Karla inamin ang rason sa pagbenta ng bahay | Police Files! Tonite

Advertisers

Advertisers

Karla inamin ang rason sa pagbenta ng bahay

0 4

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AYON  kay Karla Estrada, isa sa mga lubak sa buhay niya ay ang lagi siyang nagkakamali pagdating sa pag-ibig.

Malaki raw kasi ang impact sa kanya na lumaki siyang walang nakagisnang tatay.



Ito ay inamin niya sa YouTube channel ng newscaster turned vlogger na si Bernadette Sembrano.

Sey pa niya, may pagkatanga raw kasi siya sa pag-ibig dahil madali siyang mag-fall sa isang lalake kapag pinakitaan siya ng maganda.

Proud naman niyang sinabi na lahat ng anak niya sa apat na magkakaibang lalake ay bunga ng pagmamahal.

Wala raw sa mga naging supling niya ang produkto ng one night stand.

Aminado rin siya na ang bahay na tinitirhan niya ay ibinebenta na.

Sobra raw kasing malaki ang bahay lalo pa’t solo na lang siyang namumuhay.



Ang ibang mga anak niya ay nasa ibang bansa samantalang si Daniel Padilla ay may sarili nang mansyon.

Nagbabalak daw siya na bumili ng property sa South na malapit lamang sa airport kung saan nandoon ang kanyang mga kaibigan.

May kibitzers namang nagsasabing kakandidato ang TV host-actress kaya nagbabalak itong  mag-relocate sa parteng South.

Hindi naman niya ikinaila na dumaan siya at ang kanyang pamilya sa maraming pagsubok sa buhay.

Isa na raw dito iyong madalas na nababatikos siya at ang kanyang pamilya sa social media.

Gayunpaman, wala raw naman siyang pinagsisisihan sa mga naging desisyon niya sa buhay.

Hindi na rin daw niya iniintindi ang kanyang bashers lalo pa’t may mga katotohanang siya lamang ang nakakaalam.

Very vocal din siya sa mga nagsasabing maraming nabawas sa kanyang mga kaibigan na lumobo dahil sa konek kay Daniel.

Ang nanatili lang daw ay iyong tried and tested friends who stood by her through the years.

Nang kumustahin naman ni Bernadette si Daniel kay Karla, sinabi ng TV host-actress na ang tanging makasasagot daw nito ay ang anak.

Gayunpaman, bilang ina ay lagi raw niyang ipinagdarasal na laging ligtas at gabayan ng Diyos ang anak.

Gusto raw niyang hayaan ang kanyang mga anak na matuto sa kanilang mga pagkakamali sa buhay.