Binata, huli sa nakaw na motor na ibinebenta sa online | Police Files! Tonite

Advertisers

Advertisers

Binata, huli sa nakaw na motor na ibinebenta sa online

0 16

Advertisers

Arestado ang isang binata nang magbenta sa online ng nakaw na motorsiklo sa Taguig City.

Kinilala lang ni Pasig City Police chief, PCol. Celerino Sacro Jr. ang suspek sa alyas na “Niño”, 26, at residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Sa ulat, 8:45 ng hapon nang maaresto ang suspek sa tapat ng isang gasolinahan sa Manuel L. Quezon St., sa Brgy. Hagonoy, Taguig City.



Nauna rito, nakarnap umano ang isang kulay black/orange na Honda Click, na may plate number na 313XAH, na pag-aari ng gurong si alyas “Kenedy”, 40, habang nakaparada ito sa tapat ng Pasig City General Hospital, sa Eusebio ­Avenue, Brgy. Maybunga, Pasig City ala-1:00 ng madaling araw noong Mayo 12.

Dakong 5:00 ng hapon noong Miyerkoles nang magtungo ang biktima sa tanggapan ng Anti-Carnapping Unit ng Pasig CPS at isinumbong na inimpormahan siya ng kanyang dating estud­yante hinggil sa kanyang motorsiklo, na nakita umano nitong naka-post sa social media para sa online selling.

Kaagad na nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis at nang makumpirma na motorsiklo nga ng biktima ang ipinagbibili ng suspek kaagad nang inaresto.

Nakapiit na ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 o The New Anti-Carnapping Law of 2016 sa piskalya.