gaanong napalawak at nasuri ang pagsasalamin ng bokabularyong inilista sa kultura ng bayan bagama't gaya ng sinabi, isa itong panimulang pagtalakay at mayaman ang nailista at naikategoryang bokabularyo mula sa iba't ibang domeyn ng pamumuhay at lipunan. Naging mas tiyak ang pagtalakay ni Covar sa ugnayang kultura at wika sa kanyang "Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino." Tinalakay at ginamit niya rito ang kaalamang bayan upang ipaliwanag ang pagkataong Pilipino. Pinakasentro sa analisis ang paggamit ng mga konseptong "loob," "labas," at "lalim" na ipinakitang iba ang pagdukal sa pagkataong Pilipino batay sa mga katutubong konsepto na ito. Kasunod naman ng akda ni Covar ang "Ang Kamalayan at Kaluluwa: Isang Paglilinaw ng Ilang Konsepto sa Kinagisnang Sikolohiya" ni Salazar. Tinalakay rito ang magkatuwang na mga konseptong umaayon sa pagsipat na "loob" at "labas" ng mga bagay-bagay at pinakabatayan ang konsepto ng "kaluluwa" at "ginhawa" na magkaugnay sa sinaunang kulturang Pilipino bago naiugnay ang kaluluwa sa maka-Krtistiyanong pananaw. Sa ganitong mga pagsusuri maaaring bumatay ng mga pag-aaral sa sikolohiyang Pilipino. Masasabing ikatlong kategorya ang mga babasahing tumatalakay sa istruktura o gramar ng wika na pinasimulan ng dalawang artikulong nagbuod at sumuri sa mga naisulat tungkol sa gramatika at linggwistikang Pilipino. Sa "Ang mga Gramatikang Tagalog/Pilipino na Isinulat ng mga Pilipino" ni Lydia Fer. Gonzales-Garcia, tinalunton niya ang mga naging pag-aaral sa gramatika ng Tagalog/Pilipino sa konteksto ng pagkakaroon ng pambansang wika. Nagbigay siya ng kaligiran sa panahon at pangyayari nang maisulat ang mga akda na ito, sino at ano ang nakaimpluwensya sa mga sumulat nito, at ang naging lapit ng kanilang pag-aaral. Nais patunayan na nagkaroon ng masasabing gramatikang Filipino at pananaw na maka-Pilipino sa pagsusuri ng gramatika ng Tagalog/Pilipino. Sa kabilang banda, tinutukan naman ni Nelly Cubar ang mga pag-aaral sa Tagalog/Pilipino/Filipino na sinulat ng mga Pilipino sa "Ang Linggwistikang Filipinong 52
Nasulat sa Tagalog/Pilipino/Filipino." Ipinakita batay sa yaman ng mga nasiulat na tunay ngang may disiplinang Filipino sa lawak at sakop ng mga erya tungkol sa pag-aaral nito di lamang sa istruktura nito kundi pati na rin sa pagaaral sa pagsasalin, diksyonaryo, pagtuturo, at intelektwalisasyon. May kritisismong ibinigay tungkol sa pag-aaral ng istruktura at iyon ay ang pagbatay nang malaki sa mga Kanluraning konsepto. Hinihimok na makatuklas ng bagong ideya o bagay na makakatulong sa pagrebisa ng mga dating ginagamit na teorya na siyang magiging ambag na malaki sa linggwistikang Filipino. Ang "Mga Pag-aaral sa Barayti ng Wika" ni Rosario Alonzo ay naglalahad at nagkakategorya ng mga pag-aaral na nagpapakita ng barayti ng wika na sumasaklaw hindi lamang sa lugar kundi pati rin sa panahon, katayuang panlipunan, gawain, propesyon, at iba pa. Ipinapakita nitong may barayti ang wikang pambansa na nagpapatunnay ng kakayahan nitong magamit sa iba't ibang antas at uri ng komunikasyon. Samantalang isang tiyak na barayti ang inilarawan ni Teresita Semorlan sa "Chavacano Filipino: Varayti ng Filipino sa Siyudad ng Zamboanga." Inilarawan dito ang Filipino ng mga Chavacano at kung paano nito naiimpluwensyahan ang paggamit nila ng Filipino. Ipinakita ang katangian ng barayting ito sa lahat ng lebel ng gramar, pati na rin sa bokabularyo at ispeling. Pinatutunayan nito na hindi lamang Tagalog ang nakakaimpluwensya ng pag-unlad ng Filipino. Ganito rin ang naging tema sa "Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino sa Cebu at iba pang lugar sa Mindanao" ni Angelina Santos na kung saan ipinaliwanag kung ano ang varayti at varyasyon ng wika at ipinakita ang kaso ng paggamit ng mga Cebuano ng wikang Filipino. Isang malaking bentahe ng libro ang pagsisimula sa pamamagitan ng pagtatampok sa artikulo ni Enriquez na siya namang muhon at ama ng Sikolohiyang Pilipino sa bansa. Naisama rin ang mga impluwensyal na iskolar sa kani-kanilang larangan na sina Salazar, Covar, at Constantino. Gaya ng nabanggit sa simula, walang tuwirang paghahati sa mga artikulong isinama sa libro, di tulad ng ginawang paghahati sa isang naunang inilimbag na katipunan din ng mga babasahin para sa Sikolohiya ng Wikang Filipino (Antonio at Tiamson-Rubin 2003). Ang mga nagawa ng mga tanyag na iskolar na ito ang nagsisilbing tanda at modelo di lamang sa pinanggagalingang perspektiba kundi pati rin sa maaaring maging tunguhin ng mga pananalisik sa sikolinggwistika. Pinakamalaki ang bulto ng mga artikulo na tumatalakay sa ugnayan ng kultura, lipunan, at wika. Kahit ang mga artikulo nina Constantino at Mercado na tuwirang tiningnan ang ilang katangian ng istruktura ng wika ay mas naiugnay ito sa pananaw ng grupo sa kanilang kultura, isang penomenon na maaaring ugatin sa mga teorya sa sosyolinggwistiks, partikular ang Whorfian hypothesis. Bagama't hindi naman maitatanggi na konektado talaga sa kultura ang sikolohiya ng mga Pilipino, ang kaisipang may matinding ugnayan ang indibidwal na psyche at ang kultura ay umiiral at inaaral sa larangan ng sikolohiyang pangkultura (cultural psychology) na tumitingin rin sa pagtanggi sa ugnayang ito dahil sa indibidwalistikong pagsipat na kadalasang nakikita sa mga pag-aaral sa Hilagang Amerika (Markus at Hamedani 2010). 53
Why is this page out of focus?
Because this is a premium document. Subscribe to unlock this document and more.
Lumalabas kung gayon na parang aksidental at nasa gilid lang sa karamihan ng mga isinamang pag-aaral ang mga implikasyon at ambag sa sikolinggwistika mismo. Masasabing ang ilan sa mga paksang tinatalakay sa mga babasahing ito ay mas nasa erya ng sikolohiyang pangkultura, etnosikolohiya o kaya nama'y sa sosyolinggwistika kaysa sa sikolinggwistika mismo. Ipinapaliwanag ang mga naunang pag-aaral sa sikolinggwistika gamit ang mga tuntuning itinakda at sabay sa mga pag-unlad sa linggwistiks (Fodor et al. 1974). Bagama't may mga naisamang pag-aaral mula sa panig ng gramar at linggwistiks, ang pagtalakay ay kapansin-pansing mas nakatuon sa paglalarawan ng gramar at barayti ng wika mismo imbes na tumalon sa pag-unawa kung paano nauunawaan at nagagamit ng mananalita ang kanyang wika, ito ang mga batayang paksain at tinatalakay sa sikolinggwistika (Caroll 1994). Maaaring ikumpara ang mga nakalap na babasahin sa kalipunan na tinipon nina Leon Jakobovits at Murray Miron (1967). Ang mga paksain gaya ng bilinggwalismo, pagkatuto ng wika, mga problemang dulot ng depekto sa bahagi ng utak na may kinalaman sa wika, at iba pang paksa na masasabing mas pundamental sa ugnayan ng sikolohiya at wika ay wala. Nabanggit ni Enriquez ang ilang pag-aaral na nagawa ng kanilang departamento tungkol sa sikolinggwistika ngunit hindi naisama ang isa man sa katipunan ng aklat. Totoong kailangang susugan ang sinabi ni Enriquez at ang mga gawa ng iba pang iskolar na dapat gumawa at lumikha ng mga pagsipat at pamamaraan na nag-uugat sa mga katutubong konsepto at hindi dapat ilapat kung ano ang natutunan sa mga Kanluraning pag-aaral. Ganito ang naging pagkiling sa karamihan ng mga tinipong pag-aaral nina Lilia Antonio at Ligaya Tiamson-Rubin (2003) na tumatalakay sa ugnayan ng kultura at wika gamit ang mga pamamaraan sa Sikolohiyang Pilpino o mga katutubong konsepto. Ngunit ang paniniwalang kinakailangang makabuo ng sariling pamamaraan at pagtatasa sa proseso ng pag-iisip at kamalayang nakaangkla sa mga katutubong konsepto at kulturang ginagalawan ay hindi na bago at hindi malayo sa mga panuntunan halimbawa ng sikolohiyang pangkultura. Makikita ang mga paksang gaya nito sa katipunan ng mga artikulo na pinamatnugutan nina Uichol Kim et al. (2006). Halimbawa nito ang pag-aaral nina Susumu Yamaguchi at Yakari Ariizumi (2006) sa amae ("ang pagtanggap sa di-akmang gawi o pakiusap") na bagama't katutubong salita sa Nihongo, ang sikolohikal na konsepto sa likod nito ay makikita rin sa ibang kultura. Kung gayon, ipinapakitang hindi nangangahulugang ang mga katutubong konsepto ay halimbawa na ng katutubong sikolohiya. Maaaring suriin ang sikolinggwistika mula sa iba't ibang perspektiba, gaya ng paggamit ng katutubong konsepto sa pagsipat, ngunit hindi lang dapat paglalarawan gamit ang mga konseptong ito ang maging hantungan ng pag-aaral. Kinakailangang maiugnay at makaambag din ito sa pangkalahatang kaalaman ng larangan ng sikolinggwistika bilang isa sa mga larangan ng agham panlipunan. Gaya na lamang ng modelong dinebelop ni Salazar mula sa kanyang paghihimay sa konsepto ng "hiya," naipakita na produktibo ang modelo at makikitang maaaring gamitin ito para sa iba pang katutubong konsepto gaya ng "awa" at "lungkot." Mas 54
mainam at kapaki-pakinabang ang modelo sa larangan ng sikolinggwistika kung magagamit din ito sa pagsusuri ng ibang dikatutubong konsepto. Ganito rin sana ang pangako ng pagbabalanghay at pagtatalatag na ginawa ni Covar ngunit hindi naging malinaw kung paano nagkakaroon ng paglalangkapan ang pagtalakay sa pormal na istruktura ng wika at ang pagtalakay sa balanghay ng mga salita sa wika, at ang mahihiwatigan kung gayon mula rito tungkol sa sikolinggwistikang Pilipino. Hindi maitatangging napakalaki ng magiging ambag nito sa mga pamamaraang magagamit sa larangan. Sa pangkalahatan, mahusay at de-kalidad ang mga artikulo sa libro at walang kritisismong masasabi sa kalikasan ng naging pag-aaral nila. Ngunit kitang-kita na ang ilan sa mga pag-aaral ay hayag na mas tumatalakay sa larangang pinanggalingan ng awtor gaya na lamang ng mga ginawang buod na pag-aaral nina Gonzales-Garcia at Cubar kaysa sa ambag nito sa larangan ng sikolinggwistika. Ang problema at pag-aalinlangan ay nasa kaangkupan ng karamihan sa mga babasahin na mapasama sa isang libro na may layuning tipunin ang mga pag-aaral na kakatawan sa mga paksa at tunguhin ng pananaliksik sa sikolinggwistikang Filipino. Kung babasahin lang bilang pag-aaral ang ilan sa mga artikulo na hindi iniuugnay sa sikolinggwistika, makikita ang kahusayan nito at ambag sa pinanggagalingan larangan. Masasabi kung gayon na ang pinakakalakasan ng libro ay siya ring kahinaan nito kung kahinaan nga itong matatawag dahil kung hindi naging ganoong kalinaw ang mga paksain ng pananaliksik sa sikolinggwistikang Filipino, makikita naman ang yaman at kasaklawan ng matutunan tungkol sa mga pag-aaral sa Pilipinas. Presentasyon at Publikasyon ng Pananaliksik Hindi kompleto ang ginawang pananaliksik kung hindi ito naibahagi at nailathala sa mga akademikong journal. Ang pagkakabuo ng pananaliksik ay kasinghalaga ng pagbabahagi nito sa pamamagitan ng paglathala o presentasyon. Naglalayon itong pataasin ang kamalayan ng taong pinag-uukulan ng pananliksik. Akademikong Publikasyon Ayon kay De Laza (n.d.), hindi kompleto ang ginawang pananaliksik kung wala itong publikasyon. Maaaring ilathala ang pananaliksik, buod, pinaikling bersyon o isang bahagi nito sa pahayagan o pampahayagang pangkampus, conference proceedings , monograph , aklat o sa refereed research journal . Ang pinakatanggap at balidong paraan sa akademikong publikasyon ay mapapasama sa isang refeered research journal sa anumang larangan ng pananaliksik. Ang nabuong pananaliksik ay dumadaan sa peer review , isang proseso kung saan ang manuskrito o artikulo ay dumadaan sa screening o serye ng ebalwasyon bago mailimbag ang journal . 55
Inisyal na Hakbang Ng Paglalathala sa Isang Research Journal Ang nasa sunod na pahina ay isang halimbawa ng panawagan para ng isang refereed journal para sa kontribusyon ng papel pananaliksik. Ito ay mula sa DALUYAN, Journal ng Wikang Filipino ng University of the Philippines Sentro ng Wikang Filipino-Diliman. 56
Why is this page out of focus?
Because this is a premium document. Subscribe to unlock this document and more.
Presentasyon ng Pananaliksik Ayon ay De Laza, (n.d.), ang presentasyon ng pananalisksik ay isang paraan ng pagbabahagi ng ginawang pananaliksik sa mga lokal, pambansa at pandaigdigang kumperensiya. Ang pagpapalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng pampublikong gawain tulad ng simposyum, forum, kumperensiya, at iba pa at mahalagang gawain na dapat linangin sa loob at labas ng akademya. Sa pamamagitan nito ay nalilinang ang kagustuhan ng mga miyembro ng akademya na maghanap ng mas mataas na antas ng kaalaman at uri ng pag-iisip. Sa pamamagitan din nito ay nagiging makabuluhan at napapanahon ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral at nadadala sa loob ng silid-aralan. Sa ganitong gawain ay nailulugar din ang papel ng akademya sa lipunan . Mga Gabay sa Rebisyon Rebisyon ang pinakahuling proseso sa proseso ng pananaliksik. Sa pamamagitan nito, natutuklasan ng mananaliksik ang kahinaan ng ginawang pananaliksik, pagkakamali sa padron ng gramatika at sistematisasyon ng ideya. Sa rebisyon, nahahasa rin ng mananaliksik ang analitikal na kakayahan sa pagbasa. Nagagamit ang kakayahan sa paraphrasing sa pagwawasto ng ideya, napapalakas at napapalalim ang argumentong nabuo sa pananaliksik. Naglahad ng mga gabay si De Laza, (n.d.) sa pagrerebisa ng sulating pananaliksik. 1. Tukuyin ang pangunahing punto ng papel pananaliksik. 2. Tukuyin kung sino ang mga magbabasa ng pananaliksik at kung ano ang mga layunin nito. 3. Tasahin ang iyong mga ebidensiya. 4. Panatilihin lamang ang mahahalagang punto ng pananaliksik. 5. Pakinisin ang gamit na wika sa kabuuan ng papel-pananaliksik. 57
Page1of 19