Richard Gutierrez, Daniel Padilla ganado sa muling pagsasama sa serye

Richard Gutierrez, Daniel Padilla ganado sa muling pagsasama sa serye

Hindi kaila sa Kapamilya fans ang seryeng pagsasamahan nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Ian Veneracion, Enrique Gil.

Actually nag-leak na ang tungkol doon.

Kapag natatanong nga ng mga kaibigan sina Richard, Daniel ay hindi rin naman nila ikinakaila na excited na sila sa bagong seryeng pagsasamahan.

Naging malapit, magkaibigan kasi sina Richard at Daniel nang gawin nila ang ‘La Luna Sangre’ with Kathryn Bernardo, Angel Locsin.

Marami nga sa staff ang nagsabing kapag taping break ay palaging magkakuwentuhan sina Richard at Daniel.

Anyway, kung tikom man ang bibig nina Richard, Daniel at pati na sina Ian, Enrique tungkol sa seryeng ito, aba, marami naman ang nagkukuwento mula sa ABS-CBN Studios.

Very soon nga raw ay maghaharap-harap na sina Richard, Daniel, Ian, Enrique para i-pitch sa kanila ang storyline, characters nila sa seryeng ito, ha!

So bongga! (Jun Lalin)

TELETABLOID

Follow Abante News on