Joaquin Domagoso, nag-audition sa April Boy Regino biopic | PEP.ph

Joaquin Domagoso, nag-audition sa April Boy Regino biopic

"Kilala ko po si April Boy, pero hindi ko nakakanta ang mga kanta niya."
by PEP Troika
Published May 14, 2024
Joaquin Domagoso auditions for April Boy Regino biopic
Isa si Joaquin Domagoso sa mga nag-audition para sa role ng batang April Boy Regino. Kilala raw niya ang late singer, "pero hindi ko nakakanta ang mga kanta niya."
PHOTO/S: Gerry Olea

GORGY RULA

Isa si Joaquin Domagoso sa nasa shortlist ng mga nag-audition para sa pelikulang Idol (The April Boy Regino Story) na ipo-produce ng Waterplus Productions.

Dumating siya sa audition nung nakaraang Sabado, May 11, 2024, na ginanap sa office at studio ng Waterplus, at nagbakasakali na mapili siyang gaganap bilang batang April Boy Regino.

Joaquin Domagoso at the audition for April Boy Regino's biopic

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kilala ko po si April Boy, pero hindi ko nakakanta ang mga kanta niya. Pero ang mga kanta niya, well-known talaga.

"Alam ko yung kanta niya, pero hindi ko lang napapakinggan palagi. Pero alam ko yung story niya, at yung mga kanta niya sa karaoke na April Boy lagi ang kinakanta," napangiting pakli ni Joaquin.

Si April Boy Regino, Dennis Magloyuan Regino sa totoong buhay, ay nakilala sa mga 1990s hit songs niyang "Paano ang Puso ko," "Umiiyak ang Puso ko't Sumisigaw," at "Di ko Kayang Tanggapin." Binawian siya ng buhay noong November 29, 2020.

Read:

Joaquin Domagoso clarifies decision not to marry Raffa Castro yet is consensual

Jowa reveal: Raffa Castro opens up about love story with Joaquin Domagoso

JOAQUIN DOMAGOSO ON DAD ISKO MORENO'S POLITICAL PLANS

Sa pakikipagtsikahan ni Joaquin sa PEP Troika, kinumusta rin namin ang kanyang amang si Isko Moreno kung itutuloy ba nito ang political career sa 2025 elections.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala pa naman daw sinasabi sa kanila ang kanyang ama.

joaquin domagoso audition for the role of young April Regino

Napapangiti lang daw ito kapag tinatanong ng ilang mga kaibigan.

"Ang dami nang nagtatanong sa akin. ‘O, ano? Yung Papa mo, tatakbo ba?’ Sabihin ko, ‘Ewan ko dun e.’ Pag tinatanong ko si Papa, tawa lang din siya, e. Hindi siya sumasagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Of course, nandun ang support ko. Lahat ng buong Maynila, support sa kanya. Siya na lang siguro ang hinihintay. Hindi ko alam po.

"Ayun, mahal pa rin ni Papa. Hindi naman niya nakakalimutan ang mga Manileño,” pakli ni Joaquin.

Pero sinabi namin sa kanyang baka sa mas mataas na posisyon tatakbo ang kanyang ama. Lumalabas kasi ang pangalan ni Isko sa mga survey ng mga posibleng senatorial candidates.

"Basta makatulong siya. Kahit anong gusto niya. Iyun ang mas importante, nagagawa niya yung gusto niya,” kaagad na sagot ni Joaquin.

JERRY OLEA

Hindi pa masabi ni Joaquin sa ngayon kung posibleng papasukin din ba niya ang pulitika.

Marami pa raw siyang gustong ma-achieve sa kanyang showbiz career.

Thankful siya sa GMA-7 dahil hindi naman daw siya nawawalan ng project at ang suwerte nga raw niya na kasali siya sa Lilet Matias: Attorney-At-Law, na maganda ang ratings.

JOAQUIN DOMAGOSO ON LOVE-TEAM PARTNERS

Ka-partner daw niya rito si Zonia Mejia at ang suwerte raw niya sa mga nakaka-love team niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una siyang ipinartner kay Cassy Legaspi sa First Yaya. Binuwag ang love team nila nang mabuntis ni Joaquin si Raffa Castro, na sister ni Claire Castro.

Read:

Cassy Legaspi denies uploading videos of sweet moments with Darren Espanto

Claire Castro inaming nangungulila sa inang si Raven Villanueva

Ngayon ay kay Zonia na itinatambal si Joaquin. Pareho raw niyang naging kaibigan sina Cassy at Zonia.

“Wala naman akong preference. Pero siguro from finding the right partner is, what’s fun about it, kasi ako, in my position, you always work with people ganun, and sometimes you find people that are easy to work with ganun, and fun to work with.

"Ang dami kong natutunan sa kanilang dalawa [Zonia at Cassy], especially sa life and pagiging magalang sa babae.

"Lalo na si Zonia, teaching me how to be respectful ganun. Respectful naman ako, pero masyado lang ako ma-joke,” saad ni Joaquin.

Abangan natin kung si Joaquin na ba ang magbibida sa biopic ni April Boy, at kung magshu-shooting ba ang movie sa Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Waterplus ang nagprodyus ng pelikulang Wag D’yan, Wag D’yan… May Kiliti Ako D’yan (2005), na pinagbidahan nina Kat de Santos at Jeff Areos.

NOEL FERRER

Na-enjoy raw ni Joaquin ang friendship nila ni Zonia, at tuloy pa rin daw ang komunikasyon nila ni Cassy.

“Ang relationship namin, ang suwerte ko ngayon kasi yung connection ko kay Cassy, hindi nawala, and because of that, na-feel ko yung camaraderie namin na maganda.

“Kasi, you know, sometimes when you work with people, hindi na kayo nagiging close na parang hindi na kayo magkakilala.

“Buti pa sa kanya, hindi ako nawala sa kanya. Saka mabait yun, grabe!” sabi pa ni Joaquin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Isa si Joaquin Domagoso sa mga nag-audition para sa role ng batang April Boy Regino. Kilala raw niya ang late singer, "pero hindi ko nakakanta ang mga kanta niya."
PHOTO/S: Gerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

  • 50%