Programa para ilayo sa droga ang mga kabataan sa QC, inilunsad katuwang ang isang volleyball superstar
Programa para ilayo sa droga ang mga kabataan sa QC, inilunsad katuwang ang isang volleyball superstar

Programa para ilayo sa droga ang mga kabataan sa QC, inilunsad katuwang ang isang volleyball superstar

HINDI lang pa-birthday kundi pa-surpresa rin sa mga aspiring athlete ang mga ganap sa Bahay Serbisyo ng mga Suntay sa Quezon City.

Nataon kasi sa birthday celebration ni Quezon City Councilor Marra Suntay ang pirmahan nila ng Memorandum of Agreement (MOA) kay volleyball superstar Alyssa Valdez.

Layon ng kasunduan na mag-train ng mga batang gustong gumaling sa paglalaro ng volleyball.

Libre itong ipagkakaloob sa mga mapipiling beneficiary sa ilalim ng Alyssa Valdez Youth Volleyball Camp.

“Ang gusto kasi ni Alyssa was ‘yung mga kahit hindi raw marunong basta nakita niya or nakita namin pursigidong matuto. Tapos tuturuan niya for 3-days sa summer camp. Lahat ‘yung pati t-shirt siya ang magpo-provide,” saad ni Councilor Marra Suntay, Quezon City.

Ang ugnayan ay binuo para mapaigting ang programa kontra droga sa mga kabataan sa pamamagitan sports.

Kaya ang Palarong Pambansa player na si Johncel, determinado nang mag-training dahil volleyball superstar ang kaniyang magiging coach.

“Sobrang laking inspirasyon po kasi dati po parang pinapanood lang namin siya sa TV and ngayon nakita na po namin,” wika ni Johncel Loma, Palarong Pambansa Player.

“Well, definitely that is one of our main goals here… allowing children to be interested in sports talaga in general. So ‘yun naman talaga ‘yung ini-aim natin para sa mga kabataan. Mas maging… Lumabas sila, maglaro and to interact with other kids,” pahayag ni Alyssa Valdez, Volleyball Superstar.

Ayon naman kay Cleanfuel President and CEO Atty. Bong Suntay na isa ring sports enthusiast, malaking factor na si Alyssa mismo ang magtuturo sa mga kabataan dahil isa ito sa mga inspiring athlete sa kapanahunan.

Kaya, asahan na mas maraming kabataan sa distrito niya sa Quezon City ang mahuhumaling sa volleyball at maiiwas sa masamang bisyo.

“Alam mo sa lahat ng ating mga kabataan, wala talaga tayong future if we get into drugs. And, huwag nating sayangin ang ating kinabukasan. There so many things that we can do, there are talents within us na siguro hindi lang natin nakikita pa that we have. Ang kailangan lang natin is the proper push and the right direction,” ayon kay Atty. Jesus ‘Bong’ Suntay, Cleanfuel President and CEO.

Kagagaling lang ni Alyssa sa matagumpay na kampanya sa katatapos lamang na Premier Volleyball League matapos makuha ng Creamline Cool Smashers ang panalo.

Ito na ang pang-walong kampyonato ni Alyssa na siya ring team captain.

Kaya mensahe niya sa mga kabataan… huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na magpursige.

Piliin ang sports kontra droga.

At maging susunod na volleyball superstar na ipagmamalaki ng buong Pilipinas!

“Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga kabataan! And nagpapasalamat po ko sa mga parents ng mga kabataan na patuloy silang sinusuportahan. We encourage more kids to learn to love siguro and enjoy the sport,” dagdag ni Valdez.

“We believe that through sports, we can bring out the best sa ating mga kabataan,” dagdag ni Atty. Suntay

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble