Sey ni Xian Lim 'pag nakita ang ex: I hope you do find happiness

Sey ni Xian Lim ‘pag nakita ang ex: I hope you do find happiness

Therese Arceo |May 11,2024
facebook
share this

Sey ni Xian Lim ‘pag nakita ang ex: I hope you do find happiness

Therese Arceo - May 11, 2024 - 08:51 PM

Sey ni Xian Lim 'pag nakita ang ex: I hope you do find happiness

MULI na namang naging laman ng usap-usapan ang Kapuso actor na si Xian Lim ang naging pahayag nito sa “Family Feud”.

Sa latest episode ng naturang programa na ipinalabas nitong Biyernes, May 10, isa sa mga naging tanong ng host na si Dingdong Dantes kung ano ang kanyang masasabi pag nakita ang kanyang ex.

Nagsimula ito nang basahin ng mga ka-team ni Xian na sina Coleen at Sanya ang mga tanong na ipinadala ng mga netizens.

Sey ni Coleen, “Masaya ka ba sa piling ng pinili mo?”

Dito ay makikita si Xian na tila aalis at pabirong nagsabi ng “Teka, CR lang ako. Sandali.”

Singit na tanong ni Dingdong kay Coleen, “Kung makakasalubong mo ang ex mo, ano ang itatanong mo?”

Baka Bet Mo: Xian Lim ‘super’ hirap katrabaho, sey ng GMA writer na si Brylle Tabora

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Chika ni Coleen, in good terms siya sa kanyang mga nagdaang karelasyon.

“Hindi, puwede bang gusto ko rin mag-contribute. ‘Di ba parang “, para naman from a lady’s point of view, from a guy’s point of view naman… I think, kapag nakasalubong mo ang ex mo, you should say na, ‘I hope you do find the happiness that you’re looking for,’” saad naman ni Xian.

Pagpapatuloy pa niya, “Dapat masaya, ‘di ba dapat masaya kayo para sa isa’t isa. Always dapat in good terms.”

Kahit naman walang sinabing pangalan si Xian kung sinong ex ang kanyang pinatutungkulan ay marami pa rin ang nag-ugnay kay Kim Chiu sa kanyang naging statement.

Matatandaang nitong December 2023 lang nang aminin ni Kim na hiwalay na sila ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila ng kumpirmasyon ay hindi na in-elaborate nina Kim at Xian ang rason sa likod ng kanilang paghihiwalay.

Naisyu rin na baka may third party involved dahil naugnay ang aktor sa film producer na si Iris Lee.

Samantala, dinenay naman ni Xian ang mga naglabasang chika na may third party ngunit inamin nito na may relasyon na sila ni Iris sa kanyang exclusive interview sa Esquire magazine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending