Mainit pa rin, pero posible ang mga pag-ulan –PAGASA

Mainit pa rin, pero posible ang mga pag-ulan –PAGASA

Pauline del Rosario - May 18, 2024 - 09:08 AM

Mainit pa rin, pero posible ang mga pag-ulan –PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

MAINIT pa rin, pero pwedeng umulan.

Ito ang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kanilang latest weather forecast ngayong umaga, May 18.

Ayon sa weather specialist na si Daniel James Villamil, ito ay dahil sa epekto ng Shearline at Easterlies sa ating bansa.

“Dito sa hilagang bahagi ng ating bansa ay ang patuloy na epekto ng Shearline o ang salubungan ng mainit at malamig na hangin sa area ng Extreme Northern Luzon,” sey niya sa press briefing na ibinandera sa Facebook.

Paliwanag pa ni Villamil, “Kaya sa mga nabanggit na lugar ngayong araw, makakaranas tayo ng mataas na tsansa na may kalat-kalat na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.”

Baka Bet Mo: PAGASA: Posibleng may 1 o 2 bagyo sa bansa ngayong Mayo

Pagdating naman daw sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Pilipinas, asahan ang mainit at maalinsangang panahon sa umaga hanggang tanghali.

Ngunit posible ang mga pag-ulan sa hapon hanggang gabi.

“Easterlies naman o ‘yung hanging nanggagaling sa karagatan ng Pasipiko ang weather system na makakaapekto, kaya…makakaranas naman tayo ng tsansa at biglaang buhos ng ulan na dulot ng localized thunderstorms,” sambit ng weather specialist.

Nagsimula nang umulan recently, pero tiniyak ng PAGASA na walang babantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng ating teritoryo sa mga susunod na araw.

Base sa daily weather forecast ng ahensya para sa araw na ito, mararanasan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa Shearline.

May isolated rains naman sa Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa dulot ng Easterlies.

Samantala, mukhang mas magiging mainit ang ilang lugar ngayong Sabado, May 18. Narito ang listahan:

Metro Manila – 25ºC to 35ºC

Tuguegarao – 25ºC to 34ºC

Laoag – 26ºC to 34ºC

Legazpi – 27ºC to 34ºC

Tagaytay –  23ºC to 32ºC

Baguio City – 18ºC to 25ºC

Cebu – 28ºC to 33ºC

Iloilo – 27Cº to 33ºC

Cagayan de Oro – 27Cº to 33ºC

Tacloban – 26ºC to 33ºC

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zamboanga – 26ºC to 35ºC

Davao – 27ºC to 35ºC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending