Alden, comfortable sa bahay nila Kathryn | Pilipino Star Ngayon
^

PSN Showbiz

Alden, comfortable sa bahay nila Kathryn

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

 Bawal pala ang sapatos sa loob ng bahay nina Kathryn Bernardo at malalaman ito sa nakitang larawan na post kung saan nasa bahay ng mga Bernardo si Alden Richards.

Ang kuwento, muling naimbitahan si Alden ng mga Bernardo sa despedida para sa brother ni Kathryn at wife nito na paalis at babalik na sa abroad kung saan sila naka-based.

May lumabas na larawan nila at hindi kami sure kung brother at sister-in-law ni Kathryn ang kanilang kasama at isa pang relative. Makikita na bukod kay Kathryn, parehong naka-tsinelas ang mga kasama sa photo at si Alden, nakasuot pa nga ng medyas.

Ang paliwanag sa larawang naka-tsinelas sina Alden dahil bawal sa loob ng bahay ng mga Bernardo ang sapatos o anumang suot na galing sa labas.

May tsinelas na nakahanda para sa mga papasok ng bahay na pare-pareho ang style. Ang cute ngang tingnan at nag-iingat lang ang mga Bernardo.

Isa pang napansin ng netizens ay ang suot ni Alden, t-shirts at naka-shorts lang ito and in fairness, naka-t-shirt at shorts din ang guy na kasama nila sa larawan. Ang biruan ng fans, at home na at home na siya sa bahay nila Kathryn at kung tama pa ang tsika, madalas siyang dumalaw at may dalang flowers and food for Kathryn  and her family.

Samantala, excited na ang lahat sa announcement mamayang 6 p.m., para sa part 2 ng Hello, Love, Goodbye na ang hula ng fans, ang magiging title raw ay Hello, Love, Finally, dahil na rin ito sa mga clue na inilalabas ng Star Magic at GMA Pictures.

Rayver, walang masabi sa kaseksihan ni Julie Anne

“Amazingggg” na lang ang nai-comment ni Rayver Cruz sa inilatag ni Julie Anne Santos na birthday photoshoot niya na talaga namang sexy.

May photo/video na parang naka-bra tops lang ito at ang sexy ng rehistro niya, kaya wala nang nasabi ang boyfriend nito kundi amazing.

Hindi lang naman si Rayver ang humanga sa birthday photoshoot ni Julie, pati ang mga kaibigan ng singer/actress. Hot daw ito, nagpasabog at may mga nag-comment na may ilalabas pa siya sa mga susunod niyang kaarawan.

Ang “amazingggg” comment pala ni Rayver ay sinagot ni Julie ng “youre amazing.” Sa iba pang post ni Julie ng sexy photos niya, hindi na nakapagsalita si Rayver, emoticon na lang ng tao na ang mga mata ay red heart.

“This is 30 and just getting started,” at “This is 30.” Yes, 30 years old na si Julie at para sa JulieVer fans nila ni Rayver, puwede nang mag-asawa.

In fact, puwede na silang magpakasal ni Rayver na 34 years old na.

May sariling bahay na rin si Rayver at may businesses sila at active pa ang showbiz career, puwede na nga silang magpakasal. Kaya lang, tila wala pa silang plano na kasal.

Signed for Stardom, santambak

Over 40 artists pala ang pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa kanilang Signed for Stardom contract signing na ginawa noong May 16. Isa na ito sa pinakamarami at pinakamalaking contract signing na nangyari.

May seasoned actors, actresses, TV hosts, comedians, influencers, singers, beauty queens, hunks, and up-and-coming stars sa grupo. Ang star-studded event was hosted by Martin Javier and Rain Matienzo na four years in a row na palang naghu-host ng Sparkle Signed for Stardom.

Kasama sa mga pumirma sina Pokwang, Boobay, Elle Villanueva, Kelvin Miranda, Winwyn Marquez, Gary Estrada, and Isko Moreno.

Ang beauty queens na sina Gazini Ganados, Rein Hillary, Billie Hakenson, at Bea Gomez. Ang P-Pop boy group na Cloud 7 at kasama rin ang Sparkle child stars na sina Euwenn Mikaell, Nathaniel Enaje, Ericca Laude, at Raphael Landicho. Join din ang Sparkle teens na sina Liana Mae at Gaea Mischa.

Sparkle na rin ang social media stars na sina May Ann Basa, Shan Vesagas, Mark Oliveros, at Chef Ylyt. Pati na sina Jin Macapagal at Ahron Villena at marami pang iba.

Nag-lead sa celebratory toast sina GMA Network Senior VP  Atty. Annette Gozon-Valdes, at Sparkle VP Joy C. Marcelo.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with