Albie kumpirmadong may anak na, sey ni Ogie Diaz: Proud siya!

Albie kumpirmadong may anak na, sey ni Ogie Diaz: Proud na proud siya!

Reggee Bonoan - May 20, 2024 - 09:23 AM

Albie kumpirmadong may anak na, sey ni Ogie Diaz: Proud na proud siya!

Albie Casino

PA-BLIND item muna ang kuwento ni Ogie Diaz tungkol sa isang aktor na kasama sa katatapos na online series na “Can’t Buy Me Love” nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Lumipad daw patungong Amerika ang aktor para makita at makarga ang anak na isang sanggol na lalaki.

“Tumulak na patungong US ang young actor para makita’t mahawakan makarga ang kanyang unang anak, ang kanyang baby boy.

“Kasi nga ang kanyang dyowa ay isang foreigner at nanganak na nu’ng April 30.  So, after nu’ng kanyang palabas (CBML) ay tumulak na pa-US.

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose binanatan si Albie; may pakiusap kay Direk Lauren Dyogi

“Para maramdaman niyang tatay na talaga siya dahil first time niyang makikita ‘yung kanyang anak,” kuwento ng “Ogie Diaz Update” host kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh na in-upload sa kanilang YouTube channel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA ARTISTS AGENCY (@vivaartistsagency)


“Ano ang natapos niyang (aktor) project?” nagtatakang tanong ni Mama Loi.

“Yung Can’t Buy Me Love,” kaswal na sagot ni Ogie.

Hirit ni Dyosa Pockoh, “Si Donny Pangilinan may anak na, Tito Ogie?”

“Shhhh (‘wag maingay) hindi siya, OA kayo,” sagot nito.

Sabi ulit ni Dyosa, “Ay si Darren Espanto?”

Natawa na lang si Ogie, “Hindi! Kayo talaga!”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin naawa kay Albie: Siya dapat ang Daniel Padilla ngayon

Binanggit ni Mama Loi ang pangalan ni, “Anthony Jennings?”

“May girlfriend si Anthony Jennings pero hindi naman ‘yun buntis,” saad ng talent manager at content creator.

Nabanggit ang mga pangalan ni Direk Rowell Santiago at ni Jake Ejercito na nagkataong nasa US ngayon para tuparin ang nasa bucket list niyang puntahan ang Yosemite National Park sa Sierra Nevada Mountains.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)


Madalas makita ang Yosemite bilang cover picture o background sa mga laptop at cellphone.

Going back sa aktor na may anak na ang sabi ni Ogie, “Si Albie Casino. Proud siya! Sabi niya sa akin, ‘hintayin mo muna akong makaalis (pa-US bago ibalita) Tito Ogie. Ha-hahaha!”

“Pero proud siya at first apo ‘yan sa side ni Albie at first apo sa tuhod. At nakita ko napakaguwapo at hawig din kay Albie in fairness. Sobrang tuwang-tuwa si Albie hindi raw niya ma-contain ang kanyang nararamdamang saya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabay bati nina Mama Loi at Ogie ng “congratulations” sa aktor at hindi na siya young actor dahil 31 years old na siya nitong Mayo 14.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending